✦fifty-nine

322 26 4
                                    

SHANTAL

This was the day, aaminin ko na lahat. Ayoko ng patagalin pa ang lahat.

"Shantal?"

"Hmm?"

"Labas ka saglit" I immediately held his hand nang i-offer niya ito sa akin.

"Wear this" sabi niya saka abot ng blindfold sa akin

"Eh?"

"Just wear it. May ipapakita ako sayo" sa totoo lang ay kinakabahan ako. Baka mamaya naman kase pagtanggal ko ng blindfold may hindi magandang mangyare but then he's Kairo and I trust him so much.

"Sit here" inalalayan niya akong makasakay sa kung ano man ito. But I think it was a bike.

At saan niya naman nakuha 'to?

"Saan ba tayo pupunta, Kairo?" tanong kong muli pero I didn't hear any response from him again. Kinakabahan na talaga ako.

I felt the bike moved kaya kaagad akong napakapit sa kanya. Sa bawat pagbilis ng takbo niya ay napapahigpit ang kapit ko sa beywang niya. Jusko, baka mahulog ako dito ah.

Ilang sandali lang ay naramdaman kong tumigil siya at inalalayan akong makababa.

"Are we here?" tanong ko

"Yes" shuta, buti naman.

He was holding my hand habang ang isang kamay niya ay nasa may beywang ko.

"Wag kang gagalaw dyan. May gagawin lang ako" bumitaw siya sa kamay ko but then I didn't let him go.

"Shantal, hindi kita iiwan okay? Kasama mo ako" my heart skipped a beat when he said that. Right, hindi niya ako iiwan. Bumuntong hininga ako sa niluwagan ang hawak ko sa kamay niya.

As he said, hindi ako gumalaw sa kinatatayuan ko and stayed there until I felt him holding my hands again.

"Tatanggalin ko na 'to ha?" I just nodded my head as an answer.

"3" lumakas ang kabog ng dibdib ko nang magsimula siyang magbilang. Asan kaya kami?

"2"

"1" napadilat ako ng maramdaman kong natanggal na ang blindfold ko.

Napaawang ang labi ko nang makita ko kung saan ako dinala ni Kairo.

"Nagpaalam ako kay Troye kung pwede ba nating hiramin yung hideout niya and buti na lang pumayag siya" natatawang sabi niya.

"W-why are we here?" nagtatakang tanong ko sa kanya.

Niyaya niya akong umupo sa nakalatag na picnic blanket kaya agad ko siyang sinundan at umupo sa tabi niya

"Bakit hindi ko alam kung saan 'to?" natatawang tanong ko para gumaan ang atmosphere. Masyadong tahimik ang paligid and I am starting to feel awkward about it.

"Shantal, I'm sorry" nawala ang ngiti sa labi ko at napatingin agad sa kanya.

"P-para saan?" tanong ko. Hindi ko alam pero bakit ang bigat ng pakiramdam ko ngayon. Hindi ko alam kung bakit sobra yung kaba ko.

"Sorry for everything. For bugging you, for causing you so much trouble" pilit akong tumawa saka umiling.

"It's nothing, Kairo. Pero ang ganda dito. I'm glad na pumayag si Troye na pumunta tayo dito" pag-lihis ko sa topic. Ayoko muna umiyak ngayon. Please, I just can't.

"Shantal, you know my condition" mas lalong bumigat ang pakiramdam ko sa nabanggit niya.

"Maybe someday, I wouldn't be able to accompany you. I wouldn't able to stay on your side. I wouldn't able to make you happy" iniwas ko ang tingin ko sa kanya. Hindi ko kaya, hindi ko kayang tignan siya.

"Kairo, baka napapagod ka na. Let's go home" tatayo na sana ako sa kinauupuan ko but then he grabbed my arms para pigilan ako

"Shantal, I'm sorry" I tried to look at his eyes pero hindi ko kayang tignan iyon ng matagal. His eyes are full of sadness. Naiiyak lang ako kapag tinitignan ko iyon.

"You are free now. You can let someone love you ng walang kumukulit sayo. You can go back again to Jeongin. You can love anyone you wanted" at his point pati yung sarili ko ay trinydor na rin ako. My tears fell down and my heart freaking hurts. Why are he saying this?

"Hindi mo na kailangang pilitin ang sarili mong mahalin ako, Shantal. You don't have to worry about me" umiling ako habang sunod sunod ang pagpatak ng luha ko.

Why are he saying this? Bakit? Akala ko ba hindi niya ako iiwan? Akala ko ba dito lang siya? Bakit parang iiwan niya naman ako.

"Hindi ako napipilitan, Kairo" pinilit kong mag-salita but then he just smiled bitterly. Bakit ba siya ganito? Iiwan niya ba talaga ako?

"You don't have to deny it. I know you loathe me for forcing you to marry me" I just held his hands.

"I don't hate you, Kairo. Even a bit. Lahat ng pinakita ko sayo, it was all from me. Hindi ako napipilitan. Naiintindihan mo ba ako? Baka naman napapagod ka lang talaga. Let's go home now, Kairo. Please?" pagpilit ko sa kanya but then again, he didn't listen to me.

"Believe me, I was really thankful that I met you, Shantal. I am beyond thankful that Kuya Yohanne let me know you even for a while. Thank you" hindi ako nagsalita ako pinakinggan lang siya.

Ganito ba talaga kasakit yun? Ayoko na. I don't want to leave him but I just don't want this pain. I felt like suffocating again.

"Shantal, I cancelled our marriage" I stopped sobbing when I heard that.

He what?!

"You are free now. That 3 months? Remember? I just want to spend my 3 months with you. I just want to stay with you before everything else" mas lalong kumirot ang puso ko.

So that's why he was asking me for another 3 months? Bakit hindi ko naisip iyon? Bakit hinayaan ko ang sarili kong pumayag sa deal na yun?

"Kairo, I don't want that anymore. Let's get married. Please just stay with me. Don't leave yet please"

"I'm sorry, Shantal. But everything I showed you was real. I really love you so much"

"You love me? Then why are you leaving me? Kairo, wag naman ganito. We can still settle everything right?" I thought he love me? Why?

"I love you" napatigil akong muli sa sinabi niya. Even his word left so much impact to me.

"I'm not doing this just because I don't love you. I am doing this because this is the right thing to do, Shantal"

"Kairo please. Don't leave"

"Shantal, I love you"

"Please? Just stay with me"

"I love you"

This hurts like hell. Kung sana hindi na ako nag-sayang ng panahon noon, this will not happen.

"I love you" I just look at him. He was crying too. At mas lalong nakapag-pasakit ng puso kong nakikita siyang umiiyak. I don't want that.

Nakita kong hinubad niya yung Ibeat na binigay ko. Tumutunog ito ng malakas that means his heart was beating erratically.

"Tumutunog yan hindi dahil inaatake ako. It was ringing dahil kasama kita, Shantal. You make my heart go crazy"

Wala na ba talaga akong chance na mapilit siyang manatili sa tabi ko?

"I love you"

"Can I hug you? E-even for the last time?" hindi ko siya hinintay na sumagot but instead I just hugged him tightly. I hope everything stops even at for this moment. Sana tumigil ang oras para makasama ko pa siya ng mas matagal. Para mas mayakap ko pa siya ng mas matagal.

"I love you too, Kairo"

TO BE CONTINUED..

❛Flirt❜ ┇ HN.K x S.YN✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon