Chapter 3

14 5 0
                                    

The Feeling is Mutual

"Are you guys ready?" Tanong ko sa aming buong team habang hawak hawak ang monopod ko.

"Yes ma'am!" Sabay-sabay nilang sagot habang nakahanda na ang mga kagamitang kakailanganin namin sa video mamaya.

Si Kevin dala na ang camerang gagamitin naming pang-video. Si Jana may hawak-hawak na papers. May dala-dala namang water gun si Calix and I have no idea kung ano bang balak niyang gawin duon. While Shane and Jazz, ayun, holding each others hand. Urgg! These lovebirds seriously. Can't keep their sweetness. Daig pa ang sikat ng araw. Masakit sila sa mata. Jusko!

Ibinaling ko na lamang ang tingin sa mga pare-pareho naming t-shirt at tumango-tango feeling satisfied sa pagkakagawa nito.

"Okay! Let's start this!"

~~~


Nag-umpisa na kaming maglakad-lakad sa labas ng campus upang maghanap ng magiging content ng aming video today. Ang balak kasi naming content ng vlog namin ngayon ay ang pagbibigay ng advice, encouragement at inspiration sa mga kabataang tulad namin.

And we finally spotted some teenagers sa mukhang isang abandonadong loteng malapit lang sa school. Hindi kami sigurado sa mga ginagawa nila dahil medyo malayo kami sa kanila kaya naman nagpasya kaming lapitan nalang sila.

"Okay, mag-umpisa na tayo." Sabi ko habang inihahanda na ang camera ko.

Dalawang lalaki at isang babae na nakasuot ng high school uniform ang nakaupo sa harap ng pabilog na lamesa. Nakatalikod ang mga ito sa amin kaya naman hindi namin makita kung ano bang ginagawa nila sa ganitong lugar.

"Um, guys? Anong ginagawa niyo diyan?" Lakas loob kong tanong sa mga ito.

Sabay-sabay silang lumingon sa amin at napa-atras ako ng ilang beses at sunod-sunod na napalunok sa sariling laway.

"M-Medyo na-kakatakot sila guys hehe." Kabadong sabi ko sa mga kasama ko na ngayon ay alam kong na-istatwa din sa kinatatayuan nila. High school lang ba tong mga ito? Bakit parang ang tanda naman yata ng mga itsura nila.

"Uh... A-Ano yang mga nasa b-ibig niy--"

Hindi na naituloy ni Shane ang sinasabi niya nang tanggalin nila ang nakasiksik sa bibig nila at isang-----lollipops? What?!

Pinasadahan ko ng tingin ang mga iniinom nila kanina na akala ko ay beer, pero soda pala. Ay? Nagpi-picnic ba sila? Naka-istorbo pa yata kami.

"Ano bang kailangan niyo ha?" Maangas na tanong samin nung babaeng mahaba ang buhok.

Uh-Oh.

Na-istorbo na namin sila. Mukhang mali kami ng taong nilapitan. This is trouble.

"Gusto niyo bang matamaan samin?!" Medyo galit na sabi sa amin nung isang lalaking kalbo, at isa-isa silang nagsitayuan mula sa pwesto nila.

"Oh bakit? Akala niyo ba aatrasan namin kayo?"

Mayabang na sagot nang taong nasa gilid ko habang dahan-dahang humakbang sa harap. He place his water gun sa kanyang kanang balikat at huminga ng malalim.

"Guys?" Pagpapatuloy nito sa pagsasalita. "Takbo naaaaaaa!!" Sigaw nito sa amin at pinaulanan ng tubig yung tatlong gangster.

Sa sobrang taranta naming lahat, wala ng sumagot pa at tumakbo nalang ng pagkabilis-bilis habang nakasunod naman sa amin yung tatlong panget na yun na mukhang hindi talaga kami tatantanan.

Love StreamingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon