さん

139 12 20
                                    

Naghihintay pa ako ngayon sa may gate. Wala pa si Mang Juls na sundo ko, hindi rin naman ito nagtext kung susunduin ba ako o hindi. Mag-aalas sais na rin kasi. Dumidilim na ang kalangitan.

Nauna na ring umuwi si Jaera dahil masama daw pakiramdam niya. So, ito ako ngayon wala man lang makausap at tahimik na nakatayo sa isang gilid habang nakaplug ang earphones sa tainga. Nasanay na rin naman ako sa katahimikan, at saka ayos na lang din naman ito kaysa may asungot na manggugulo.

Simula nong sinabi iyon ni Nero, parang iyon na lagi ang iniisip ko. Para bang tumatak na iyon sa isipan ko at ayaw ko ang pakiramdam na iyon. Una sa lahat, nalilito ako sa mga ginagawa ni Synnex. Ngayon lang niya ako linapitan ng ganoon. Ngayon niya lang ako nginitian at tinitigan ng ganoon. Pangalawa, ano naman ang nakita ni Nero at ganoon ang naisip niya. Eh hindi niya nga ako masyadong kilala dahil bago lang din naman siya dito.

Teka, bakit ba iniisip ko masyado ang lalaking iyon? Dati naman wala akong pakialam sa kanila, ni wala nga akong kaibigan maliban kay Jaera. Pero naisip ko rin, pwede naman din yata akong makipagkaibigan, diba? Pero 'yong tipong hindi masyadong close.

Nagpakawala ako ng isang malalim na hininga at napatingala sa kalangitan. May iilang bituin na ang nagniningning doon. Nalungkot ako ng maalala si mommy.

Kumusta na kaya siya sa itaas? Sana masaya siya. Sana binabantayan niya ako. Sana.

Napaigtad ako nang may biglang kumalabit sa likod ko. Pagkalingon ko dito ay agad na tumaas ang kilay ko. Parang wala naman sa kanya iyon dahil patuloy lang siya sa pagngiti.

Marahan kong tinanggal ang earphones at hinarap ang lalaking walang umay kakangiti. Pinagkrus ko ang braso at blanko ang mukhang nakatingin pabalik sa kanya.

"May kailangan ka?" Tanong ko at tumango naman siya. Isang hakbang ang layo nito sa akin. Base sa mga mata niya, alam kung pagod ang mga ito. Siguro kakatapos niya lang sa mga gawain sa SSG. Hindi rin kasi siya nakapasok sa morning hanggang afternoon sessions.

Minsan siguro nao-overwork na niya ang sarili niya. Baka nga hindi na siya nakakapagfocus sa mga leksyon namin dahil sa pagiging president niya. Hindi naman sa concern ako, pero baka magkasakit siya niyan. Mahirap pa naman iyon.

"Pahiram ng notes, pwede?" Pakiusap nito saka ngumiti na naman. Inirapan ko lang siya.

"Bakit ba ako hinihingan mo?" Tanong ko pabalik kaya napakamot siya sa ulo at tinignan ang bawat sulok ng school.

"Hindi ko na kasi naabotan ang ibang kaklase natin saka mas gusto ko kasi ang penmanship mo. Lalo na sa math." Hindi ko alam kung pinupuri niya ba ako o ano, pero wala sa sarili nalang akong napatango at hinalungkat ang mga notebook sa bag.

Parang tuwang-tuwa naman siya. Inabot ko na sa kanya ang mga notebook ko at inirapan pa siyang muli. Parang nahiligan ko na yatang iripan siya.

"Salamat." Ani pa nito at pinasok ang mga notebook sa kulay itim niyang bag. Humakbang ito papalapit sa akin at ako na nagulat ay hindi man lang napaatras kaya isang dangkal nalang yata ang layo namin sa isa't isa.

Naramdaman ko ang titig niya kaya iniwas ko ang tingin habang ramdam ang pag-init ng mga pisngi ko. What is this feeling?

"About sa sinabi kong gusto kong mapalapit sa'yo. I'm serious with that Amythest, kaya sana huwag mong akalaing biro ang sinasabi ko." Sambit nito kaya napakagat ko ang pang-ibabang labi. Naiilang ako sa tuwing sobrang lapit niya sa akin. May nararamdaman akong kakaiba. Kakaiba na hindi ko mapaliwanag. "At saka, alam kong hindi ka masyadong nagtitiwala, pero trust me, you can call me when you have a problem."

Nanatili akong nakatayo sa posisyon ko. Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko, parang naestatwa ako. Bago pa ito umalis ay ginulo niya ang buhok ko at humakbang na palayo. Hanggang sa makaalis siya ay hindi ko pa rin kayang tignan ang bulto niya.

Run To YouWhere stories live. Discover now