Chapter 31: Peony

38 5 0
                                    

FRANSCILLA
(Flower Sonnet XXIX)

1

Convalescing the coquelicot plant from ailment

Made of odious woe and affliction

Increasing gaps between torture and torment

Permeating traces through rendered excruciation

2

Elation in the state of immortality

Seems impossible to probe in a voracious outlook

When love is personified with false felicity

Longevity becomes curver than an emerald crook

3

A glowing fleck of reliance

Adjusts the sores of long delay

Enshrouding all the hints of defiance

In the anguish of waiting for another day

4

Is love the corresponding scale for suffering?

Mollifying the sorrow brought by endless time

Is love the matching exemplification of waiting

Cloned by streaming tears of beautiful crime

5

Underneath the lonesome water

I'll find ways to let our love be drown forever

*****

NAGPATUGTOG ako ng isang pamilyar na awiting madalas kong naririnig sa silid ni Mom noong nasa anim na taong gulang pa lamang ako. Kinahihiligan ng aking pamilya ang larangan ng musika kaya mabilis ko ring natutunan ang mga pangunahing piyesa ng iba't-ibang instrumento.

Noong una, inaaral ko lamang ang mga liriko at melodiyang nakapaloob sa kanta bago ito ipinapatugtog sa piano ngunit kalaunan ay nagagawa ko na ring maglapat ng sariling komposisyong hango sa aking mga karanasan. Nagsilbing inspirasyon sa akin ang mga papuring natanggap ko mula kay Mom at Dad lalo na noong nagpapatugtog ako ng piano tuwing may school gatherings at religious recollections.

Isa iyon sa mga alaalang hindi ko makakalimutan sapagkat napagbuklod ng musika ang aking pamilya sakabila ng mapait na yugtong dinanas namin sa bandang huli. Kagaya ng musikang unti-unting bumabaybay sa katapusang linya, naglaho rin ang nagkaisang tinig namin sa isa't-isa noong gabing nakatakda na ang pagsundo sa kanila ng lapastangang tadhana.

Ang instrumentong nagbigay ng liwanag sa akin ay naging masalimuot na memoryang hindi ko lubos mabalik-balikan dahil sa pinsalang naidulot nito  sa puso ko. Maihahalintulad ito sa isang unos na nagpapaantala ng biyaheng may dalang kapahamakan at trahedya.

Hindi kailanman mababatid ng isang tao ang makamandag na hagupit nito maliban na lang kung siya'y nabibilang sa mga saksi o hindi kaya ay kasapi ng mga binawiang biktima.

Ipagkaila ko man ang bangungot ng aking nakaraan, alam kong lalapag ang araw na makakaahon din ako ng tuluyan. Samakatuwid, ito ang bukod-tanging espesyal na araw sapagkat muli ko ng napatugtog ang instrumentong sumasalamin sa aking walang hanggang pag-ibig para sa pamilya.

Botanical SonnetsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon