✦fifty-two

324 22 5
                                    

SHANTAL

Kaagad akong tumayo sa higaan at nakangiting bumaba para salubungin si Kairo.

Nawala ang ngiti sa labi ko nang maalala kong umalis na nga pala siya kahapon para sa check up niya. I hope that he will recover soon.

Sa totoo lang, masaya akong I got the chance para makabawi sa kanya. I found him more cute lalo kapag inaasar ko siya.

Hindi ko alam na ganito palang kasaya na alagaan siya. I don't want to deny it anymore. Masaya akong kasama siya, masaya akong nakikita ko siya. Basta sobrang saya, and the thought of his illness at maaaring mawala siya sakin, trust me it really hits me differently.

-

"Shantal, okay ka lang ba? Kanina ka pa tulala dyan" tanong sakin nila Lucy. Okay lang ako, wala lang siguro ako sa mood para mag-ingay ngayon.

"Okay lang ako" sagot ko sa kanila.

"Bat nga pala hindi pumasok si Kairo?"

Mas lalo akong napa-busangot ng banggitin nila ang pangalan ni Kairo.

"Ay oh, mukhang may problema. Inaway mo na naman ba si Kairo?" masyado silang nasasanay na hindi maganda ang trato ko kay Kairo. Sabi ko nga, nagbago na ako.

"Hindi ah" sabi ko.

"Hindi pala eh. Eh bakit bumusangot ka nung nabanggit ko si Kairo?"

"May check up siya for 3 days. Wala siya sa bahay kaya di din siya makakapasok" sagot ko sa kanila.

"Aww. Kaya pala. Mukhang alam ko na" napaangat ang tingin ko kay Ate Sunshine at kinunutan siya ng noo.

"Miss mo na si Kairo 'no?" this time, napaiwas ako ng tingin bago mag-salita.

"Miss? Ha! Yung lalaking yun? Mamimiss ko?" sarkastiko kong sabi.

Ayun? Miss ko? Ha! Paano nila nalaman?!

"Hindi 'no. Bakit ko naman mamimiss yun" deny ko. Syempre kilala ko sila, aasarin ako ng mga 'to once na malaman nila yung totoo.

"You mouth says no but your face says yes. Deny pa more, Shantal Shin" Masyado na ba akong halata? Kase naman eh!

"Hindi nga ate!" sabi ko habang hindi parin tumitingin sa kanila.

"We can call him if you want" nakangiting sabi ni Jullien.

"Wag na ate! Baka nasa check up niya yun ngayon"

"Yieeee! Tinotoo mo talaga yung sinabi mo. Pero baka naman sa sobrang pag-aalala mo dyan, baka matuluyan ka" kunot noo akong tumingin sa kanila.

"Anong matuluyan pinagsasabi mo?" Tanong ko kahit gets ko kung anong ibig niyang sabihin.

"Baka matuluyan kang ma-fall. Mga ganung bagay" tatawa-tawang tugon ni Jullien.

Napayuko na lang ako. Kung alam niyo lang. Naguguluhan na din ako. Hindi ba masyadong mabilis? Hindi ba masyado pang maaga?

"Okay lang naman yun, Lien. Atleast hindi na mahihirapan si Kairo kase parehas na sila ng nararamdaman para sa isa't isa and isn't that great?"

-

"Tita, pwede ko po bang kausapin muna si Kairo?" paalam ng doctor sa nanay ni Kairo.

"Sure, I'll leave you both, Joshua" napangiti lang si Doc Joshua sa kanya. Actually, anak ng kumare ng nanay ni Kairo ang doktor na ito kaya malaki ang tiwala niya na may chance na gumaling si Kairo sa kamay nito.

"Kairo"

"I'm sure nasabi na ni Tita sayo" napayuko ito saka tumango.

"We found a donor for you kaya lang it was in Thailand"

"Gagaling po ba ako if ever na pumayag ako sa operation?" tanong ni Kairo.

Everything he have decided suddenly changed. He wanted to stay, he wanted to stay with her like what she just wanted.

"There's a 40% chance that you'll survive the operation, Kairo. I know it was kinda unstable but we'll do everything"

"Kase mas hindi maganda ang mangyayare sayo in the next few days kung pinabayaan mo pa ang kondisyon mo. As soon as possible kailangan mo na mag-desisyon. And honestly, you're condition is getting worse. Think carefully, Kairo"


TO BE CONTINUED..

❛Flirt❜ ┇ HN.K x S.YN✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon