16

798 23 5
                                    


"Tara na?"


Aj offered me a hand. Yes, may pasok na rin siya. Nakakatuwa lang dahil parehas na kaming may pasok, sabay na kaming aalis at uuwi ng bahay. Parehas na rin kaming abala sa pag-aaral. Sana nga, may oras pa rin sa isa't isa. I understand naman na parehas na kaming busy, lalo na may career siyang iniingatan. Ako, wala pa, wala pang balita sa libro ko. Pero, ayos lang.


"Ano oras uwi mo mamaya?" Aj asked me while he was buckling his seatbelt. 


"Same time pa rin, 6:30 pm." I looked at him. 


"Nako. Ako, 7 pa. If you want you can go home early? Gusto mo ba?" He held the steering wheel with his hand.


"I can wait! May coffee shop naman na malapit." I smiled. "Aantayin na kita para naman sabay pa rin tayo pag-uwi." I whispered.


"Ano? Ano? Ano ulit?" He leaned a bit while finding my gaze, he was teasing me! Oh god!


"Wala! Umalis na tayo. Baka ma-late pa tayo." I rolled my eyes.


Umalis na rin kami agad at dumeretso na sa UP. Hinatid niya muna ako sa building namin atsaka siya dumeretso sa building nila. It was his first day today kaya dapat hindi siya ma-late! Ayoko rin namang ma-late siya dahil sakin. Hays, I miss my friends. Sana, nandito pa rin sila kasama ko. But yeah, that's impossible! Magkakaiba kami ng gusto.


"Hi! Good morning!" Bati ko kay Sunshine pagkapasok ko ng room namin. Onti pa lang kami dito, so I guess, medyo maaga pa 'ko.


"Sis, hindi raw makakapunta prof! Pero nag-iwan ng gawain!" Sunshine held my arm, looking serious and stress!


"Ay, walang prof? Ba yan! Sana pala hindi na 'ko pumasok!" I laughed. "Pero, ano 'yon?" I faced her.


"Script writing for short film!" Sunshine answered. When I heard what she said, medyo nadalian na lang ako. I love writing, it's like expressing every thoughts you have in mind! "Don't worry, it's by pair and free-style." Sunshine waved her eyebrows.


"I love writing!" I giggled.


"Oo nga pala, writer nga pala 'to!" Sunshine smirked. "Alam mo na? Kampi tayo ha!" 


"Wait! Paano mo nalaman?" My brows met because of curiousity. Alam kong walang nakakaalam o nakakakilala sa libro ko dito sa UP, kaya medyo tahimik ako. Ayaw ko rin naman makilala nang sobra.


"Girl, you're trending almost every night sa twitter!" She slapped my arm softly. "Buti na lang kaklase kita, hindi ako mahihirapan sa mga sulat sulat lalo na for script!" Sunshine chuckled.


"True ba?" I asked. I mean, hindi na rin ako nakakapagbukas ng mga social media accounts ko dahil busy na. I have lots of notes na sinulat for the past few weeks, ang dami pang readings pati ang daming inaaral. 

Music of FameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon