treinta y tres

1.2K 43 0
                                    

"Uy, ayos ka lang?" Nagulat ako nang bigla akong tapikin ni Amelia at umupo sa harapan ko kasabay ni Tims. Simula no'ng nag-change na kami ng rotation at napunta na kami sa OB-GYN, nabago rin kami ng sched. Duty AM na kaming lahat... Sanay naman na sa gano'ng shift, pero 'di ko lang kasi masyadong ma-grasp ang OB rotations, contrasting lang siguro kasi sa neuro.

'Di ko rin maalis sa isip ko 'yung sinabi ni Chen... hindi ko rin alam kung sasabihin ko ba kay Uno, o kung alam na rin niya. Ang gulo kasi, feel ko wala rin akong naiintindihan sa nangyayari... parang ayaw mag-sink in. I couldn't process everything...

"Huy, Bran..."

"Ah," I uttered in shock. Amelia and Tims looked at me with concern written all over their faces. Napa-buntonghininga na lang ako. "Sorry... medyo marami lang iniisip."

"Okay ka lang ba? Ilang araw ka na kayang nags-space out..."

I sighed. Again.

"Ang lalim ha," Amelia uttered. "May problema ba kayo ng asawa mo? Titirisin ko 'yun kung inaway ka, legit."

"Baliw," sambit ko at medyo natawa. "Okay lang kami ni Uno. Si Chen kasi..."

"Ano meron sa pinsan mo? 'Di ba nasa Seattle na sila ngayon?"

I nodded, "Uuwi na raw sila," I said. "Ewan... 'di ko na alam. Masyadong complicated kung ike-kwento ko."

"I mean... we've got plenty of time naman, Bran," Tims said, swirling his fork on his plate of pasta. "I can even cancel this meet up with this Grindr guy if you need us. Seriously, you have to talk to someone... sobrang lala ng space out mo, girl."

I chuckled, "Gano'n na ba kalala?"

They nodded.

Napa-buntonghininga na naman ako at napasandal na lang sa upuan. "Ang hirap kasi, e... Pero sana maintindihan niyo. I'm not just an ordinary citizen... my bodyguards are everywhere even if I'm working," I said. "The world where I belong to is very different... and ayaw ko nang madamay pa kayo sa problema ko."

Amelia smiled and held my hand, "We respect that, Brandi," she said. "But whatever's going on, promise nandito lang kami. Okay?"

"Gaga, ano ba 'yan. 'Wag ka ngang umiyak! Para namang tanga 'to. Sabi ko dapat iiyak lang tayo kapag pumasa na tayo, e!" Mabilis na tumayo si Tims at niyakap ako. Parang tanga lang akong umiiyak do'n at tumatawa habang nakayakap silang dalawa sa'kin.

"Thank you..." I whispered. "Thank you so much..."

"There are things you can't tell, and we understand that, Brandi. Hindi biro 'yung mundo mo. Naiintindihan namin 'yun. Pero kung gusto mo lang umiyak, nandito lang kami para yakapin ka," Amelia uttered habang tinatapik ang balikat ko. "Sobrang dami na nating iniyakan sa medschool... Nandito lang din kami para sa'yo, katulad ng iba. Lahat kami gusto namin na maging masaya ka."

I smiled.

"Just tell me if I have to cancel the Grindr guy," Tims said. "Gals before penpals."

Natawa naman ako at pabirong pinalo si Tims. Natawa na lang kaming lahat.

"We're always here Bran."

I nodded.

"Thank you."

We went on and finished our bowl of pasta bago kami na-page ni Doktora—buti na lang nakakain na kami. 'Di naman naging hectic 'yung sched since isa lang 'yung nag-deliver, the rest puro pelvic exams tsaka patient counseling na lang.

"Surgery ka tutuloy for residency, Bran. 'Di ba?" I nodded habang binubuksan 'yung pack ng ice cream na binili namin sa canteen. "Matatapos na 'tong intership natin, hanggang ngayon 'di ko pa rin sure kung ano gagawin ko. Baka mag-moonlighting muna ako," natatawa niyang sabi.

Gunita [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon