26

750 22 1
                                    


"Aj, Tara na! Wag ka na mag-inarte! Napaka-KJ mo no? Minsan lang manlibre 'tong siraulong 'to. Tara na!" 


Pagpilit sakin ni Sean na sumama sa kanila ngayon, manlilibre nga naman kasi si Kit. Walang atrasan pag libre. I'm not a fan of any bands out here, pero mahal ko ang musika. Hindi lang talaga ako pala-labas at pumunta sa mga ganitong event.


"Tangina, nakakapikon. Ngayon lang 'to ah! Wala nang uulit!" Iritado kong sabi sa kaniya. I stood up and fixed myself, naligo at nagbihis ako. Inaaya nila 'ko, sila pa galit dahil ang bagal ko raw kumilos!


When we arrived at the venue, I already knew I will just stand up here and listen to the performers. Hindi ako makikitalon, makikisayaw o ano. Makikinig at makikikanta lang ako. Libre naman, kaya ayos lang.


"Pre, si Ely Buendia 'yong magpeperform ngayong gabi! Last set!" Inakbayan ako ni Kit. "Wag ka nang mapikon! Maraming nagkakajowa sa pag attend attend ng concert!" Tawa niya.


"Ewan ko sayo. Walang totoong pag-ibig sa ganiyan, tanga ka ba?" I crossed my arms and shook my head. Onti onti ko na nga nalilimutan mga problema ko, tapos dinala pa 'ko sa ganito? Nakakatanga makakita ng mga magjowang naglalandian.


The event started. I admire lots of performers until Ely Buendia's set. He was really amazing. His band. Sayang nga, hindi ko naabutan ang Eraserheads. Isa 'yon sa dahilan kung bakit ko minahal ang musika, ang OPM. Dahil sa Eraserheads, naging lowkey na lang ako nang malaman kong disband na sila. 


"Okay ka pa ba, pre? Gutom?" Tanong ni Marcus sakin. "Antayin mo na lang, malapit na matapos 'to. Masaya naman diba?" Ngiti niya nang bahagya. Tumango na lang ako, wala naman akong ibang magagawa. Masaya rin naman.


This concert made me realize everything about my passion, music. I really want to pursue it. Para rin makilala ako ng mga tao at ako naman 'yong tumugtog don. Sarap sa pakiramdam.


My world stopped. My surroundings slowly moved. The volume of the music went lower. My eyes looked at this jolly girl, adoring her. She was carefree, stress-free, unproblematic and happily singing along with the music. I felt something strange, my heart beats fast and I already knew what am I feeling.


"Tara na. Tapos na!" Inakbayan ako ni Sean, para akong nagising ulit. "Teka, ayos ka lang ba?" 


"Ah, teka lang. May nakita kasi ako. Mabilis lang." Sabi ko habang tinatapik ang kamay niya para alisin niya sa balikat ko.


"Wag na. Tsaka na. Kumain na tayo. Nagugutom na 'ko!" Reklamo niya habang hinihila ako palabas ng venue. Patuloy ko pa rin hinahanap 'yong babae. 


Nakaupo na kami sa luob ng McDo at nagsisimula na rin kumain. Wala akong gana dahil naiinis ako kay Sean. Pinigilan niya 'ko sa gagawin ko kanina. Maghahanap tuloy ako ng wala sa oras, parang gago e!


"Huy, ano ka ba diyan?" Marcus snapped his fingers in front of me.


Music of FameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon