Love Ghost
Kevin's P.O.V.
"Hindi mo ako matatalo kaya huwag mo nang subukan pa." Pagbabanta ko kay Calix na nasa harap ko. Medyo naiinis talaga ako sa itsura ng isang to. Masyado kasi kung makalapit kay Raven. Akala mo linta.
Ngumisi ito sa akin. "Hindi sa lahat ng pagkakataon lakas ang ginagamit." Sagot niya. Aba talaga naman. Nang-iinis ba siya.
"So boys! Bago pa kayo parehong sumabog diyan, pwede bang pakihanda na ang mga kamay ninyo?" Jana said. Mukhang tuwang tuwa pa sa naisip nilang pakulo. Habang nakasimangot naman sa gilid si Raven. Umiwas ako ng tingin at hindi namalayang napalunok.
Pinuwesto na namin ang aming kamay sa ibabaw ng table. Tinapunan ko nang masamang tingin si Calix while he's giving me this creepy face. This brat! I hope he dies right now.
"Okay gentleman!" Shane clapped her hands. "We'll start in 1...2...3... go!" Hudyat niya at nag-umpisa na kami sa arm wrestling.
Mariin kong hinawakan ang kamay niya at ganun din siya. Akala niya ba papatalo ako sa kanya lalo pa't si Raven ang premyo? Hindi yun mangyayari dahil hindi ako papayag. Kaya lalo kong pinilit na ipatumba ang braso niya.
"Yah guys!" Sigaw ni Shane sa kalagitnaan nang laro namin ni Calix, kaya bahagya kaming napatingin sa direksyon niya. "Hindi ko ba nasabi sa inyo? Ang matatalo sa laban ang magiging partner ni Raven!" What?!
Pagkasabi niya nun ay agad kong naramdaman ang pagdampi ng kamay ni Calix sa lamesa. Napatigil kami sa paglalaro. Agad akong napatingin sa kanya na ngayon ay masayang nakangiti sa akin na parang nang-iinsulto.
Pambihira! Natapos ang laro at nanalo nga ako sa arm wrestling pero hindi ko naman pala makakapartner si Raven? Just great Shane! Napaka-galing niyong gumawa mg rules.
Nanghina akong tumayo sa kinauupuan namin kanina at masamang tinitigan si Calix. Pakiramdam ko gusto ko yatang manapak.
"At dahil diyan, ikaw Kevin ang partner ko!" Sinundan ko ng tingin si Jana hanggang sa masaya niyang ipinulupot ang mga kamay nito sa braso ko. Kusa nalang napabagsak ang mga balikat ko sa ginawa niya. Nakakainis talaga tong mokong na to.
"Ngayon at okay na ang lahat, shall we start?" Walang ganang sabi ni Shane.
Masasabi kong hindi niya gustong kasama si Jazz. Wala parin silang kibuan simula nung nag-break silang dalawa. Buti nga sumama pa siya dito e, despite sa mga nangyari sa kanilang dalawa ni Shane.
"Okay guys focus on filming ha. Dapat maging maganda ang kalalabasan ng vlog natin." Raven said. Tumango lang ako.
"Got it!" Jana said while pulling me. Wala na akong nagawa nang hilain niya ako paalis. I sigh in defeat...
~~~
Raven's P.O.V.
Naituon ko ang paningin kay Calix na kasama ko ngayong naglalakad papunta ng hunted house. Nababaliw na yata itong kasama ko. Kanina pa kasi nakangiti eh. Hindi ba siya nangangawit? Baka maging permanente nang ganyan ang mukha nito if he keeps doing that.
"Raven." Tawag niya sa akin. "Masaya ako na partner tayo." Sabi niya nang hindi man lang ako tinitignan. What's wrong with this guy? Ganun ba siya kasaya na kasama ako ngayon?
"It's only for the video." Sagot ko sa kanya. At tyaka kasama ko siya ngayon dahil sa kabaliwan ng dalawa kong kaibigan. Kahit kailan talaga.
BINABASA MO ANG
Love Streaming
RomanceA romantic-comedy story about love, hope and dreams of a 18 years-old student Raven together with her friends who decided to create youtube channel "Love Streaming". In the process of making contents, will they overcome the thrilling roller coaster...