Bakit feeling ko sasabog ako? Sasabog sa saya, sa kaba. Nakaawang lang ang nga labi ko matapos niyang maitanong iyon. Parang napipi ako at tila walang lumalabas na maski isang salita mula sa bibig ko. Nakatitig lang ako sa kanya na ngayon ay seryoso paring nakatingin sa akin.
Seryoso ba siya? Manliligaw siya sa akin? Hindi naman mukhang nagbibiro ang boses niya. Hindi naman iyon prank kasi hanggang ngayon wala ang katagang 'joke lang'. Masaya ako, syempre. Hindi ko na nga yata mabilang kung ilang tibok ang ginagawa ng puso ko sa loob ng isang minuto. Ramdam ko pa rin ang kamay niya sa ibabaw ng kamay ko. Ramdam ko kung gaano iyon ka lambot.
Wala pa nga akong sinasabi ay nagsalita siyang muli.
"Sorry if I'm too rush....I....I like you, Amythest kaya gusto kung gawin ito. Pero the choice is up to y-"
"Pwede kang manligaw."
Tugon ko na nagpatikom ng bibig niya. Gulat ang ekpresyon niya at ang lapad na rin ng ngiti niya. His eyes were filled with genuine joy. Kumikislap na rin ito na parang mga bituin sa kalangitan.
Parang nalagutan ako ng hininga nang bigla niyang hawakan ang kamay ko. Masyadong malakas ang tibok ng puso ko kaya mabilis na rin ang paghinga na pinapakawala ko. Sobrang saya ko. Hindi ko mawari kung ano ang dahilan. Kung dahil ba liligawan niya ako at alam ko rin na may gusto siya sa akin o di kaya'y alam ko na totoo ang nararamdaman ko sa kanya. Ewan ko na.
Synnex Choi. Siya ang lalaking unang nakakita ng vulnerability ko. Siya ang unang lalaking naglakas ng loob na lapitan ako at sinabihang gusto niyang makipaglapit sa akin. Siya ang unang lalaking nagpangiti sa akin maliban sa mga taong kilala ko na noon pa. Synnex made me open myself up to other people. He's true to his words and I trust him so well.
"Thank you so much, Amythest!" Masaya ang tono ng boses niya. He even stood up at tumalon ng mahina. Akala mo naman sinasagot na.
Ako nga dapat ang magpasalamat sa kanya. Dahil kasi sa kanya mas nabawasan ang lungkot. Kung noon ay si Jaera lang ang tanging kaibigan ko na alam ang mga problema ko, ngayon nandiyan na siya para i-comfort ako. Nandiyan siya para maramdaman ko na I'm safe hanggang nandiyan siya. Pakiramdam ko naging as makulay ang buhay ko dahil sa kanya. My world was once the brightest, pero mukhang naging mahina ang pundasyon ng ilaw ko noon. Naging marupok at mahina kaya my world ended being a mess because there was the absence of light. Pero may isang taong dumating at pinunan ang pundasyon na iyon kaya mas lalong naging makulay.
Nakakatuwa siyang panoorin. Para siyang isang batang nakapulot ng pera sa daan. Ang childish niya tignan pero deep inside, isa siyang tao na kayang patunayan ang sarili niya. Ma-awtoridad at saka strikto, pero dahil naman din iyon sa tungkulin niya.
"Anyare sayo Synnex?" Dumatimg bigla si Nathan na may dalang dalawang milkshakes. Tinaasan niya ng kilay ang kaibigan kaya napahinto ito sa ginagawa.
Palihim na napairap si Synnex kaya palihim akong napatawa at umiling. Para siyang bakla nun.
"Pake mo naman?" Kalmadong sambit nito at bumalik sa pag-upo. Nang maibaling niya ang titig sa akin ay agad na naman siyang ngumiti ng sobrang lapad. Ako lang ba ito o talagang malakas ang epekto ng mga titig at ngiti niyang iyon?
"Tsk." Sabi naman ni Nathan at saka inilagay ang milkshake sa harapan namin. Nang mapansin niya ako ay ngumiti rin ito.
Sana nakikita ito ni Jaera. Malungkot pa naman ang kaibigan kong 'yon. Pupuntahan ko na lang siguro sa kanila bukas.
"Mamaya nga pala Synnex, hindi makakapunta si Raven, tapos may sore throat daw si Lexir kaya umuwi kanina. Si Jigz naman, nag-outing kasama ang pamilya niya. Kaya hindi ko na alam kung sino ang kakanta."
YOU ARE READING
Run To You
Fanfiction"Even if it won't reach you by any chance. Even if I run of breath more, I'll go quickly. So please wait there a little more." ᴛᴡɪᴄᴇᴛᴇᴇɴ sᴇʀɪᴇs #1 ɪᴍ ɴᴀʏᴇᴏɴ-ᴄʜᴏɪ sᴇᴜɴɢᴄʜᴇᴏʟ