✦sixty-three

326 23 1
                                    

SHANTAL

"Sure kang hindi ka sasama samin?" tanong ni Ate Sunshine sakin. Balak daw nila mag-mall pero hindi ako sasama. Balak ko sanang pumunta dun sa Hideout nila Troye kung saan kami huling nag-usap.

It was his birthday today at yung pagpunta ko dun ngayon, para naring kasama ko na siya.

"Oo ate. Thank you na lang" mabuti na lang at naiintindihan nila ako. Wala lang talaga ako sa mood para mag-saya ngayon.

"Oh siya, una na kami ha?" ngumiti ako sa kanila saka tumango. Nag-bihis na ako saka sumakay sa hiniram kong bike mula kay Lucy.

A months has passed but I still felt na kahapon lang siya umalis. Hindi parin ako umaalis sa tinitirahan namin pero sinasamahan ako nila Ate Sunshine dun. Baka daw kase may maisip daw akong masama. Pfft

I am very sad, I admit that pero I wouldn't commit suicide 'no! Bad yun.

I parked the bicycle somewhere near a tree saka kinuha ang picnic blanket mula sa basket ng bike. Nang makarating ako sa tabi ng lawa ay inilatag ko ang dala kong blanket atsaka umupo.

Napapikit ako habang ninanamnam ang lamig ng simoy ng hangin. I miss him so much. Kahit pa dito nangyari ang pinaka-masakit na parte ng buhay ko ay I still want to come back here. To remember every inch of him.

"Happy Birthday" panimula ko. It's been a month nung huli kong malabas ang hinanakit ko. I feel very loaded of thoughts about him.

"One month and 2 weeks since I last saw you. Hindi ko rin alam kung paano ko nagagawang mabuhay kahit wala ka. Hindi ko alam kung paano ako nakaka-survive na wala ka sa tabi ko. It's been a month at pakiramdam ko isang taon ka ng wala" bahagya muna akong natawa sa sarili ko. Para na akong baliw dito na tumatawa mag-isa.

"Alam mo sa totoo lang, I tried to be happy like what you want pero I just can't. Siguro matatagalan pa bago ako maging masaya gaya ng dati"

"Bakit ka naman umalis? Bakit mo naman ako iniwan mag-isa?" my voice broke off at tumulo na ng tuluyan ang luha ko.

"Why am I so weak pag dating sayo? My heart always hurts like hell"

"Kairo, miss na kita. Sobra sobra. Hindi ko alam kung makikita pa kita ulit or babalik ka pa. I just can't express how much I miss you"

Sa totoo lang nafu-frustrate din ako. Isang buwan na ako ng walang balita pa sa kanya. Ni hindi ko alam kung kamusta na siya.

I deactivated my account kase sa tuwing nakikita ko yung pangalan niya sa messenger ko, hindi ko maiwasang malungkot.

Lalo pa ngayong birthday niya, I know I should be happy for this day pero wala yung totoong dahilan kung bakit ako dapat maging masaya.

Although masaya akong andyan sila Kuya Yohanne at Ate Sunshine pero kase iba. Alam mo yung saya sa tabi ng taong mahal mo, it was different.

Ang unfair, ang saya saya nilang lahat ngayon pero bakit ako yung naiwang ganito? Malungkot, parang wala sa sarili.

If only I spent those times na andito pa siya, if only dati ko pang narealize na mahal ko din siya. Kung sana hindi ko dineny sa sarili kong attracted ako sa kanya. Nanghihinayang ako sa mga oras na nasayang. Oh well, hindi na din naman natin maibabalik pa yung dati eh.

Inilabas ko mula sa bulsa ko ang Ibeat na iniwan niya. I remember how this one looks good to him. Kapag bumalik siya, I'll be buying him a regular watch as a gift. Sana

"I will come again. Sana sa susunod na dumalaw ako dito, makita ulit kita" napatawa nanlamang ako sa sarili ko. I know it was very imposible 

But still, there's a part of me na aasang sa susunod na babalik ako dito, sana andito na siya.

TO BE CONTINUED..

❛Flirt❜ ┇ HN.K x S.YN✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon