Prologue

40 8 0
                                    

"You must read it from bottom to top."

"Read it from bottom to top."


"Please read it from bottom to top."

Nakangiting bulong ko sa mga estudyanteng nakakasalubong ko sa hallway habang inaabutan sila nang papel na hawak hawak ko.

Magpapatuloy na sana ako sa paglalakad ng masulyapan ko sila sa di kalayuan mula sa kinaroroonan ko ngayon.

"Hoy!" Sigaw ko sa dalawa kong bestfriend at dali-daling kumaripas ng takbo papunta sa kanila at pareho kong ini-akbay ang dalawa kong braso sa magkabilang balikat nila, pero dahil sa sobrang tangkad nitong si Kevin tanging kamay ko lamang ang umabot sa balikat nito.

"Uy, Kevin! Sabi ko naman sayo diba, lower your shoulder." Reklamo ko dito habang nakanguso sa kaniya.

He sigh. Awtomatiko na lamang niyang ginawa ang gusto ko habang hindi ito nagsasalita. That's right!

Lumayo ako ng ilang hakbang para bumwelo at tyaka ini-akbay ulit ang dalawa kong braso sa mga balikat nila. This time abot ko na silang dalawa.

"So, what's up?" Tanong ko sa kanilang dalawa at bahagya silang sinulyapan habang naglalakad kami.

Narinig ko ang buntong hininga ni Shane. "Kailangan ba talaga naming gawin ito?" Walang ganang tanong niya sa akin habang nakatingin sa hawak hawak niyang mga flyers na ipinamimigay namin sa mga estudyante.

"Of course. That's easy right?" Nakangiting sagot ko. "Just whisper, 'reaaaad it froom bottomm to tooopp.'

"But why whisper?" Tanong ulit niya na naka-kumunot ang noo at bahagyang sinulyapan ako.

Tamad tamad talaga ng babaeng 'to kahit kailan.

"Alam niyo naman diba na kapag nalaman ng mga administrators ng school natin ang tungkol dito, we're dead."

"Tama... Kaya hindi dapat makarating sa kanila." Pag sang-ayon sa akin ni Kevin. Kahit kailan talaga, maasahan kita. Good job Kevin!

"Fine." She sighed in defeat. She cleared her throat, at nakangiting ini-abot ang flyers sa babaeng nasa gilid nito.

Kinuha naman ng babae ang papel at inumpisahang basahin ang nakasulat, "T-ake me, S-ave me, E-verything is great, T-hrought him, N-othing is imposible, O-nce you're there,
Carry all of these words............." Tinigilan nito ang pagbabasa at iritang humarap sa amin. "Are you kidding me? What's this trash?" She asked rudely habang iwinawagayway iyon sa harap ng mukha ni Shane.

Kaya lumapit si Shane sa kanya, "Read it from bottom to top." She wisphered and smile sweetly. With matching charming eyes pa. Eww!

Tanging "Oww...." lamang ang naisagot nito sa amin pagkatapos nun.

Pero bago kami tuluyang makalayo sa kanya, I heared her scream...











"Pro-duc-tion con-test...?"

Love StreamingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon