Chapter 4

16 6 0
                                    

The Party

"Ilan palang ang views ng una nating content, at ang konti parin ng subscribers natin." Malamyang isinubsob ni Jana ang ulo niya sa lamesa. Nakakapanghina nga naman kasi.

Nasa broadcasting studio kami ngayon upang mag meeting sa susunod na plano ng second content ng aming vlog. Dahil nga hindi naging successful yung una naming video.

"Guys, huwag kayong mag-alala, umpisa palang naman ito e. Makakagawa din tayo ng magugustuhan nila at darami din ang subscribers natin." Masiglang sagot ko. Dapat hindi kami panghinaan ng loob ngayon. Kailangan naming galingan pa lalo.

"So, anong balak niyo sa susunod na content natin?" Tanong ni Shane na nasa gilid ko habang naka-krus ang braso.

"Ano kaya kung food trip?" Sagot ni Jana na ngayon ay mukhang masigla na ulit. Anong meron dito?

"Pagkain nanaman? Umagang-umaga pagkain na agad ang iniisip mo." Sabat ni Jazz na nasa dulong upuan.

"Oh bakit? Ikaw ano bang naiisip mo? Puro ka lang naman daldal diyan eh. Wala ka namang ambag." Pang-babara ni Jana sa kanya.

"Guys! Ano ba? Mag-aaway nanaman ba kayong dalawa?" Pang-puputol ko sa namumuong sagutan nila. Daig pa nila ang pusa at daga. Baka mamaya magkatuluyan silang dalawa. Nako! Kawawa naman ang bestfriend ko.

"Ano kaya kung party? Tapos may madaming foods? O kaya gimik tayo?" Suggest ulit ni Jana sa lahat. Pagkain nanaman?

"E kung rooftop party kaya?" Sagot naman ni Calix.

Napatingin kami sa kanya.

"Oo nga no?" Pagsang-ayon ni Shane sa idea ni Calix.

Mukhang maganda nga yun ah? Maaasahan din pala itong si Calix paminsan-minsan.

"Game ako dyan!" Masiglang sagot ni Jana.

I smile, "Okay guys. Rooftop party. Let's go!" I clap my hands.

At nag-umpisa narin kaming magplano para sa gagawin naming rooftop party.

This will going to be fun.

~~~

Napatingin ako sa sinage ng bar na nasa harap namin.

"Are you guys sure na dito tayo pupunta?" Nagtatakang tanong ko sa kanila. Eh wala namang special sa lugar na ito e. At tyaka bakit sa bar kami napunta?

"Yeaaap!" Masiglang sagot ni Jana sa tanong ko.

"Yah! This is bar!" Sigaw ko sa kanya and gave her a 'are you crazy look'.

"Ano ka ba? Hindi naman tayo magba-bar eh. Dun tayo sa rooftop." She replied sabay turo sa itaas ng gusali at sinundan namin ng tingin.

Pumasok na ito sa loob and we just follow after her.

Pag-akyat namin sa rooftop, punong puno na ito ng mga iba't-ibang kulay ng christmas light na nagsisilbing  pailaw at palamuti sa buong paligid at mga balloons. May speaker din sa gilid at isang malaking table sa gitna.

"Woaah! This is awesome." Manghang-mangha ako dito sa lugar.

 Bukod kasi sa maganda ang ginawa nilang dekorasyon, mula din sa kinaroroonan namin matatanaw ang napakagandang tanawin sa ibaba, makikita din ang city lights. This is really nice.

"Guys? Nandito na yung foodss!" Lahat kami ay napalingon sa sigaw ni Jazz habang bitbit sa dalawang kamay ang mga naglalakihang plastic bags.

It's time to party!

"Okay guys! Let's start the party!" Sigaw ko at nilabas ang monopod ko.

Inumpisahan narin ni Calix mag-play ng random music.

Abala naman akong inaalalayan ni Shawn sa paglilibot ng paligid at pagkuha ng videos habang nagkakatuwaan ang lahat.

Oo tama. Kasama namin si Shawn ngayon. At sobrang natutuwa ako dahil mas mahaba ang oras na makakasama ko siya ngayong gabi. Mukhang mas mag-eenjoy yata ako sa party ngayon kaysa sa inaasahan ko.

Habang kumukuha kami ng video ay nahagilap ko si Jazz na kausap yung lalaking nag-deliver ng mga inorder nilang pagkain na mukhang nakikipagtalo pa siya dito, hanggang sa magkagulo na nga ang lahat.

Akala ko pa naman magiging masaya na ang gabi ko ngayon. Pero akala ko lang pala...

~~~


"Hindi ba kayo magbabayad ha?!" Sigaw sa amin ni kuyang delivery boy.

Mula party sa rooftop kanina, napadpad kami ngayon sa police station. What a wonderful party. Napakasaya ng gabing ito.

"Bakit naman po kasi ang mahal ng mga presyo niyan?" Sabat ni Jana habang turo-turo yung mga pagkaing nasa loob ng mga plastic bags na inorder nila kanina.

"Aba sasagot ka pa?! Eh kayo nga itong umorder ng pagkadami-dami pero wala naman pala kayong pambayad?!" Napatakip nalang kami ng tenga. Grabe naman kung makasigaw si kuya akala mo bingi ang kausap niya.

"Hoy manong delivery boy, may pambayad naman kami sa inyo ah!" Pasigaw na sagot ni Jana. "K-kulang n-nga lang-g. Hindi niyo po ba kami pwedeng bigyan ng discount?"

Nasapo ko ng wala sa oras ang sariling noo. Puro nalang kamalasan ang nangyayari. We always ended up on trouble.

"Oh, anong gagawin natin ngayon?" Mahinahong tanong nung police officer. Patiently waiting.

"Ah Sir, pwede ko po ba kayong makausap saglit?" Kalmadong inaya ni Shawn sa labas para kausapin ang mainit ang ulong si manong delivery boy. At sa pagtataka ko sumama ito ng hindi nagpoprotesta.

Ilang minuto din ang nakalipas nang kausapin si Shawn si kuya delivery boy at ngayon nasa labas na kami ng police station. Laking pasasalamat nalang talaga namin kay Shawn dahil hindi na itinuloy ni manong ang reklamo sa amin.

"Woah! Muntik na tayo dun ah?" Singhal ni Shane. "Gezzz... Umuwi na nga tayo. Ayoko na dito." Padabog itong naglakad.
Huminga nalang ako ng malalim.

Wala nang nagsalita pa sa amin at tahimik ng naglakad pauwi.

"Ah, Shawn, thank you ah. Kung hindi dahil sayo baka hanggang ngayon nasa loob parin kami ng police station." I thank him, at sinulyapan siya mula sa gilid.

"Wala yun." Mahinang sagot niya at ngumiti ng bahagya.

"Pero, ano bang sinasabi ko kay manong delivery boy kanina?" Curious na tanong ko sa kanya. Paano niya ba ginawa yun? Hindi niya naman siguro tinakot o pinagbantaan si manong diba? Hindi naman siya ganoong klaseng tao.

Instead of replying, he just smiled at me. Ayan nanaman yung mga ngiting nagpapagaan ng kalooban ko. Para bang sinasabi niyang huwag akong mag-alala, kasi okay lang ang lahat.

Hindi ko na lamang siya kinulit pa at sinabayan nalang maglakad...






-
fallingflowers

Love StreamingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon