Chapter 12

14 3 0
                                    


I Do Like Her

Ilang araw na rin nang makauwi kami galing sa pinuntahan naming hunted house.

Hindi man kami gaanong nag-enjoy sa pagpunta sa hunted house, nag-enjoy naman ang lahat dahil nakapag bonding kami ng magkakasama at nakapag-unwind narin.

Nagpunta kami sa iba't-ibang kainan gaya ng gusto ni Jana at sa different tourist attraction narin na malapit duon.

Pero ngayon, back to reality na kami. At kung minamalas ka nga talaga.

Puro nalang palpak ang kinalalabasan ng videos namin. Hindi ko na alam ang gagawin ko at feeling ko maloloka na talaga ako sa pag-iisip kung ano bang dapat naming gawin para magkaroon kami ng maraming subscribers.

Nasa usual spot kami ngayong lahat at mukhang matamlay din sila tulad ko. Sino ba naman kasing hindi? Sa dinami-rami ng videos na nagawa namin, ni isa wala man lang naging successful.

Baka nga siguro hindi ko talaga tadhana ang kanito, ang maging isang vlogger. Baka dapat sinunod ko nalang ang parents ko na mag-aral sa mas magandang school at kunin ang kursong gusto nila para sa akin, which is business administration. Pero ayoko naman kasing igive-up nalang yung gusto ko, yung nagpapasaya sa akin, yung pangarap ko.

Pero paano kung tama nga si Papa sa mga sinabi niya, na wala akong mapapala sa pag-aaaral ko dito sa art school na ito?

Napahugot nalang ako ng malalim at napayuko.

Baka nga tama sila. Tama si Papa. Baka dapat siguro na sundin ko nalang ang gusto nila?

"Um, guys?" Pang-babasag ko sa katahimikan at agad ko naman nakuha ang atensyon nila. "Kapag hindi pa naging successful ang sunod natin vlog, susundin ko nalang ang gusto ng parents ko na mag-aral ako sa ibang school." Sunod-sunod kong sabi.

Nakita kong nag-iba nag expression ng mga mukha nila. Pagkabigla. Pagkalungkot.

I smile bitterly. "Yah! Bat ganyan ang mukha niyo? Para kayong ewan." I fake laugh. "Parang magpupunta lang ng ibang school eh, hindi naman ako pupunta ng malayong lugar." Sabi ko at napa-iwas ng tingin.

"Talaga bang aalis ka beshy?" Malungkot na tanong sa akin ni Shane. Sadness is written on her face. "Iiwan mo na kami? Iiwan mo na ako?" Ito talagang bestfriend ko.

Ayoko namang mangyari iyon eh. Kasi paniguradong mamimiss ko siya ng sobra, silang dalawa ni Kevin. Mahal na mahal ko kaya yang bruhang yan kahit madalas pinapahamak ako. Sila ang nagbibigay sakin ng saya at nagpapalakas palagi ng loob ko sa tuwing down na down na ako. Sila ang palaging nasa tabi ko sa tuwing kailang ko ng makakasama. Sila na ang naging buhay ko dito.

I smile. A sad one. "Ano ba kayo. Kung sakali lang naman eh." Masayang sabi ko. "Tyaka gagalingan natin sa susunod na vlog diba para mareach na yung goal natin, nakalimutan niyo na ba?" I asked them. Pilit na pinapagaan ang sitwasyon.

"Oo naman, 50 thousands subscribers." Mahinang sagot ni Calix sa gilid, hindi maipinta ang mukha.

"Yun naman pala eh." I smile and clap my hands. Nakakabingi ang katahimikan eh. Hindi ko na matagalan. Gusto kong maglaho bigla.

Kasalanan mo kasi to Raven. Gawa-gawa ka ng eksena eh. Kaloka kang babae ka.

"Um, pagpahinga muna tayo ngayon. How about let's have something to eat?" I suggest. "My treat!"

Pero tanging ngiti lang ang response nila saa akin.

Dapat ba hindi ko nalang sinabi? Hays. Nakakaloka din tong mga to. Mas nalulungkot tuloy ako dahil sa kanila.

Mabilis natapos ang lunch at bumalik narin kami sa klase. Wala sa mood ang lahat dahil ni isa sa kanila walang imik. Wala yung maingay at nag-aagawan ng pagkain. Nakokonsensya tuloy ako sa mga sinabi ko. Diko naman ini-expect na ganun ang magiging reaction nila...

~~~

Kevin's P.O.V.

Hindi maalis sa isip ko yung sinabi ni Raven tungkol sa paglipat niya ng school.

Kaya naman buong maghapon akong lutang hanggang sa matapos ang klase at pakiramdam ko ang layo ng napadpad ng utak ko.

Matamlay kong inilagay sa bag ang mga gamit ko na nasa desk at akma ng aalis ng marinig kong magsalita si Calix sa gilid ko.

"Pwede ba tayong mag-usap?" Kalmadong tanong niya, pero kasalungat naman ang expession ng mukha nito.

Ano nanaman bang problema ng isang ito. Wala ako sa mood makipag-usap sa kanya. Lalo lang akong naiirita kapag nakikita ko ang pagmumukha niya.

Tinitigan ko ito, "Ano yun?" Maikling tugon ko at umupo sa desk ng upuan ko.

"May gusto ko ba kay Raven?" Diretsong tanong nito habang seryosong nakatingin sa akin.

Bakit ba to nagtatanong. At ano bang pakialam niya sa kung sinong gusto ko.

I sigh. "Ano bang pakialam mo?" Tipid kong sagot.

Ngumiti ito ng nakakaloko at tyaka nagsalita, "You know she's really pretty and funny. At palagi kayong magkasama."

Magkasalubong na ang kilay ko ngayon. "So ano gusto mong sabihin?"

Lalong umiinit ang ulo ko sa mga sinasabi niya. Baka hindi ako makapagpigil masapak ko siya ng wala sa oras.

He shrug. "Wala naman, pero siguro kung ako yun, matagal ko na siyang pinormahan." Sabi nito at ngumisi.

Napayukom ako at tinitigan siya ng masama.
Tugon ko dito habang nagtitimpi.

"Just saying. Bantayan mo siya ng maigi. Baka maagaw ng iba." Sabi nito na ngayon ay seryoso na ulit ang mukha.

Tumayo ako mula sa pagkakaupo ko sa mesa at kinuha na ang bag ko. "Sabi niya lilipat daw siya ng ibang school. Kaya gumawa ka ng paraan para hindi yung matuloy." Sagot ko at naglakad na palabas ng classroom.

Hindi na ito umimik pa sa sinabi ko at nakita ko nalang na humugot ito ng malalim na hininga.

"Ah, siya nga pala," bahagya akong huminto at lumingon sa direksyon niya kung saan ko siya iniwan kanina.

And this time, I copy his smirked.




"I do like her. I like Raven..."

--------

Please vote and comment!❣

-fallingflowerss

Love StreamingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon