Chapter 22: Jasmine

41 6 0
                                    

FRANSCILLA
(Flower Sonnet XX)

1

In pervasion of concentric pattern

I spoke your name in sough synchronicity

I will lithely sail the boat to earn

Earn the price of loving you without hesitancy

2

You are a slyph grace with audacity

Pacifying every inch of my dismal worries

If love is magic, then ours must be a sorcery

Defying the odds like a war of wizarding entities

3

Exalted like a princess in the movie

Suffices the succinct thirst of the buffs

Are we in this world who sees we aren't meant to be?

Drowned in excuses and all sort of ill-fated stuffs

4

If I am a poem, then you are my literature

If I am a landscape, then you are my art

If I am your past, can I ever become your future?

If I am a galaxy, can you never set our worlds apart?

5

A lash of memory traipses around the corner

A passing-by moment of pain beyond forever

*****

TAGUMPAY na kasingtamis ng huling paglalakbay patungo sa tuktok ng makitid, masahol at maalikabok na bundok. Isang hindi matutumbasang pag-asa na inukit mula sa ningning ng mga bituin at matunog na bugso ng amihang ulan. Ang nanghahalinang kislap ng kabli sa tuwing dumadaloy ang malakas na kuryenteng bumabalot sa bawat poste. Sagisag ng kariktang sumisibol sa iba't-ibang dimensyon ng daigdig na hindi alintana ang tumutugmang kalalabasan.

Noong una, magkahalong melodrama at pantasya kong maituturing ang panaginip na makaisang-dibdib si Aden Chaldise Carmelo. Isang mahabang panaginip na hindi ko nais takasan at wakasan sapagkat mas pipiliin ko pang makulong doon upang makapiling ang lalaking lubos kong iniibig.

Katangahan man sa paningin ng ibang taong hindi batid ang kapangyarihang taglay ng pag-ibig subalit nakakatiyak akong may mababago at mapapalitan sa mga prinsipyo ng isang tao sa oras na maranasan niyang magmahal kaakibat ang wagas na pagsasakripisyo at pakikipagsapalaran. Nalilok na sa aking puso ang katotohanang maaabot ko ang rurok ng kasiyahan kapag matutunan ni Aden na humakbang papalapit sa akin.

Sa kalagitnaan ng gabing ito, unti-unti kong napagtanto na tunay ngang mahiwaga ang pag-ibig. Hindi ito isang imbitasyon na kusang dumadating kung kinakailangan ngunit isang pulidong senyales na nag-aabang ng tamang pagkakataon. Kagaya na lamang ng hirayang sumisiil sa kapanglawan ng dagat, tila isang misteryosong simbolismo ang epektong ipinamamalas ng pag-ibig sa isang taong nagmamahal ng totoo. Hindi maipagkakakailang isa ang mga gabing ito sa mga hirayang nagpahinto ng aking mundo.

Botanical SonnetsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon