Chapter 5

15 6 0
                                    

My Bestfriend's Crush

Kevin's P.O.V

"Paano ba nating gagawing catchy ito?" She mumbled. "Pwede siguro nating lagyan ng lightnings dito tapos..." I unconciously smiled.

Nasa broadcasting studio kami ni Raven ngayon para mag-edit ng videos na nakuha namin mula sa ginawa naming party kagabi para sa second content ng aming vlog. Pero mukhang mahihirapan nanaman kami dahil walang magandang content na nakuha.

Pinagmasdan ko siya habang naka-kunot ang noo nito at abala sa pag-edit ng videos. Madalas ko siyang nakakasama, actually halos hindi na nga kami mapaghiwalay. Pero ngayon lang yata ako nagkaroon ng lakas ng loob para titigan siya ng ganito kalapit.

Raven is my childhood friend. Magkaibigan din ang mga magulang namin. Mas nauna pa nga kaming naging magkaibigan ni Raven bago pa sila magkakilala ni Shane eh. Pero simula nung maging magkaibigan kaming tatlo, madalas na akong ma-out of place sa kanilang dalawa at minsan hindi makarelate sa mga pinag-uusapan nila.

"Uy Kevin? Nakikinig kaba sa akin?" She said. Bringing me into reality.

"U-Uh?" Lutang na sagot ko sa kanya. Hindi ko namalayang napalunok ako.
"A-Ako na." Sagot ko at kinuha sa kamay niya ang mouse ng PC.

'Ano ba Kevin? Think straight! Nakakahiya.' I mentally scolded myself.

"Okay ka lang? Wala ka yata sa sarili mo." Tanong niya at bahagyang sinilip ang mukha ko.

Umiwas ako ng tingin at umiling lamang. Hindi ko magawang magsalita.

She sighed. "Ako nalang ang gagawa." Marahan nitong sabi sa akin at binawi ang mouse.

"Paano ba kasi lalagyan ng lightnings ito?" She asked herself.

"Um, kukuha lang ako ng tubig." Tumayo na ako at hindi ko na hinintay pang sumagot ito. Bigla yatang uminit dito sa kwarto e.

Kumuha ako ng dalawang bottled water at binuksan ang isa para uminom nang masamid ako sa nakita ko.

Nang matauhan ako ay agad akong lumapit sa kanya at hinila ang nakatali sa buhok niya, dahilan para bumuhaghag ang maintim  at mahaba nitong buhok sa balikat niya.

"Yah! Ano ba?" Medyo inis at gulat na sabi nito sa akin.

Masyado kasing nakakadistract.

"H-uwag ka mag-iipit, hindi bagay sayo. Ang lapad ng batok mo." Palusot ko sabay abot ng tubig sa kanya at naglihis ng tingin.

"Tsk." Umirap lang ito sa akin at ipinagpatuloy ang ginagawa.

Umupo ulit ako sa tabi niya nang bigla namang bumukas ang pinto sa likuran at sabay kaming napatingin dito.

"Shawn." Malambing na tawag niya. Napatigil ako.

Sus! Kapag sa akin irap, kapag kay Shawn naman napakatamis na ngiti.

Bakit ba kasi nandito nanaman tong isang ito. Parang may lahing kabute. Bigla-biglang sumusulpot kung saan saan.

And to my luck, sa gitna pa namin ni Raven umupo. Talaga naman oh. Mariin ko siyang tinignan.

"Sabi ko naman sayo tawagan mo lang ako kung kailangan mo ng tulong." Sabi nito kay Raven at nilapit pa yung ulo. Hindi pa talaga nakuntento.

"Ah Kevin, can you buy some drinks?" Utos niya sabay abot sa akin ng pera. "Yung gusto ni Raven." Pahabol nito.

Hindi makapaniwalang tinitigan ko siya. Inuutusan niya ba ako?

Pero kahit inis at kinuha ko nalang yung pera kahit gusto kong itapon pabalik sa mukha niya.

Sinulyapan kong muli sa Raven, nakangiti na ulit ito. I sighed.

Pagtayo ko sa upuan, agad akong kumaripas ng takbo palabas papuntang canteen para bumili ng drinks na halos madapa pa.

Pero hindi ko pa man nahahawakan ang doorknob, naririnig ko sa labas ang malakas na tawa nito.

Sumilip ako sa pinto at nakita ko siyang masayang nakikipag-kwentuhan kay Shawn. Parang kinurot ang puso ko. Napayukom na lamang ako.

Ito ang dahilan kung  bakit hindi ko magawang sabihin sa kanya lahat ng gusto kong sabihin. Na gusto ko siyang kasama palagi. Na gusto kong nakikitang naka-ngiti siya palagi. Na gusto ko siya. Pero sa tuwing makikita ko yung mga ngiti niya sa tuwing makikita si Shawn, napapa-atras nalang ako ng kusa. Alam ko naman kasing hindi ako ang makakapagbigay sa kanya ng ganoong saya. At alam ko ding hinding-hindi ko mapapantayan si Shawn sa puso niya. Sa paningin niya, I'm only his bestfriend.

Sinulyapan kong muli si Raven sa loob, at tyaka na tumalikod paalis...








-----

Hello everyone! 😊 Sana nagustuhan niyo po ang first five chapters ng storyang ito.

Huwag po sana tayong maging silent readers.
Please do votes and share this story.😊 Thank you!💓

-fallingflowerss

Love StreamingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon