Chapter 29: Daisy

27 4 1
                                    

FRANSCILLA
(Flower Sonnet XXVII)

1

In the period of reticence

Some conversation labors illusion

Bristing torture to the fatal senses

As sincerity is as nothing as blank emotion

2

I blithely walk around the corner

Shading the tremolous triste of my heartbeat

Impeding the facticity that everything is over

That suspicion carry something which I could never defeat

3

Fidelity lies whenever I peek at the daisy

Nourished behind walls above vibrant spot

Objecting the sympathy depicted within remedy

Boorishly weeping over the love that I never got

4

Like an objet d'art, I feared to be forgotten

Without traces and remains in an old portrait

Like the fields of daisy, I yearned to let things go even

With someone I could steadfastly call as my fate

5

I'll forever commemorate the day of our beginning

Back when clandestine love was hailed as everything

*****

AGAD kong kinabig ang gatilyo nang mag umpisa ang totoong bakbakan. Panay ilag, hiyaw at panggigigil ang ginawa ng mga kasama ko samantalang tahimik kong pinupuksa ang bawat character nila at ang kalabang kinakaharap. Sa larong ito, sarili mo lang ang iyong kakampi at ikaw na mismo ang hahanap ng paraan upang malagpasan ang dominating kingdom of villains hanggang sa dulo ng laro.

"Frans, samahan mo kami roon sa Space Shooters. Ipapanalo namin ang team ni Clyden. Bet ka na raw kasi niya ngayon. Single ka pa naman, hindi ba?"

Rinig kong hirit ng isa sa mga feature writers ng The Intonation Press. Kaaalukuyan kong hinihimas pababa ang aking naninisay na buhok matapos tanggalin ang mainit na headgear sa ulo. Patuloy sa paglalaro ang iba pang mga kasama namin lalong lalo na ang editorial team na gustong makabawi mula sa pagkakatalo nila laban sa akin kanina.

Nagbiruan at nagtuksuhan sila Clyden sa harapan ko subalit hindi ko alintana ang kanilang presensya sapagkat gulat kong natanaw si Aden sa pinakaunang sulok ng Quantum Square kung saan siya mag-isang naglalaro ng Graveyard Arrows malayo sa kumpulan at siksikan ng mga tao. Buong akala ko ay diretso na siyang umuwi matapos niya akong iwan kanina sa kalagitnaan ng pag uusap namin nila Pscithacia at Saffron.

Tumayo ako sa aking puwesto saka nagpasyang lumapit kay Aden. May iilang mga teenagers pa akong nakakabangga dahil sa liliksi nilang kilos habang naglalaro sa harap ng gaming machines. Nang makarating ako sa bandang gilid ng likuran ni Aden, saglit ko siyang pinagmasdan sa kaniyang nilalaro. Maya-maya pa'y napailing na lamang ako dahil ilang beses ng tumitira ng arrows si Aden pero wala pa rin siyang naitutumbang box maches.

"Tunay ngang malilihis ang palaso kung mananatili sa ganiyang paraan ang pagpapatama mo."

Naramdaman kong napahinto si Aden sa paglalaro bago bumaling sa akin. Hindi ko siya tinignan pabalik, bagkus kinuha ang palasong hawak niya saka kalmadong iminuwestra iyon sa aking harapan. Maingat at mapagmatyag kong hinila ang bolt ng crossbow na may katamtamang laki lamang para mamaniobra.

Botanical SonnetsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon