FRANSCILLA
(Flower Sonnet IX)1
The fatal whispers of the wind has yet to come
Conceiving the sand dunes in midst id high currents
As the thunder roars in permissive aghast
Rainbow gazes over an endearing moments
2
What is essential is invisible to the eyes of the beholder
A blistering sunlight that shines a million years
Overflowing enthusiasm has never been clearer
Not until the precious smiles become leaping tears
3
Default of happiness on the vastness of portraits
Captivating souls who mourn to be kept
Even those who embody the patience to wait
Glide towards love with a ceaseless steps
4
Unlock the clithridiate clues all at once
For those who hear the ripples of hope
Unleash the hostage in a glance
Let love be the remarkable reason to cope
5
A day with you is a moment of fleeting rapture
Leading me to feel the love between our ambiguous ventures
*****
TULALA kong hinahanay ang mga bagong stock ng libro sapagkat hindi pa rin nabubura sa aking isipan ang pangyayaing naranasan kanina kasama si Aden. Nang makabalik kaming dalawa dito sa booth, tahimik naming nilubayan ang isa't-isa at inasikaso ang kaniya-kaniyang gawain na animo'y mga estrangherong hindi magkakilala.
Sumulyap ako sa aking mga kasama at napansing abala ang iilan sa mga students na labas-pasok sa booth upang mang obserba bago bumili ng matitipuhang libro. Kitang-kita ko rin na ang ibang kasapi ng aming booth ay nagsasagawa ng pre-evaluation reports katabi ng mga naatasan sa purchase listing.
Kasalukuyan akong nasa front desk sapagkat ibinilin sa akin ni Mary Kris ang pag eendorso ng mga bagong libro gayong pinapatawag siya ng aming department sa kabilang building. Kaharap ko ang malawak na daan at ang field na unti-unting napupuno dahil sa patuloy na pagsidatingan ng mga students.
"Mawalang galang po, Ate. Sino po ang author ng librong ito?"
Natauhan ako nang may biglang humarang sa aking paningin. Napaangat ako ng mukha at nakitang may isang student na inilalahad sa akin ang pamilyar na librong hawak niya.
May tatlo rin siyang kasama sa tabi na abala sa pagtatawanan habang pinag uusapan ang tungkol sa mga librong nabasa nila. Napakurap ako ng isang beses atsaka idinapo muli ang paningin sa babaeng nasa aking harapan ngayon.
BINABASA MO ANG
Botanical Sonnets
FantasyUniversal Trilogy #1: Franscilla Florence Amaranthine, a glorious and full-fledgedly pioneering Botanist, fell inlove with the mysterious man who was once banished from the world of botany - flowers. Can love be able to intersect their worlds which...