FRANSCILLA
(Flower Sonnet XVI)1
All emblems of structures innately differ
From symbols to classes of regal acquisition
Pertinent to the rebirth of comical winter
Orchids yield the eyes with haute sophistication
2
No season resembles the resonance of another
Deviantly original as the crisps of an untouched
Piping rays blossom over the flower bearer
Acclaimed by being worthy to be ardently watched
3
Behold, the love has yet to be revealed
Anonymously cherished on a distant landscape
Cognate as the painting of the heroic guild
Where eligible loyalty has nowhere to escape
4
Obliquely appalling on a narrow desert
Inculcating feelings without valid certainty
In sublime etiquette of allow and avert
Depth of quintessence unveils the haze of seasonal mercy
5
Stand by me through good and bad times
As how words dance on papers even without subliminal rhymes
*****
BANDANG tanghali na natapos ang misang dinaluhan namin sa loob ng simbahan kaya kabi-kabila ang mga students na nagsisitungo sa dalawang cafeteria ng aming unibersidad. Sandali kong pinagmasdan ang pagbibigay galang ng mga altar servers at choir members kay Father Saturnino Inocencio habang nakatayo malapit sa rebulto at iskulto ng mga santo. Sumulyap ako sa ibang mga students na kasalukuyang nanalangin ng taimtim at hindi alintana ang pagsialisan ng iilang mga taong namimiksi na sa gutom. Nasa pinakaunang tagunton ng simbahan din ang dalawang madre na magkatabing nagdarasal habang may hawak na palumpon ng mga puting bulaklak.
Maaliwalas at payapa na ang buong simbahan kaya nalibang ako sa pagpapasada ng tingin sa aking kinaroroonan. Hindi ko napansing nasa tabi ko na pala si Ate Efelia, ang punong mang-aawit at musikera sa ministry choir na kinabibilangan ni Shane. Agad kong napansing suot niya pa rin ang ibinurdang diamond-patterned tulle veil na isa sa mga attire nila tuwing sila'y kumakanta sa kalagitnaan ng misa. Nilapitan niya ako upang makapaglahad ng sagot sa aking katanungan pero sa hilatsa pa lang ng kaniyang mukha, batid ko na ang katagang papakawalan niya.
"Pasensya ka na, Franscilla. Naghahanda pa ang ministry para sa muling pagbabalik ng Monsignor at Apostolic Nuncio sa Archdiocese mamayang gabi. Bukas na rin kasi ilulunsad ang Episcopal Ordination ng kapatid ni Father Inocencio sa St. Augustine Church."
BINABASA MO ANG
Botanical Sonnets
FantasyUniversal Trilogy #1: Franscilla Florence Amaranthine, a glorious and full-fledgedly pioneering Botanist, fell inlove with the mysterious man who was once banished from the world of botany - flowers. Can love be able to intersect their worlds which...