treinta y seis

1.1K 42 0
                                        

Note: Medical jargon ahead

//

If I were given the chance to reset my life—I definitely will. Just for me to be away from these people. God, I definitely will exchange all these (probably ill-gotten) wealth that I have just for a peaceful life. Kasi what will I do with all this money, will all this wealth—with this privilege that I have kung marami namang nadadamay sa gulo ng pamilya ko?

"Last day!" Amelia exclaimed at umupo sa tabi ko bago kinuha 'yung reviewer ko sa LegMed. "Shet, hindi ko alam kung ipapasa ko 'tong LegMed. Sana all may asawang Lawyer."

"Baliw," I said chuckling, although true enough, sobrang laking advantage na kasama ko si Uno pag nag-aaral ng LegMed kasi mas nae-explain niya sa'kin 'yung mga provisions ng mga kaso. If not for him and his patience, I would've just really neglected LegMed.

"Alam mo, please, magreto ka na lang kung may nakikita ka pag kasama mo si Uno. Desperada na yata ako."

"Gaga ka talaga!" I said, laughing. "Minsan kaya 'di naman nagwo-work ang reto-reto na 'yan."

"Sus. Basta yummers game na lang. Sayang ang genes, beh!"

"Wala bang pinapakilala sa'yo si Daddy mo?" I asked habang nililigpit 'yung reviewers ko. Pumasok na kasi ako nang maaga kahit hindi pa oras ng duty namin para makapag-aral na ako.

Napairap naman si Amelia, "Kaloka 'yun! Ayaw yata akong pag-jowain talaga. May ipapakilala lang akong pogi, naiinis na sa'kin. Mahal na mahal yata ako masyado. Sabi ko nga sayang naman lahi namin."

Natawa ako, "Protective lang daddy mo, 'no."

She shrugged, "Sabagay. My last heartbreak still feels recent. Feeling ko muntik ko nang ibagsak talaga medschool," she said. "Hindi naman ako nagmumura, pero puta talaga, sana hindi ko na lang siya nakilala. Sobrang toxic!"

I smiled at her and patted her shoulder, "You'll find him soon enough," I said. "Focus na lang muna! You know naman the reason why I got married agad."

She nodded. I still couldn't forget that day when she cried over her ex-MU. Ayaw ko namang naga-ad hominem kasi masama naman talaga 'yun, pero ang pangit niya naman talaga kasi! Tapos he just kept on hurting Amelia and taking advantage of her weaknesses. Buti na lang talaga natauhan si Amelia. Sana naman kasi binagay niya naman sa hitsura niya, 'di ba? Ang pangit na nga ng hitsura niya, ang pangit pa ng ugali niya. Lord. His audacity to even say Amelia was the one who kept on chasing after him—gago talaga.

Ipapasok ko pa lang sana sa locker 'yung mga gamit nang biglang tumunog 'yung speaker. Nagkatinginan kami ni Amelia at mabilis na sinuot 'yung white coats at ID namin at mabilis na tumakbo sa ER.

Holy shit.

Ang dami.

"A-ano'ng nangyari?!" tanong ko sa isang intern na kasama namin habang kumukuha ng alcohol sa dispenser.

"Head-on collision sa isang highway ng truck. Anim na kotse yata nasagasaan."

"Kulang manpower! Interns cater other patients!"

"Jinx talaga pag nagwi-wish ng benign na duty," Amelia said habang tinutulungan naming itulak ang isang pasyente na naka C-collar papasok sa ER.

"35-year old female pedestrian struck. Right front tire between legs, and left leg under engine block."

"Vital signs?"

"Awake and alert, mildly confused. GCS 14. 122/76, 98, 23, 95% on RA." Napatango na lamang ako. I immediately examined the patient habang tinutusukan nila ng IV.

Gunita [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon