Natapos na ang afternon class session, at katabi ko pa rin ang madaldal na si Shaira. Nakakatuwa siyang kausap para bang hindi siya nauubusan ng topic. At dahil sa kanya parang hindi ko na lubusang naiisip ang mga problema ko sa buhay.
Ngunit hindi ko pa rin mawala sa isipan ang mukha ni Synnex kanina sa canteen. Sa tuwing naalala ko iyon ay parang lumulutang ako at mabilis na tumitibok ang puso. Akala ko napukaw ko na ang pansin niya kanina mula sa pagsasalita pero naguluhan ako sa sunod niyang sinabi.
"You're beautiful."
Iyon ang mga katagang iyon. Tama naman siya na maganda ako, pero his smile was trying to say something. Parang may kung ano doon na gusto niya yatang sabihin. Pero bago paman ako makasagot sa kaniya ay agad siyang bumulong sa sarili at mariing nag-iwas ng tingin.
Nakakalito ang mga inaasta niya. Hindi ko tuloy maiwasang mag-isip ng kung ano. Tama ba na maramdaman ko ito? I'm not naive. Mabilis kong nakukuha ang mga meaning ng isang bagay, pero may pag-aalinlangan pa rin iyon.
"Uy, bakit ka tulala?"
Napaigtad ako sa gulat nang biglang bumulong itong si Shaira sa tainga ko. Tiningnan ko lang siya at saka umiling.
"Hindi ka ba nakikinig. Ang sabi ko alis na tayo, baka nagsimula na ang practice game nila." Pag-uulit na siyang ikinatango ko at agad na tumayo sa kinauupuan.
Ano bang meron sa basketball practice at atat na atat siya na magpunta doon? Kung ano man ang meron doon sana naman nakakatuwa. Iyong hindi nakakabagot. Una sa lahat, hindi ako masyadong mahilig sa sports, wala akong interes sa mga iyan. At saka kapag nasa bahay lang din ako, I would just waste my time talking with Jaera o kaya'y gadgets lang ang focus ko.
Nagumpisa na kaming maglakad and as usual hindi na naman siya nauubusan ng topic. Sadyang madaldal lang ba siya o madaldal talaga?
"Ikaw Amythest, marami kasi akong naririnig na hindi ka palakibo. Why was that?" Takang tanong nito kaya napabuntong hininga na lamang ako at pinukol ang tingin sa corridors.
Hindi naman maiiwasan na mapapansin talaga ang pag-uugali ko. Of course, maraming sabi-sabi sa akin sa dahilang anak ako ng may-ari ng school. Pero tama naman na hindi talaga ako palakibo at walang pakialam sa paligid niya. Ang boring kaya ng life ko at mahirap ang maging ako. I need to deal with my problems alone, dahil wala ako masyadong karamay. Kung meron man ay may kalayuan sila sa akin.
"Tama naman sila. I'm a quiet type of a person. At saka hindi din ako palakaibigan. And I can't give my full trust to anyone that easily, depende na rin iyon sa tao kung gusto nilang mapalapit sa akin." Saad ko kaya napatango naman siya. Sa sinabi kong iyon, naalala ko tuloy bigla si Synnex. Tsk, mapanggulo talaga iyong lalaking iyon.
Ginugulo niya ang isipan ko. Ginugulo niya na rin ng tahimik ang puso ko. And alam kong mali ito, pero my heart won't listen to what my mind always says.
Nagkibit balikat na lamang ako saka napansing nasa harap na pala kami ng court. Marami-rami na rin ang mga tao, pero kadalasan ay mga babae. Syempre, lalaki ang mga basketball players at lahat sila ay sikat dito lalo na rin sa ibang school. Nakita kong kumaway sa Cheska sa gawi namin, 'yung babaeng pinsan ni Jaera.
Nagpahila nalang din ako kay Shaira dahil mukhang nanabik siyang manood sa laro. Tsk, baka siguro may nagugustuhan siya sa kanila kaya ayun at atat na atat. Hindi ko pa man siya masyadong kilala ay nababasa ko na ang ugali niya. She's bubbly, cute at may pagka-childish ang personality, but actually, she's also a witty girl.
Naupo kaming pareho sa upuan na malapit lang sa game court. Hindi pa rin dumadating ang iba, at wala pa rin dito si Synnex. Aish, ba't ko naman hinahanap 'yon?
YOU ARE READING
Run To You
Fanfiction"Even if it won't reach you by any chance. Even if I run of breath more, I'll go quickly. So please wait there a little more." ᴛᴡɪᴄᴇᴛᴇᴇɴ sᴇʀɪᴇs #1 ɪᴍ ɴᴀʏᴇᴏɴ-ᴄʜᴏɪ sᴇᴜɴɢᴄʜᴇᴏʟ