Friendship Over
'Really? Are you serious? Nililigawan na ni Shawn sa Shane?' Rinig na rinig kong usapan ng mga tao sa hallway habang naglalakad ako papunta ng classroom.
Napayukom ako. My bestfriend betrayed me. Bakit kailangan niyang gawin sa akin yun? Alam naman niyang gusto ko si Shawn pero nagawa niyang agawin siya sa akin? Ngayon ko lang naitatanong sa sarili ko ang mga ito. Bestfriend ko ba talaga siya? Bestfriend ba talaga ang turing niya sa akin?
Nagmadali na akong sa paglalakad. Hindi ko na kayang magkuwaring okay lang ako. Kailangan ko siyang makausap. I need her explanations.
Dali-dali akong pumasok sa classroom at nakita ko si Shane na masayang nakikipag-kwentuhan sa iba naming kaklase na para bang walang nangyari.
"Yah Shane!! Follow me." Sigaw ko mula sa pintuan.
Lumingon ito sa akin at nakita ko ang pagtataka sa mukha nito. Pero tumayo din siya at sinundan ako sa labas.
~~~
"What happened?" Panimula ko habang kinokontrol ang boses ko.
"What?" Balik tanong niya.
Hindi niya ba alam? O sinasadya niyang magkuwaring walang alam?
"Sabihin mo nga sa akin. Bakit si Shawn pa? Bakit siya pa Shane? Alam mo namang gustong-gusto ko siya diba?" Medyo nanginginig na ang boses ko.
"What are you talking about? So this is about Shawn?" Hindi makapaniwalang tanong nito.
"Ang sabi sakin ni Shawn hindi ka niya gusto at nilinaw niya na walang namamagitan sa inyong dalawa. He said alam mo daw na ako ang gusto niya." Tuloy tuloy nitong sagot. Napatigil ako sa mga sinabi niya.
What? That bastard!
"So niloko niya lang ako?! Pinaniwalang gusto niya din ako? Pinaasa? Ginamit lang? Pampalipas oras?! Ganun lang ba yun? Ganun lang ang halaga ko sa kanya?!" Singhal ko. Hindi ako makapaniwala sa mga nangyayari.
"Ang ibig mong sabihin, hindi totoo ang mga sinabi niya?" Tanong niya. "Akala ko pa naman magkasundo na kayong dalawa. Akala ko alam mo." Sabi niya nang may pagtataka. "I did'nt know." May halong guilty ang boses niya.
Ah, so ganun pala? Pinaglololoko niya ba kami ng kaibigan ko? Ngayon humanda siya sakin! Hinding-hindi ko ito palalampasin.
"Raven? Sorry ha? Hindi kita sinabihan agad at tyaka nagpaniwala ako dun sa sira ulong yun. I'm sorry. Hindi ko talaga alam." Sabi niya at hinawakan ang kamay ko. "Humanda talaga siya sakin. Bubunutin ko lahat ng buhok na meron siya sa katawan at wala akong ititira." Pagbabanta nito.
Natawa naman ako. Muntik na akong mawalan ng bestfriend dahil lang sa isang lalaki? Kahit gaano ko pa siya kagusto, hindi ko parin ipagpapalit ang bestfriend ko. Hindi ko siya mapapatawad.
"Wala yun. Ngayong alam ko na ang ugali meron siya. Nagsisisi akong ginusto ko ang isang tulad niyang manloloko. Kailangan nating mag-isip ng paraan kung paano tayo makakaganti sa kanya."
"Alam ko na." Sabi ni Shane habang nakangisi. Dati ayokong nakikita siyang nakangisi dahil alam kong gulo ang papasukin namin, pero ngayon mukhang gusto ko ang mga nasa isip niya.
~~~
Sinipa ko nang ubod ng lakas ang pinto kaya naman naagaw namin ang lahat ng atensiyon ng mga studyanteng nasa loob ng classroom.
"What do you think you're doing?!" Sigaw sa amin ng isang professor, pero tinulak ko lang ang mukha niya sa blackboard. Ang ingay niya kasi masyado. At may kailangan akong asikasuhin dito.
"Shawn Danford!! Come out!" Sigaw ko habang nakatayo kami ni Shane sa may pintuan. Nangangati na talaga ang mga kamay ko.
Nang makita niya kami ay agad itong nagtago sa ilalim ng lamesa. Hah! This coward bastard. Naiinip na talaga ako.
"Hindi ka lalabas?!"
"Okay, fine!"
Ako nalang ang pupunta dyan. Mabait naman akong tao eh.
Pagkasabi ko nun ay agad akong tumakbo sa kinaroroonan niya at hinila siya mula sa pinagtataguan niya.
"I can explain." He instantly said habang nakataas ang dalawa nitong kamay at makikita ang takot sa mukha nito. Aba dapat lang!
I laughed, and laughed, and laughed harder.
Nang matapos akong tumawa, tinignan ko siya nang matalim na siyang dahilan para mapaatras siya sa akin.
At sa pagkakataong iyon, tyaka ko siya sinipa ng ubod ng lakas sa lugar na sisira sa kinabukasan niya at sinuntok sa mukha dahilan para mapaluhod ito at tumulo ang dugo sa ilong nito.
Oppps! Hindi ko alam na magaling pala akong mang gulpi.
I sigh. "I'm done here. Let's go." Sabi ko kay Shane habang nakangisi lang sa tabi ko at naka-krus ang braso.
"Shane help me." Sabi nito at humarang sa dinadaanan ni Shane. Aba talagang walang hiya itong lalaking to.
Yumuko si Shane para magpantay ang mga mukha nila at tyaka niya ito muling sinuntok sa ilong dahilan para mapasigaw ulit ito sa sakit. Ow, double kill.
I smirked.
Pero hindi pa kami tuluyang nakakaalis narinig ko ulit itong magsalita sa likuran namin. Saying 'let me explain blablablaa'. Hindi talaga siya titigil? Gusto niya yata ng second round eh.
Lalapitan ko na sana siya nang dumating sina Calix at Kevin at sabay nilang kinaladkad si Shawn palayo sa amin habang nagsisisigaw ito.
Kung titignan mo siya ngayon, nakakaawa at bugbog sarado talaga siya. Pero yan ang napala niya dahil pinaglaruan niya kaming dalawa ng bestfriend ko. He deserved it!
Naglakad na kami paalis ni Shane habang pinagtitinginan kami ng lahat.
Goodbye Shawn Danford...
BINABASA MO ANG
Love Streaming
RomanceA romantic-comedy story about love, hope and dreams of a 18 years-old student Raven together with her friends who decided to create youtube channel "Love Streaming". In the process of making contents, will they overcome the thrilling roller coaster...