We're Enemies
Matapos naming maglinis ni Shane ng mga nagkalat na tissue sa kwarto niya, umuwi narin ako sa room ko para makapagpahinga.
Napabagsak nalang ako sa malambot kong kama habang nakatitig sa kisame ng kwarto.
Naalala ko si Shawn. Nakauwi na kaya siya? Agad kong kinuha ang phone ko sa nightstand at chineck ito. Wala paring reply si Shawn sa messages ko. Bakit kaya? Dati-rati ay palagi itong nag-iiwan ng messages sakin. Nagtampo kaya siya sa akin?
Inilapag ko ulit ang cellphone ko, at tinitigan ito nang ilang minuto habang kagat-kagat ang kuko ko sa kamay.
Ays! Hindi ko na talaga kaya ito. Agad ko ulit kinuha ang cellphone ko at tyaka dinial ang number ni Shawn, pero naka-ilang tawag na ako hindi parin niya sinasagot. So I decided na itinext nalang siya. 'Tulog na siguro. Baka napagod kanina.' Pilit kong kinumbinsi ang sarili ko.
Bumalik na lamang ako sa pagkakahiga sa kama at unti-unti ko naring naramdaman ang antok hanggang sa tuluyan na akong makatulog.
~~~
Mala-pagong akong naglalakad ngayon sa hallway ng school papuntang classroom. Feeling ko may isang malaking bato ang nakapatong sa likod ko sa bigat nang pakiramdam ko.
I miss him... Hanggang ngayon kasi wala paring reply siyang reply sakin. Hindi ko tuloy mapigilang mag-alala.
May nagawa ba akong mali sa kanya? Bakit hindi siya nagpaparamdam? Nagtampo ba talaga siya sakin? Galit ba siya?
"Yah besshy!" Sigaw ng isang babae mula sa likuran ko. At kahit hindi ko ito lingunin alam kong si Shane iyon.
"Oh okay kana?" Malamyang tanong ko sa kanya. Pinilit kong ngumiti.
"Oo naman! Anong akala mo sakin? Iiyak ng buong magdamag dahil lang sa isang lalaki?" She proudly said.
'Well, hindi ba? Sa pagkaka-alala ko naubos mo ang limang rolyo ng tissue kagabi.' Sagot ko sa isip ko. Tamad akong magsalita eh. Tanging nasa isip ko lang ngayon ay si Shawn.
"Kamusta pala ang date niyo ni Shawn kahapon? Kayo na ba?" Diretsong tanong niya dahilan para matigilan ako.
Napaisip ako bigla, "Ow, it w-ent okay I g-uess..." Sagot kong may pag-aalinlangan.
Pagkasabi ko nun sa kanya, I expect her to comfort me. You know, hug me, pat my shoulder, give me some encouraging comments or advice. Akala ko kasi nakuha niya ang ibig kong sabihin. Na hindi ako okay. Na hindi na ulit nagparamdam sa akin si Shawn. Pero iba ang natanggap ko mula sa kanya, nakita kong ngumisi lamang ito sa mga sinabi ko.
Did she just smirked?
"Ah oo nga pala, may nakalimutan akong kunin sa locker ko, babalikan ko lang ha?" Saad nito sa akin. 'Bakit parang ang saya naman yata para sa isang broken hearted?'
"Samahan nalang kita. Maaga pa naman e." I replied.
"Um, hindi na. Ako nalang. Mauna kana sa classroom." She smiled.
"Ow, okay." I answered. At umalis na siya para pumunta ng locker, habang nagpatuloy nako sa paglalakad.
~~~
Pagdating ko ng clasaroom, wala parin si Shane. Nasaan na kayo yun? Ang tagal. Wala akong kausap dito. Sinubsob ko nalang mukha ko sa desk ng upuan. Nang ilang minuto lang ay nasilayan ko narin siya sa labas ng classroom.
BINABASA MO ANG
Love Streaming
RomanceA romantic-comedy story about love, hope and dreams of a 18 years-old student Raven together with her friends who decided to create youtube channel "Love Streaming". In the process of making contents, will they overcome the thrilling roller coaster...