FRANSCILLA
(Flower Sonnet XV)1
Footnotes of ashes in pursuit of sapient chances
Above carousel hovered by constant latter
Rowing the boat one moment at a glance
Upon magnifying the periphery od another esoteric stare
2
Oblivious to find a shell filled with eccentricity
In midst of notable deprivation
When one repeals the autonomous ephiphany
Love hurls from dunes as an adamant rejection
3
Could flowers be nearly as alluring as how I often think?
When roots were meant to become outgrounded
Could summer be distantly gloomy as how I believe?
When loneliness lies on hearts that could never be mend
4
I fathomed the days I spent on summer reminiscence
Back to where you came from and who you were truly before
Yet as my mind swam over my overtuned defense
I only tend to long for you once more
5
I promise to recall the memory of affliction
Before turning the agony into an enhanting passion
*****
PATULOY pa rin ang walang prenong pag-agos ng luha ko patungo sa magkabilang pisngi. Maingat at dahan-dahan kong inayos sa aking kaliwang palad ang mga gusot-gusot at napunit na mga papel kung saan nakasulat ang mga nilikha kong tula para kay Aden. Naramdaman kong tinawag ni Heigan ang pangalan ni Lionell para masundan nila si Aden subalit hindi ko sila nilingunan pa gayong basag na basag na ang puso ko sa mga pangyayari. Hindi sapat ang isang kataga upang malapatan ng paliwanag at katibayan ang emosyong naghahari sa buong sistema ko ngayon.
"Franscilla!"
Sandaling bumagal ang daloy ng aking dugo at napahinto sa ginagawa nang maulinigan ang isang pamilyar na boses ng isang babae na animo'y hapong-hapo na tumatakbo papunta sa aking kinapupuwestuhan. Nanlalabo ang aking mga matang nag-angat ako ng tingin at pilit sinusumpungan ang mahalagang taong iyon.
"Diyos ko, bakit ba nangyayari sa'yo ito? Sa dinami-dami ng araw sa kalendaryo, ngayong kaarawan mo pa talaga humagupit ang bagyo ng kamalasan? Kailan ka ba lulubayan ng mga walang saysay na pagsubok?"
Pahisterya pero nababakas ang labis na pag-aalala sa kaniyang tinig. Pinunasan ko ang aking lumuluhang mata at nang linawin ko paningin ay napatulala ako nang mapagtantong si Ate Stephanie ang babaeng iyon. Nakaluhod at nakayuko siyang hinahagod ng tingin ang aking buong mukha habang katabi niya naman si Manang Ariella na gulat ang hitsurang nakatingin sa akin.
BINABASA MO ANG
Botanical Sonnets
FantasyUniversal Trilogy #1: Franscilla Florence Amaranthine, a glorious and full-fledgedly pioneering Botanist, fell inlove with the mysterious man who was once banished from the world of botany - flowers. Can love be able to intersect their worlds which...