しち

109 12 17
                                    

Days to weeks and weeks to months. Naging close ko na masyado ang mga kaibigan ni Synnex pati na rin sina Shaira. Parang kailan lang si Jaera lang ang kasama ko palagi at nakaka-usap. Pero ngayon, nandito na sila ang mga bago kong kaibigan.

Maraming nagbago sa akin. Kung noon ay wala akong masyadong pake sa paligid ko, ngayon mukhang meron na. Pero my relationship between my family never changed. Lagi ko mang nakakasalubong si Sabrina sa school ay hindi ko parin maatim na kausapin siya. Ewan ko, pero ang sakit parin kasi.

"Amythest, tulala ka na naman."


Tiningnan ko si Jaera na nakangiti lang. Pero alam kong may iba roon, halata din naman na kakaiyak lang niya. Hinawakan ko ang balikat niya at may pag-aalala ang tingin na ipinupukol ko sa kanya.

She sighed. Kilalang-kilala ko na siya. Alam ko kung kailan siya may problema at alam ko rin kung ano ang pinoproblema niya.

"Bakit mo pa siya hinahabol?" Tanong ko saka hinila siya sa isang malapit na bench sa may garden. Malungkot ang ngiti niya.

"Amythest, mahal ko eh. How cliche it is, 'di ba? Pero Amythest, I'm deeply inlove with my bestfriend." Tugon ni Jaera at tuluyan na ngang umagos ang mga luha niya. Parang kinurot ang puso ko sa mga hikbi niya.

Niyakap ko siya at pinatahan. This is the least I can't do. Hindi ko naman kayang patigiln sa pagtibok ang puso niya kasi our hearts were sometimes uncontrollable. At naramdaman ko na iyon. Sa pagtibok ng puso mo, palagi ka ring napapalibutan ng kung ano na hindi mo mawari ang kahulugan.

Ang pagmamahal na iyan ay may katumbas ring sakit. Sakit na pupunit sa pagkatao mo at unti-unti ring sisira sayo.

"Thank you, Amy." Sambit niya at inalis ang mga butil ng luha sa gilid ng mga mata. Napangiti nalang ako at tinapik ang likod niya.

"Tara, lunch na tayo. Baka nando-"


Naputol ang sinabi kong iyon nang biglang sumulpot sa kung saan si Synnex. Hula ko ay kakatapos lang niya sa SSG. Busy rin kasi kami ngayon since papalapit na ang exam para sa third quarter.

Nakataas ang kilay ko habang nakatingin sa kanya na nakatayo lang sa harapan namin. Maayos parin ang uniform niya, malinis ang pagkakasuklay ng buhok niya. He's handsome, pero araw-araw naman yata.

And here my heart goes again. Parang hinahabol ng isang daang aso sa kalye at grabe kung makatibok, kulang nalang yata ay lumabas ito sa dibdib ko.

"Jaera, can I borrow Amythest?" Saad nito na mas lalong nagpakunot ng mukha ko.

"Of course, Synnex." Pagsang-ayon naman nitong isa. Pinanlakihan ko siya ng mata pero parang wala naman iyon sa kanya at itinulak pa ako patayo.




"Hindi naman ako bagay para hiramin noh."

"Hindi naman talaga."

"So, ano 'yong can I borrow Amythest. Di rin naman ako libro sa library."





"Manahimik ka na nga lang." Inirapan ko nalang siya at sumabay na sa hakbang niya. Hindi ko alam kung saan ang punta namin basta all I did was to follow his steps.

Wala akong interes sa pakikipagkaibigan noon. Wala nga akong paki sa mga pangalan ng mga tao sa paligid ko. I would always say 'I don't give a care about them'- pero ngayon it did change. Parang sa isang iglap lang nagbago ang lahat. Actually, hindi ko pa naman binibigay ang buong tiwala ko sa kanila, I just wanna be their friend kasi iyon din naman ang nais nila. And Synnex is one of the reason kung bakit naging mas masaya ang buhay ko. Isama niyo ma rin sina Jaera at Shaira pati na rin ang basketball team.

Run To YouWhere stories live. Discover now