Mr. Dimple
"Can we rest?" Shane suddenly asked. "Come on, let's grab something to eat. Gutom nako." Usal nito sa amin.
Sinulyapan ko ang relo ko, lunch na din pala. "Sige na nga. Iiwan ko lang ang mga ito sa locker." Turo ko sa mga natitirang papel na dala-dala ko.
Pumunta na kami sa locker area para ilagay saglit ang mga flyers, nang pagbukas ko dito ay nakita ko ang isang maliit na pink paper bag.
Huh? What's this?
Kinuha ko iyon at sinilip ang nasa loob nito nang makita ang isang bottle ng perfume na may kasamang maliit na card sa gilid and something neatly written on it.
~~~
"Have a great day ahead. Fighting! -From Mr. Dimple ..." She chuckle. "Aba ang corny naman ng pangalan ah, pero infairness ang bango nito. Magaling siya pumili." Komento ni Shane habang abalang inaamoy-amoy ang perfume na binigay sa akin ni 'Mr. Dimple'.
Nakaupo kami ngayon sa canteen habang hinihintay si Kevin at Jazz na umu-order ng pagkain sa counter.
"You're right. It smells like rose and honey." I smile a bit. Pero sino kaya nagbigay sakin nito?
"Pero kanino kaya ito galing?" Tanong sa akin ni Shane habang naka-kunot ang nuo.
Sumimangot ako. "Hays... Hindi ko din alam." Bumuntong hininga ako sabay sinubsub ang ulo ko sa lamesa.
"Alam ko na, si Klay siguro." She beamed, na para bang bata.
I frowed. "No."
"Uh, Felix?"
"No."
"Um... Si Maxx kaya."
"Errrr lalong hindi no!" Sigaw ko kay Shane at ini-angat ang ulo mula sa table.
"Baka galing kay Shawn...?"
"Ays. Saan kaba galing? At bakit ba bigla bigla ka nalang sumusulpot ha?!" Inis na sigaw ko kay Jazz habang nakahawak sa dibdib ko dahil sa gulat. Para ba namang kabute.
Bigla naman ngumisi si Shane and gave me creepy face, making me narrow my eyes at her. Uh-oh, not that creepy smile again.
"Ohhh... I was right. Hinihintay mong banggitin namin ang pangalan ni Shawn no?" Pang-aasar nito sa akin habang pinapagalaw ang mga kilay nito.
Uh? Hindi kaya. Um, Well... hindi naman siguro masamang mag assume diba?
Si Shawn, senior student, matangkad, maputi, matangos ang ilong, may mapupungay na mga mata, basketball player, crush na crush ko simula pa nung freshman ako, at higit sa lahat, taken na.
My fantasy is ruined.
And for the nth time, I sigh.
"Tama na yan. Kumain na tayo." Biglang bungad sa amin ni Kevin with a deep voice, breaking me out of my thoughts. Kinuha ko na lamang ang pagkain ko at nagsimula naring kumain.
Tumahimik na ang lahat and we just enjoy out meals. Mukhang nagutom ang lahat dahil sa pagdi-distribute ng flyers kanina. Sana nga madaming mga studyante ang magparticipate bukas. Can't wait for tomorrow. Excited na talaga ako.
~~~
Pagkatapos naming kumain ay bumalik narin kami sa room upang kunin na ang mga gamit namin nang abutan ang ilan sa mga kaklase naming babae na nag-uusap-usap. Well, natural lang yata sa mga magkakaibigan ang mga ganyan. Gossiping on random stuffs.
Dumiretso na ako sa upuan ko. Pero hindi ko pa nakukuha ang mga gamit ko nang marinig ko silang mag-usap sa isang bagay na araw-araw kong hinihiling sa mga bituin sa langit, at mga aliens sa universe. At finally, sa tingin ko ay nagsawa na silang marinig ang mga rants ko everyday at naisipang pagbigyan ako sa kahilingan ko. At sa pagkakataong ito makakamit ko na ngayon.
Lumapit ako sa kanila upang kompirmahin ang narinig ko at siguraduhing hindi ako nananaginip lang.
"What?! They broke-up?!!!"
Flashback:
Naalala ko pa nung unang beses akong nagkaroon ng lakas ng loob para sabihin kay Shawn ang nararamdaman ko sa kanya, na ang galing niya maglaro ng basketball, na ang ganda ng mga ngiti niya, na gusto ko siya.
Katatapos lang ng game nila that time and champion sila sa final game ng basketball. Magaling kasi ang team nila kaya hindi na nakakapagtakang mananalo sila. Kaya naman naisipan kong abutan siya ng bottled water at i-congratulate siya sa pagka-panalo nila, nang maunahan ako ni Scarlet Mills--- his girlfriend. Wearing the most sluttiest tight dress that pushed her already popping out extra large breast all the way through her neck.
Ibinaba ko ang tingin ko. Uh, nangliit yata bigla yung akin.
With a deep sigh, I smiled bitterly. Tumalikod nalang ako sa kanila at napatingin sa dala-dala kong tubig and whispered. 'Congratulation, you're the best.'
End of flashback:
'Shawn and Scarlet broke-up.'
A smile slowly creep into my face. An evil smile. So ito na ba ang oras na pinakahihintay ko? Sabi na nga ba e walang forever.
"Let's go." Naagaw ni Kevin ang atensyon ko na ngayon ay patungo na sa pinto palabas ng classroom.
"Huh? Ow, let's go..." I smiled to myself...
--
fallingflowers
BINABASA MO ANG
Love Streaming
RomanceA romantic-comedy story about love, hope and dreams of a 18 years-old student Raven together with her friends who decided to create youtube channel "Love Streaming". In the process of making contents, will they overcome the thrilling roller coaster...