Chapter 14: Sunflower

35 9 0
                                    

FRANSCILLA
(Flower Sonnet XII)

1

Tantalizing brushes against the drafts

Of highlighted masterpieces from a cunning hand

Starry as the art of Van Gogh over the wafts

Seemingly alluring even for a simple man

2

Sunflower is the name of sincere happiness

Like an infatuation that blossoms on a desert

A flower that bears joy at its finest

Mundane yet no sight could never tend to avert

3

On purses, combs, palettes and frames

There one may witness the sunflower trace

On designs of books, on background of names

Poshly innocent than a sheep full with grace

4

Given the hapless dot of evening deck

Sallow petals on encrypted wall

Cheering a noble whose life filled with wreck

Ceasing her heart from an oblivious torn and fall

5

I see you again on a broad delight

While I pray that this distance between us would make me feel alright

*****

NAKAHINGA ako ng maluwang matapos makaupo sa isang bakanteng upuan ng bus na sinasakyan ko ngayon. Hindi ko naatim na magtagal doon sa silungan sapagkat halos punuan na rin lahat ng mga dumadaang taxi at wala na rin akong mahagilap na namamasadang jeepney sa gilid. Laking pasasalamat ko dahil hindi nagtagal ang malakas na pagbuhos ng ulan at agad itong tumila ilang minuto ang lumipas.

Napahawak ako sa aking dibdib at napahinga ng malalim bago napalingon sa glass window na nasa aking gilid. Hindi pa rin naglalaho sa isipan ko ang bihirang kilos na ipinamalas ni Aden sa akin kanina. Sa pakiwari ko'y nalagutan ako ng hininga noong mga sandaling nakatitig lang kami sa isa't-isa at wala ni isang nagbitiw ng salita sa aming dalawa.

Kung hindi lang umugong ang busina ng bus sa aming harapan, tiyak na mababawian ako ng hustong katinuan gayong tagos hanggang kaluluwa ang titig na ipinarating sa akin ni Aden. Tila nagkaroon din ng sariling buhay ang aking mga paa nang mas mabilis pa sa kidlat akong naglakad papasok sa loob ng bus na hindi alintana ang biglaang pang lilisan ko kay Aden. Tahasang sumagi sa utak ko na kinakailangan kong sagipin ang aking sarili mula sa nakakailang na pangyayaring iyon.

Napalunok ako at napatingin sa itim na jacket na nakapulupot sa aking magkabilang balikat. Hindi ko akalaing nakaya itong hubarin ni Aden kanina para ipahiram sa akin pagkatapos niyang mapansing nilalamig ako sa ilalim ng silungan. Malayo iyon sa inasahan kong pambabalewala niya at pulidong paghihiwalay ng aming landas doon sa department store. Tuliro ako sa kakaisip kung ano ang nag udyok kay Aden na ipaubaya ang kaniyang jacket ng walang pag aalangan gayong hindi naman ito ang nakagawian kong pakikitungo niya sa akin. Bukod pa roon, namomroblema rin ako ngayon sapagkat hindi ko batid ang aking kakapain na salita kung sakaling isasauli ko na ito kay Aden.

Botanical SonnetsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon