Chapter 12: Spring

37 8 0
                                    

QUEENSLAND

"CLARKIA, could you please assist me in finding Aster? Our beloved Queen Ethiopia has been experiencing grave turmoil in the upper vascular of phloem and cambium. It seems gravely hard for our Queen to generate seeds since the stamen does not have plentiful energy for pollination. It also affected the pistil base where salient reproduction should begin all at once."

Dumagundong ang malakas na tinig ni Dandelion sa loob ng kaharian habang mapanglaw niyang hinahagod ang namumutlang tangkay at sisidlan ni Queen Ethiopia na kasalukuyang nakahiga sa mahalimuyak na ornamentong inilatag ng kaniyang mga natatanging alagad na si Clarkia at Alstroemeria. Batid nilang hindi sila maaaring lumapit o magtangkang umusisa sa pribadong silid ng reyna ngunit sadyang mapaglaro ang kabaligtarang sitwasyon na kinakaharap nila ngayon.

Isang linggo na ang lumipas simula noong nagparaos ang palasyo ng magarbong selebrasyon para sa paunang araw ng tagsibol. Maraming mga botanikal na nilalang mula sa matataas na antas ang walang pag aalinlangang dumalo upang makipaghalubilo at makipagsalo-salo sa kanilang mga kauri. Sakabila ng kasiyahang naipapamalas ng bawat isa, hindi maikukubli ang labis na pangangamba at kalumbayan sapagkat alam nilang patuloy pa rin silang lalampasuhin ng peligro gayong hindi pa natatapos ang misyon ni Zachalleon sa mundo ng mga tao.

Dandelion Flower

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Dandelion Flower

Si Taraxacum Officinale o kilala sa tawag na Dandelion ay nabibilang sa ikapitong salinlahi ng Asteraceae ngunit sa kasamaang palad, nasawi ang mga kauri nitong Cichorioideae noong nakaraang taglagas at tanging siya na lamang ang milagrosong nabubuhay sa kanilang lahat. Hindi nagtagal, kinupkop siya ng mga ulilang halamang gamot na nagmumula sa kanlurang lupa ng kanilang mundo.

Makinis at matingkad na kulay dilaw ang mga talulot ni Dandelion at hindi maipagkakailang maraming naiinggit sa kaniyang pambihirang kagandahan. Hinahangaan siya ng halos lahat ng mga bulaklak dahil kakulay niya ang mahal na araw at mas lalong nanunuot ang kaniyang preskong bango kapag natatamaan ng bukang liwayway. Napadpad siya sa loob ng palasyo sapagkat naatasan siyang magsilbi sa may sakit na reyna kahit pa man labag ito sa kaniyang kalooban. Bukod sa rasong si Aster dapat ang nasa posisyon niya, malayo rin sa abilidad niya ang bihasang panggagamot.

"Perhaps, this is not just a mundane havoc. This may be an augury that our dearest Zachalleon will contravene the assented mission. I could even evidently perceive the unforeseen changes in this botanical world despite our luminescent spring season."

Kinikilabutang pahayag ni Clarkia kay Alstroemeria habang nagtutungo silang dalawa sa mariwasang silid ni Queen Ethiopia. Hindi nila alintana ang matinis na pambabanta ni Dandelion doon sa loob sapagkat abala sila sa papapalitan ng mga katuwiran, opinyon at obserbasyon ukol sa mga nakababahalang pangyayari sa kanilang botanikal na mundo. Pumahilig ang dalawang anther ni Alstroemeria bilang senyales na sumasang-ayon siya sa mga isinasaad ng kaniyang kasama.

Botanical SonnetsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon