✦forty-seven

357 25 16
                                    

SHANTAL

"Sheen! Halika na, maliligo muna tayo!" sigaw ko nang matapos kong i-arrange ang mga kailangan sa pagpapaligo kay Sheen gaya ng sabon at shampoo. Buti na lang may extrang sabon saka shampoo pang natira pero kailangan na rin naming mag-grocery bukas

"Tita, pwede pong mamaya na? Lalaro pa po kami ni Tito Kairo eh" napatawa na lang ako. Masyado na silang close ni Kairo. Helloo! Pamangkin ko yan, bakit mas close pa kayo? HAHAHAHAHA.

"Sige na, Sheen. Ligo ka muna. Lalaro ulit tayo mamaya ha?" sa totoo lang parang matutunaw na yung puso ko sa sobrang cute nilang dalawa. Tinitignan ko lang sila at para talaga silang mag-ama. #BatangAma. Charot HAHAHAHAA.

"Tito, hindi ka po maliligo?" nakita kong tumawa pa siya sa tanong ni Sheen sa kanya.

"Gusto mong sabay tayo maligo?" ngumiti si Sheen saka tumango.

"Bata ka talaga, halika na. Hindi naman aalis si  Tito Kairo. Pagkatapos mong maligo, lalaro ulit kayo" pamimilit ko sa kanya pero nakanguso lang siya.

"Halika na, maliligo na tayo" nanlalaki ang mata kong tinignan siya pero itong ungas na 'to eh aba! Tinawanan lang ako.

"Gusto ni Sheen eh" nakangising sambit niya saka ako kinindatan at binuhat si Sheen papasok sa cr.

Siraulo ba siya?! Sasabay talaga siyang maligo kay Sheen? Seryoso? Legit? 22o?

Napailing ako saka pumasok sa cr at nakita yung dalawa na nakaupo sa bathtub. Ayos ah?

"Ayaw mo bang sumabay?" nakangisi niyang tanong sa akin. KAIRO JUNG, SERIOUSLY?!

"H-ha? H-hindi na" Pag-alis lang ni Sheen, tatamaan sakin 'tong lalaking 'to hayuf.

"Sige, Sheen. Tayo na lang maligo" nakangusong sabi niya pa saka binuksan yung gripo para mapuno yung bathtub.

Hindi ko maiwasang tignan silang dalawa. Ang cute cute kase talaga nilang dalawa eh.

"Sheen, lapit ka dito. Sasabunan na kita" buti na lang at hindi siya nagreact at kaagad ding lumapit sa akin.

Hinubad ko yung pang-itaas na suot niya saka sinabunan ang katawan niya habang si Kairo naman yung nagbabanlaw sa kanya.

Matapos nun ay kinuha ko ang shampoo at kaagad na nilagyan ng shampoo ang buhok niya.

"Halika na baby, bibihisan na kita" sabi ko sa kanya.

"Tita, inaantok na po ako" Sabi ni Sheen saka humikab. Napagod siguro kakalaro kasama si Kairo.

"Oh sige na baby. Upo ka muna dyan ha?" tumango lang siya saka ko siya kinarga pa-upo sa toilet bowl.

"Hoy Kairo! Anong ginagawa mo dyan? Magkakasakit ka sa ginagawa mo eh. Maligo ka na din" mahinang sita ko sa kanya dahil para lang siyang tangang nakababad sa bathtub. Nang iangat niya ang tingin niya sa akin ay halos tumalon ang puso ko dahil nakanguso siya saka paawang nakatingin sakin.

Ano bang ginagawa ng lalaking 'to?!

"Shannie, ako din paliguan mo" nakangusong sabi niya. Para akong nasamid sa sarili kong laway dahil sa sinabi niya.

"Siraulo ka talaga! Dalian mo na! Magkakasakit ka!" saway ko sa kanya pero masyadong matigas ang ulo ng taong 'to.

"Kairo Jung, seryoso ka ba?!" pabulong na sigaw ko sa kanya.

"Mukha ba akong nagbibiro, Shantal?" pakiramdam ko ay kinilabutan ako nang tawagin niya ako sa totoong pangalan ko. Arghh!

"Kairo Jung!" pananakot pero hindi parin ito gumana at nanatili lang ang mukha niyang seryoso. Jusko naman.

"Darn you! Hintayin mo ko dito. Tatamaan ka talaga sakin pagbalik ko" sabi ko saka binalikan si Sheen para mabihisan siya agad.

THIRD PERSON'S

"Tulog na baby. Maglalaro ulit tayo pagka-gising mo" tinanguan lang siya ni Sheen saka pumikit na dahil sa sobrang antok ng bata.

Ngumiti siya saka hinawi muna ang buhok nito saka dahan-dahang tumayo ay isinara ang pinto para balikan si Kairo sa banyo.

"Hoy! Siraulo ka talaga ano? Anong balak mo sa buhay mo?!" pambungad na tanong ni Shantal sa kanya.

At napanganga siya nang makita niya si Kairo na masayang naglalaro ng bula.

"Kairo Jung, seriously?!" parang bata lang siyang nginitian ni Kairo saka muling pinaglaruan ang mga bula sa bathtub niya.

"Halika na, huwag ka na magtagal dyan. Magkakasakit ka eh" sabi nito sabay lahad ng kamay niya pero hindi parin siya sinunod ni Kairo.

Napabuntong hininga na lamang siya saka umupo sa harap ni Kairo na kasalukuyang nakaupo sa bathtub at marahang hinila si Kairo paharap sa kanya. Kinuha niya ang sabon mula sa pinaglagyan niya kanina.

Kairo was taken aback at napatingin na lamang kay Shantal nang hilain siya nito. She scrubbed the soap in his arms pati na rin sa leeg niya saka inabot ang tabo at binanlawan ito. Next stop, kinuha niya shampoo at binuhusan ang ulo ni Kairo upang mabasa ito.

He was seriously staring at her pero hindi niya inalintana ito. Nagsimula niyang lagyan ng shampoo ang buhok niya saka kinuskos ito ng mabuti.

"Para kang bata" rinig niyang sabi ni Shantal sa kanya but all he can do was to smile.

"Akala ko kase hindi mo naman seseryosohin" natatawang tugon nito. Unknowingly, she smiled at him saka binanlawan ang buhok nito.

"Halika na, tumayo ka na diyan" finally, he reached for her hands saka tumayo.

"Here's your towel. Kumuha na rin ako ng damit kanina" ngumiti lamang si Kairo sa kanya saka tumango.

"Make sure to rinse your body bago ka lumabas ha?" bilin ni Shantal sa kanya.

"By the way, gutom ka ba? Anong gusto mong kainin?" she lastly asked bago tuluyang lumabas ng banyo.

"Cookies?" she immediately smiled and gave him a thumbs up.

"Pagkatapos mong maligo, bumaba ka na ha?"

Napatulala na lamang si Kairo nang makaalis ito ng banyo. Isang tanong ang umiikot sa kanyang utak.

What was that?

TO BE CONTINUED..

❛Flirt❜ ┇ HN.K x S.YN✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon