✦forty-four

372 26 1
                                    

THIRD PERSON'S

"Ikaw, Shannie ah. Kunwari ka pang ayaw mong nilalandi kita tapos gusto mo rin pala yieee" pang-asar ni Kairo kay Shantal

"Isa pa, Kairo Jung! Tatamaan ka na talaga sakin" naiinis na singhal ni Shantal kay Kairo dahil kanina pa nang-aasar ito sa kanya.

"Isipin mo yun, ayaw mo kong palandiin sa iba. Shantal, ikaw ba yan?" pinigilan lamang ni Shantal matawa dahil alam niyang mas lalo siyang aasarin nito

"Tapos nilagay mo pa sa password mo na ang gwapo ko. Ganun na ba talaga epekto ko sayo?" kunwaring nang-aasar na sabi nito. Napangisi na lamang si Shantal sa naisip niyang maigaganti kay Kairo.

"Oo na. Ang gwapo mo. Matagal ko ng tinatanggi yun sa sarili ko pero Kairo, ang gwapo mo" nawala ang ngisi ni Kairo at napalitan ito ng pamumula ng kanyang pisngi.

Sabi na nga ba at gagana ito sa kanya. Sa susunod ay aamin na lamang si Shantal para matigil na sa pang-aasar ang binata.

"Hoy! Saan ka pupunta?! Kairo Jung!" Pasigaw na tawag niya kay Kairo nang bigla siyang talikuran ng binata at nagsimulang maglakad papalayo.

"Kairo Jung! Wag mo kong layasan! Narinig mo ba yung sinabi ko?! Sabi ko ang gwapo mo! Sobrang gwapo mo, Kairo!" This time, parang bumaligtad ang scenario kanina at siya naman ang nang-aasar ngayon.

"Gutom ka lang, Shantal" Seryosong sabi nito saka biglang pumasok sa kwarto at sarahan kaagad ng pinto si Shantal.

"Pfft! HAHAHAHAHAHAHAHA" sa wakas ay nagkaroon na rin siya ng pagkakataon na humalakhak.

"This is actually fun. Kung alam ko lang na masaya 'to edi sana ako na naunang nanlandi sa kanya" patawa-tawang sabi niya sa sarili.

"Kairo, dun lang ako sa sala if ever mag-desisyon kang lumabas!" natatawang paalam niya pa sa binata at halatang nang-aasar parin.

KAIRO

Seryoso ba siya?! Kailan pa siya natutong mang-asar?! Aish!

"Oh! Sa wakas lumabas ka na rin!" salubong ni Shantal sakin nang mapadaan ako sa sala para sana pumunta ng kusina at kumuha ng makakain.

Sa totoo lang hindi ako sanay sa ganitong Shantal. Sanay ako na lagi niya akong sinusungitan at sinasabing akong layuan ko siya. Pero I won't deny na gusto kong ganito na lang siya palagi. Ano ba talagang meron? Sila na ba ni Jeongin kaya ba ang ganda ng trato niya sakin? Wag naman sana. Hindi ko kaya, mas maganda na lang siguro na wag ko ng alamin.

Hindi ko siya pinansin at nagdire-diretso lang ako sa kusina para kumuha ng maiinom.

Nililito niya ako masyado. Pinag-lalaruan niya ba ako?

Napailing na lamang ako at kumuha ng juice sa ref at nag-salin sa baso saka ko ito ininom. Pero ilang minuto lang ay nakita kong nakasunod siya sa akin staring at me na para bang gustong gusto niya ang mukha ko at inaakit niya ako. Bakit ba ganyan siya makatingin?!

Sinubukan kong lumingon sa ibang direksyon pero kung nasan ako nakatingin ay doon din siya pupwesto saka ako titignan ng kakaiba. Hindi talaga ako sanay sa kanya.

"Seriously, Shantal Shin?!" hindi na ako nakapag-pigil pa at bigla ko na lang iyong nasabi sa kanya. Bahagya siya nagulat nang sumigaw ako at napahawak lang sa dibdib niya na para bang sinasabi niyang 'bakit-kasalanan-ko-pa' pose. Jusko talaga, maaga akong aatakihin sa kunsimisyon sa kanya

"Why po?" inosente niyang sabi. Napailing na lamang akong muli bago mag-tungo sa sala para mag-relax pero heto na naman siya at tumabi sa akin.

Teka nga, baka naman pekeng Shantal 'to. Baka yung totoong Shantal ay kinidnap ng mga aliens at dinala sa Mars huhu. Hindi pwede!

Napatingin ako sa kanya only to found out that she was already staring at me like I was the most beautiful guy she have seen. Nababakla na siguro ako dahil kanina pa ako naiilang at kinikilig sa ginagawa niya. Pero kasalanan niya naman dahil ganito ang ginagawa niya.

Binuksan ko ang cellphone ko at inopen ang camera saka itinapat sa kanya.

"H-hoy! Anong ginagawa mo?" natawa na lang ako sa reaksyon niya. Si Shantal nga 'to.

"Pini-picturan ka" sagot ko naman.

"Seryoso ka ba dyan, Kairo Jung?" hindi makapaniwala niyang sabi sa akin.

"Mukha ba akong nagbibiro, Shantal Shin? Dali na, ang ganda ng lightning oh" natatawang sabi ko at hinihintay na lamang siya mag-pose for a picture.

Ilang segundo lang ay ngumiti na din siya kaya nagsimula na akong kunan siya ng maganda anggulo. Yes! #supportive_husband. Nukunung.

"Patingin akooo!" excited na sabi niya saka lumapit sa akin at pinakita sa kanya ang pictures na kinuha ko kanina.

"Yaaay! Ang gaganda. Anong gusto mong i-dp ko dito?" napatingin naman ako sa kanya. Seryoso ba siya?

"H-ha? Bakit ako tinatanong mo? Ikaw naman bahala eh" ngumuso lang siya at halatang nagpapaawa pa sa akin.

"Gusto ko ikaw pumili" Pa-cute niyang sabi sa akin. Wala na akong nagawa pa at tinignan ang pinaka-maganda kinuha kong picture at tinuro yun sa kanya.

Lahat naman yun ay maganda, dahil siya yung nasa picture.

"Ikaw din dali, pose ka kunwari matutulog HAHAHAHA" hindi ko maiwasang mahawa sa tawa niya. Cute cute niya talaga.

How can I hate this girl? How can I leave her kahit pa ipagtabuyan niya ako. Paano na lang ako kung wala siya? Hindi ko na alam, I just want to stay with her. I want to stay on her side.

TO BE CONTINUED...

❛Flirt❜ ┇ HN.K x S.YN✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon