My New Team
Naglalakad kami sa hallway nang makasalubong namin si Shawn palabas nang kanilang classroom. Looking fresh and hot as always. Bakit ba napaka-perfect ng itsura niya?
I automatically smiled. Naka-auto smile yata ako kapag nakikita ko siya. Ganun na ako kabaliw sa kanya.
"Balita ko may isasagawa kayong production contest?" Sabi nito habang ina-approached kami. Specially ako. Wow Raven. Assumera ka talaga. Sige, push mo yan girl.
"A-Ah oo." Tanging sagot ko lang dahil sa kaba ko. Feeling ko nakikipag karera ang puso ko dahil sa sobrang bilis ng pintig nito. Habang nakangiti sa tabi si Shane at napapa-iling nalang.
"Okay I'll visit you there later." Nakangiting saad nito sa amin.
Those smiles. Naka-inlove talaga. Nakaka-ganda ng araw.
"Sure. See you later then." Lakas loob kong sagot sa kanya habang nagpipigil ng kilig.
Tanging ngiti lamang ang ibinigay nito bago siya umalis na siyang ikinatunaw naman ng puso ko. Kinausap ako ni Shawn. Kinausap ako crush ko. I nearly shriek.
Tawang-tawa sa reaksyon ko si Shane at Jazz habang nakatitig lang sa akin si Kevin. Which is palagi naman. Ewan ko ba dito. I ignored him.
Nagpatuloy na kaming maglakad papuntang broadcasting studio at hindi parin matanggal ang ngiti sa labi ko hanggang nakarating kami. Sadyang iba talaga ang tama ko kay Shawn. At buo nanaman ang araw ko.
Masaya akong umupo sa harap ng mahabang table na nasa gitnang bahagi ng room at inilapag ang mga papel na dala-dala ko para umpisahan na ang contest.
Pero ilang minuto na ang nakakalipas simula nang mag-umisa at wala paring kaming nakikitang contestant na pasok sa hinahanap namin. At malapit narin akong masiraan ng ulo dahil sa mga talents na pinapakita nila. Like seriously? Halos maubusan kami ng hangin dahil sa katatawa dahil kay kuyang rapper na mukhang gangster at muntik narin kaming maihi sa upuan dahil sa takot dun sa lalaking kaaalis lang. Ano bang meron ang mga tao dito.
Napahawak nalang ako sa noo ko.
Napalingon naman kaming lahat sa pinto ng may biglang pumasok at may dala-dala pa itong drinks. He's here. Shawn is here. I internally yelled! He even brought me my favorite drinks. Chocolate drink. Ayieee...
"Ano nang balita?" Tanong nito sabay hila ng upuan at pumwesto sa gitna naming dalawa ni Kevin, habang tanging masamang tingin lang ang naibigay nito kay Shawn. Huwag ka nang kumontra dyan, please.
"Um, this is hard. Wala pa kaming nakikitang pasok sa hinahanap namin eh." Medyo dissappointed na sagot ko. Like seryoso, pagod na talaga kami.
Pero naagaw naman ang atensyon namin at matigilan sa pag-uusap nang isang lalaki ang pumasok. Matangkad ito, maputi, matangos ang ilong and he looks cute.
Napansin din siguro ni Shane ang kakaibang aura nito kaya tumingin ito sa direksyon ko.
"Owwww..." Natutuwang sabi namin ni Shane. Bahagya naman itong ngumiti.
"Magandang umaga sa inyo, I'm Calix Tan."
"So, what can you do for us?" Interesadong tanong ni Shane sa kanya.
"I'm good at playing different instruments at nagsusulat din ako ng mga kanta. Kaya hindi kayo mag-sisisi kapag pinili niyo ako." Proud nitong sagot sa amin.
"Owwww.." Sabay ulit naming sagot si Shane. Mukhang okay siya.
"Then, pasok kana!" Masayang sabi ni Shane. "Welcome to our team Calix!" She said while clapping her hands excitedly.
"Thank you, hindi kayo mabibigo sa pagpili sakin." Nakangiting sagot nito. He's really cute. Lumiliit lalo ang mga mata niya kapag ngumingiti siya.
"Okay, mayroon na tayong isa." I said and write his name on the paper.
Sumunod namang pumasok ang isang babae. Medyo chubby ito, blond ang maikling buhok, maputi at naka-suot ng salamin. Hindi ito nagsalita at iniabot lang sa amin ang isang piraso ng papel na agad naman naming kinuha ni Shane.
"Kalalabas ko lang ng banyo pagkatapos magshower nang abutan ko siyang nakaupo sa kama ko. Napahawak ako ng mahigpit sa tuwalyang nakabalot sa akin. He eyed me from head to toe, and slowly approach me..." Pagbabasa namin sa nakasulat sa papel na iniabot niya sa amin kanina.
Parehong nanlaki ang mata namin ni Shane dahil sa nabasa habang nagtinginan lang ang tatlong lalaking kasama namin.
"Oh my god!" Hiyaw ni Shane. "So what happened next? Tell me." Interisadong tanong niya at tumango-tango naman ako sa pag-sang-ayon sa nais niyang malaman.
Natawa ito ng marahan, "Ikukwento ko sa inyo ang mga susunod na mangyayari kapag pinili niyo ako sa team niyo." Diretsong sagot niya.
Hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa, "You're in then!" Masiglang sabi ko sa kanya na siyang ikina-ngiti niya.
And I lean in, "Huwag mo lang kalimutan ang kasunod nitong story okay?" Excited na bulong ko sa kanya.
Natawa ito. "Yeah." Maikling sagot niya.
Aalis na sana siya nang maalala kong hindi ko pa pala naitatanong ang pangalan niya.
"Wait! You're name."
"Jana Cortez." She said...
-
fallingflowers
BINABASA MO ANG
Love Streaming
RomanceA romantic-comedy story about love, hope and dreams of a 18 years-old student Raven together with her friends who decided to create youtube channel "Love Streaming". In the process of making contents, will they overcome the thrilling roller coaster...