いち

537 16 45
                                    

Ang hirap siguro maging ako. Mahirap siguro mabuhay na maging ako. Walang kasiyahan, kahit nga ang pagngiti ay hindi ko madalas nagagawa. Palaging nakalukot ang mukha ko sa tuwing nakikita ko kung paano tumititig sa akin ang mga tao. But, I don't give a care about them. Bahala na silang kutyain ang pagkatao ko. Wala naman din silang magagawa, hindi naman mababago ng mga salita nila ang pagiging ako.

I'm Amythest Im. Hindi masayang maging ako. Wala akong masyadong kaibigan kasi hindi ako ganoon kadali magtiwala. Hindi madaling makuha ang loob ko kasi I have a past na ayaw ko ng balikan pa.

Actually, I'm studying at the school na pag-aari ng 'daddy' ko. It's convenient, akala lang 'yon ng iba. Hindi porket pag-aari niyo ang paaralang iyon ay mababago nito ang pamilyang meron ka. Kahit pa na kay 'daddy' ang buong pilipinas, hindi pa rin nito mababago ang mga pangyayari na naging dahilan para masira ang pamilya namin.

Blanko lang ang mukha ko habang naglalakad patungo sa classroom namin. Maaga pa lang kaya walang masyadong estudyante sa mga pasilyo ng eskwelahan. Napabuntong hininga na lamang ako at saka ipinasak ang earphones sa tainga. Pasimple kong hinawi ang buhok na nakaharang sa mga mata ko at saka inipit sa likod ng tainga.

Wala pa naman si Jaera kaya baka matutulog muna ako pagdating sa room.

Nang makaakyat ako sa hagdanan ay may naramdaman akong presensya sa likod ko. Liningon ko ito ngunit wala naman akong nakita.

Ipinilig ko ang ulo at saka nagpatuloy nalang sa paglalakad. Hawak-hawak ko ang straps ng bag saka pinasadahan ng tingin ang bawat sulok na nadadaanan ko.

My life has been messy and gloomy. Kung hindi ko lang kasama si Jaera, siguro ay hindi ako nakakangiti kahit ikalawa man lang sa isang buong araw.

Hindi naman sana talaga magiging ganito kung hindi lamang nangaliwa si daddy. Noon, akala ko masaya kami, kasi buo kami. Pero noong mga panahon na iyon, dad left us for another woman. Nabuntis niya ang babae. I was just four years old that time. Iyak ako ng iyak habang nakikinig sa pag-aaway nila mom and dad.

Pagkatapos ay napilitan si mommy na umalis sa bahay. She brought me with her, at tumira kami kina lola. Pero tila mapait ang kapalaran ko at pati sila lolo at lola ay nawala rin sa akin. Wala akong magawa kundi umiyak.

Nagbago si mommy. Palagi nalang siyang nalalasing. First year high school palang ako noon, ang bata ko pa kung tutuusin. We never contacted dad, wala naman din kaming pake sa kanya at sa bago niyang pamilya.

Kapag nalalasing si mommy ay napupuno na ng mga sugat ang katawan ko. Sinisisi niya ako sa lahat ng mga nangyari at hindi ako nagagalit sa kanya dahil doon. Kasi totoo naman siguro lahat. Nang isinilang ako, nagkandaletse-letse ang buhay niya.

Napapikit na lamang ako ng mariin ng maalala ang lahat ng iyon. Ang pagpanaw ni mommy at ang paglipat ko sa bahay at school na pagmamay-ari ng daddy. Ang saya kung iisipin kasi sa wakas makakapiling mo ng muli ang lalaking una mong minahal, pero hindi. Kasi nagmamarka lahat ng ginawa niya. Nagmamarka lahat ng sakit ng pinagdaraanan namin ni mommy dahil sa kanya.

Life is truly unfair naman talaga. Aakalain mo na masaya na ang lahat pero in the end, magigising ka na lang na puno na ng hinanakit ang pagkatao mo. Kumbaga, parang naging isang ferris wheel ang buhay mo. Ang saya kung titignan mo, aakalain mong hindi ito nakakatakot, pero mali pala. Kasi sa unang pagtapak mo palang dito, manginginig na agad ang tuhod mo. Mula sa itaas hanggang baba ay parang lumilipad ang kaluluwa mo sa takot. Parang nanatili ang puso mo sa itaas na bahagi kung saan masaya pa ang lahat.

Ipinilig kong muli ang ulo at saka napansing nasa harap na pala ako ng classroom. Walang emosyon na itinulak ko ang pinto habang nakikinig sa mga malumanay na kanta mula sa earphones. Since maaga pa, iniisip ko na baka ako lang mag-isa pero mali na naman ako.

Run To YouWhere stories live. Discover now