✦thirty

353 26 3
                                    

THIRD PERSON'S

"What?! Sigurado ka ba dyan, Kairo?" tanong ni Sunshine sa kanya

"Hindi na naman ako magtatagal ate. I just want to spend my days with her" kahit ang apat na nasa harap niya ay hindi mapigilang malungkot.

"Don't say that, Kairo. You've sacrificed everything tapos sa 3 months lang matatapos ang lahat?" reklamo ni Jullien.

"Narealize ko lang, nakita ko kung gaano siya kasaya kapag si Jeongin ang usapan. Saka ate imposible namang magustuhan niya rin ako eh. Hindi ko matatalo si Jeongin" Julia patted his shoulders. She felt for him kahit man lang sa huling sandali niya ay wala siyang magawa para kay Kairo.

"Magagawan pa naman ng paraan eh. Kairo naman, isipin mo naman sarili mo" sabi ni Lucy sa kanya.

"It is the only thing that makes me happy, Lu. I want to make sure that she was happy bago man lang ako umalis" the girls can't help their tears. Sa ilang buwan nilang nakilala ang binata ay naging mahalagang parte na siya ng buhay nila.

A good friend at maasahan sa lahat ng oras. That was Kairo.

"Sigurado ka na ba?" tanong ni Julia.

"Oo ate"

"We will support you kung anong magiging desisyon mo" muling sabi ni Julia bago pahiran ang luha niya.

"Palala na ng palala ang kondisyon ko, Ate Julia. I don't think I will make it until the end. Please take care of Shantal for me" they all nodded at him.

"Ate Sunshine, please give this to her incase na may mangyare sakin" sabi niya sabay labas ng isang nakatuping papel.

"It's okay if you'll read it but please give it to her" tumingin siya sa binata saka tumango.

"I will, Kairo"

"I want to be happy with her. I want to spend my remaining time with her. I want her by my side. I want to take care of her before I go"

"Good morning, Shannie!" masayang sigaw ni Kairo sa tulog na si Shantal.

"For pete's sake, Kairo Jung!" Inis na wika ni Shantal bago siya batuhin ng unan ng dalaga.

"Nyay! Anong oras ka na kase natutulog. Gising na dyaaaan!" Sabi niya bago alog-alugin si Shantal.

"Utang na loob, Kairo. Inaantok pa ako" but he doesn't care

"Bangon na daliii! Alas-dos na oh" sabi niya saka hinila si Shantal patayo ng kama.

"Ano bang gagawin? Taena ka naman" reklamo ng dalaga saka kinusot-kusot ang mata nito.

"Basta. Sumunod ka sa baba ha. Wag ka muna maliligo! Hehehe" sabi niya bago tuluyang isara ang pinto sa kwarto ng dalaga.

"Darn you, Kairo Jung!" Sigaw niya saka napilitang tumayo ng kama.

Pagkatapos niyang magsuklay at sinuot niya ang hairband na bigay sa kanya ni Lucy bago bumaba.

Nang tuluyan itong makababa ay tumambad sa kanya ang maduming kusina. May mga nakakalat pang harina sa paligid.

"Yah! Anong ginagawa mo?! Nagkakalat ka oh" imbis na sagutin siya ni Kairo ay tinawanan lang siya nito na para bang batang nagpapa-cute sa magulang para lamang hindi mapagalitan.

"Gusto ko sana ng cookies eh. Papatulong akong gumawa sayo hehe" imbis na mainis siya ay natawa na lamang siya dahil puno ng harina ang ibabang parte ng mukha ng binata.

"Para kang bata" natatawang sabi nito bago lumapit sa kinatatayuan ni Kairo.

He didn't say anything. He was just looking at her admiring her cute smile.

"Patingin nga ng instructions" sabi niya saka bahagyang nag-bend down para makita ng maigi ang cellphone niya kung saan nakaopen ang instructions.

"Hmm. Kailangan daw flour, asukal, asin, butter, itlog, saka vanilla" he watched her as she mix the ingredients in a bowl.

He didn't made any noise na makakaabala sa concentration ng dalaga. But she looks kinda irritated dahil nakabuhaghag ang buhok nito at tanging hairband lang ang suot niya.

"Shannie"

"Hmm?" he chuckled before he gently grabbed her shoulder saka iniharap sa kanya si Shantal.

"Let me fix it" nakangiting sabi niya sa dalaga. He grabbed her hairband and placed it properly. Nang matapos niyang ayusin ang hairband nito ay pumunta siya sa likod para itali ang mahahaba niyang buhok.

"You look more cute pag nakatali ka" sabi niya sa dalaga bago ito tuluyang lagyan ng tali.

"Okay na" sabi nito saka bumalik sa harap to look on her face.

"Oh wait wait!" sabi niya with matching hand gestures pa. Tumakbo siya papunta sa refrigerator dahil nakasabit ang apron nilang dalawa.

"Here. Para hindi ka masyado madumihan" she was seriously surprised simula pa lang sa pag-ayos ni Kairo ng hairband at pagtali niya sa buhok ng dalaga. And then there he was helping her to wear her apron. He wrapped his arms around her waist to tie her apron without any warning.

It is weird but her fast heartbeat was with it again. She also felt her cheeks burning with a blush of bright pink.

"Shantal? May problema ba?" Nag-aalalang tanong ni Kairo sa kanya.

"H-ha?"

"Ang sabi ko, may problema ba? Nakatulala ka dyan" natatawang sita ni Kairo sa kanya.

"Wala ah. Tss" sabi niya bago muling ituon ang attensyon niya sa pag-gawa ng dough para sa cookies.

Man, what was that? She thought


TO BE CONTINUED..

❛Flirt❜ ┇ HN.K x S.YN✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon