FRANSCILLA
(Flower Sonnet XIX)1
Strangled with aeviternal flower
Germane and attractive in flourishing metaphor
Nirvana is the crown of a flower
Intuitively blessed as the decorative vase outdoor
2
Aestival on the outside appearance
Atrocious upon uncouth mechanism
In a bridge where lovers exchange a glass
Forgetting the chance of deception within romanticism
3
If a flower never blooms through time
And the sun hedonistically refute its light to stray
Will the dead promise woke back into life?
Just as how pigeons take flight on a summer day
4
Humid thoughts amidst emboldened spirit
Dignified like the crickets of evening
If petals fall and roots go split
Can love be reborn with another wishful beginning?
5
The day has come to intersect the lines
Relive the emotions that have been tarnished by time
*****
Aangal na sana ako isinaad ni Aden ngunit napatigil nalang dahil biglang sumama ang tingin ng batang babae sa akin na tila hindi niya nagugustuhang pumapalag ako kay Aden. Tinapik din ng batang lalaki ang aking braso dahilan para mapaupo ako ng maayos at tahimik na kinuha ang kubyertos.
"Hindi po ba kayo magsusubuan?"
Napaubo ako sa tanong na isinenyas ng aking katapat kaya inabutan ako ng tubig ng batang lalaki. Napasulyap ako kay Aden at napansing walang imik siyang kumakain habang hinihiwa ang karneng nasa plato. Napakurap akong bumaling ulit sa batang babae saka tinugunan ang kaniyang tanong.
"Bakit naman namin iyon gagawin?"
Nanlalamig pa ang aking magkabilang palad habang sinesenyas iyon sa kaniya. Nakita kong lumapad ang kaniyang ngiti saka sumenyas ulit. Walang kibo ring kumakain ang batang lalaki na tila hindi alintana ang papalit-palit na pagkumpas namin ng kamay ng kaniig niya.
"Ah, hindi mo po siya boyfriend, Ate?"
Hindi makapaniwalang pagsenyas ng batang babae kaya nagitla ako at napailing-iling habang iwinawasiwas ang magkabilang kamay. Napahinto sa pagkain si Aden at ang batang lalaki at napadapo ang mga mata sa akin. Tila naupos ako na parang isang kandila kaya pasimple akong bumalik sa pagsubo ng pagkain.
"Nakakatanggal ng kabanalan ang mag-usap sa harapan ng hapagkainan. Ubusin niyo muna ang natitirang pagkain bago magsalita."
Sa sulok ng aking kabilang mata, ramdam kong seryoso ang tingin ni Aden sa akin at animo'y pasadyang tinatagos iyon patungo sa aking sistema. Napalunok ko ang isang kapiraso ng cake na tahasang bumaon sa aking lalamunan.
"Ano pong sinabi niya sa'yo? Iyon na po ba ang 'I love you'?"
Nahuli ng paningin ko ang patagong senyas ng batang babae subalit naiilang na inilingan ko lamang siya saka ako kumuha ng cup kung saan nakalagay ang Italian carbonara salad na ginawa nila Constancielle kanina. Naghiwa rin ako ng fresh pineapple at watermelon saka iyon isa-isang inilapag sa malaking plato na nasa harap nila. Halos maubos na namin lahat ng desserts, appetizers at side dishes na naroroon kahit tahimik lamang kaming kumakain. Panaka-naka rin akong sumusulyap kay Aden at napansing gumaan ulit ang hilatsa ng mukha niya.
BINABASA MO ANG
Botanical Sonnets
FantasyUniversal Trilogy #1: Franscilla Florence Amaranthine, a glorious and full-fledgedly pioneering Botanist, fell inlove with the mysterious man who was once banished from the world of botany - flowers. Can love be able to intersect their worlds which...