"Ang saya mo yata ngayon."
Salubong ni Jaera nang makapasok ako sa room. Nginitian ko lang siya at naupo sa silya na katabi ng sa kanya.
Ewan ko pero sa tuwing naiisip ko ang mga nangyari the other day, parang biglang sumisigla ang araw ko. Nang dahil kay Synnex, unti-unting nalulunod sa kasiyahan ang puso ko. Gusto ko ang pakiramdam na noo'y iniiwasan ko. Parang noon lang, ayaw na ayaw ko ang magtiwala sa mga hindi lubusang kilala, pero look happened now? Nandiyan siya at pinagkakatiwalaan ko.
He texted me 'good morning' kanina and with his simple messages, tumatalon na sa saya ang puso ko. Parang iba yung epekto niya sa akin. Hindi ako sanay sa ganito, hindi ako sanay sa mga romantic gestures. This is my first time nga diba?
"Mind sharing?" Napatingin ako sa gawi ni Nero na ngayo'y nakaupo na sa tabi ko.
"Magshare ka na, Amy." Si Jaera naman na katabi ko lang din sa right side ko. Teka, paano ba nakaabot itong si Nero dito? Tsk, baka naman hindi pa nagstart yung klase nila.
Napapailing nalang ako saka awtomatikong napangiti. It just crept off naturally. Na para bang nasanay na akong nakangiti palagi.
I really hate the idea of love. Ito yung pakiramdam na lagi kong iniiwasan, ito yung pakiramdam na ayaw na ayaw ko pero nang dahil lang sa isang Synnex Choi, nagulo ang sistema ko. Sobrang naging gulo na ng puso at isip ko. Para bang may kung ano sa kanya na naiiba sa lahat.
Pero sana hindi ako masaktan sa ginagawa kong ito. Dahil for this time, hinayaan ko siyang makapasok sa puso ko. Dahil this time, natutunan kong magtiwalang muli. He said he'll run to me whenever I need him, and I'll hold on to that.
"Nililigawan niya ako." Yun lang ang sinabi ko at napangiti ng kay lapad. Tiningnan ko ang mga reaksyon nila, si Jaera gulat na gulat habang si Nero naman ay parang blanko lang.
"Ah, kaya pala hiningi niya yung number mo sa akin. Sabi pa ng gago ay importante daw. Tsk tsk."
"So, ikaw pala ang nagbigay ng number ko sa kanya?" Sinamaan ko ng tingin si Jaera kaya naman napa-peace sign naman siya.
Mariin akong napailing nang binigyan niya ako ng mapang-asar na tingin. Oo, kinikilig ako. Kahit na madalang ko lang nararamdaman ito, kapag may nagbanggit lang ng pangalan niya, kaagad namang titibok ng sobrang lakas ang puso ko.
Alam niyo yung feeling na gusto mong tumili dahil lang sa isang simpleng ngiti niya. Hindi ko naman gawain ang mag-isip ng ganito, pero it was because of him kung bakit na ako nagkakaganito.
"Nililigawan ka na pala niya?" Saad ni Nero na kanina pa nanahimik. Hindi naman ako bingi upang hindi mapansin ang pagbabago ng malambing niyang boses. Naging seryoso ito at nang matingnan ko ang mga mata niya, ramdam ko ang lungkot nun. Pero bakit?
Then after a few seconds, mahina siyang tumawa at saka ginulo ang buhok ko. Nakangiti na rin siya ngayon na mas lalong ikinagulo ng isip ko. Bakit parang may mali sa kanya? Ibang-iba ang ngiti niya kumpara sa mga ngiti niya noon.
"Pero, kapag may nangyari. Nandito lang ako, Amythest." Pinisil nito ang kamay ko bago umalis.
Sinundan ko ng tingin ang bulto niya, may mali. Alam kong may mali, pero ano naman 'yon?
"Sundan mo nalang kaysa mabali ang leeg mo kakatingin."
Agad na napatingin ako sa gawi kung saan nanggaling ang boses na iyon. Nakatayo lang siya sa harapan ko, ni hindi ko nga napansin kung paano siya nakapunta dito. Nagtitigan lang kaming dalawa hanggang sa nagsalita na si Jaera.
YOU ARE READING
Run To You
Fanfiction"Even if it won't reach you by any chance. Even if I run of breath more, I'll go quickly. So please wait there a little more." ᴛᴡɪᴄᴇᴛᴇᴇɴ sᴇʀɪᴇs #1 ɪᴍ ɴᴀʏᴇᴏɴ-ᴄʜᴏɪ sᴇᴜɴɢᴄʜᴇᴏʟ