じゅうに

104 12 26
                                    

Walang prof sa afternoon session, kaya napagdesisyunan namin na tumambay muna sa canteen. Kasama ko ngayon si Synnex, Jaera, Ivan at Shaira. Wala namang nagbago, kahit na nakangiti si Jaera, halata naman na malungkot siya. And I know her story more than anyone do.

And can you believe that Shaira is already Ivan's official girlfriend? Napapansin ko na rin kasi na nagbabago na si Ivan. The way he acts, the way he changed his goofy attitude just for Shaira. While me and Synnex, ganoon pa din. Hindi siya nag-iiba sa ka-sweetan at ka-weirduhan niya. He acts like a child whenever he's with me, tapos kapag kaharap naman niya ang iba, he'll look serious and strict all of a sudden.

At sa bawat araw na lilipas, mas nahuhulog ako sa kanya. Parang patibong na kahit kailan ay hindi na ako makakalis pa. Pakiramdam ko hindi buo ang araw ko sa tuwing wala siya o di kaya'y absent. Pero he changed since the day he courted me, napansin ko lang na palagi na siyang pumapasok. Does this mean na hindi siya busy sa SSG. I mean, by looking at Jaera na VP ng student government, busy naman siya kadalasan. Habang si Synnex, pumapasok na sa klase palagi at hinahatid pa ako pauwi.

Hindi naman masama iyon, pero something was going on. Pero hindi ko naman pipilitin si Synnex kung ano ang dahilan. He's not my boyfriend yet at saka wala naman akong karapatang kontrolin ang mga ayaw at gusto niya.

"Alis muna tayo...." Saad ni Synnex kaya napatingin ako sa kanya. Nakangiti lang siya saka lumapit pa sa akin. We're seated in a table for six people, katabi ko siya tapos kaharap naman namin yung tatlo.

Napailing nalang ako at ibinalik ang tingin sa tatlo na ngayo'y nasa kani-kanilang mundo. Si Ivan ay hinahaplos ang kamay ni Shaira habang ang babaita ay nakasandal sa balikat ni Ivan. Si Jaera naman nakatutok lang sa cellphone niya.





"Punta tayo kay Browny."

"Sinong Browny? Wala naman sigurong estudyanteng may pangalang ganon, diba?"

"Wala nga...." Aniya at isinandal ang ulo sa balikat ko, na agad namang ikina-lakas ng tibok ng puso ko. Nabigla ako pero it didn't made me uncomfortable, kasi kung si Synnex lang, I'll always find my comfort zone.

"Then, saan tayo pupunta?"

"Browny isn't a human, kasi kahoy siya. So, tara? Punta tayo sa tambayan ko."

Napangiti nalang ako at agad na tumango na mas lalong ikinalapad ng ngiti niya. Sabay kaming tumayo kaya napatingin naman 'yong tatlo sa gawi namin.



"Saan kayo pupunta?" Tanong ni Jaera.

"Sa tabi-tabi lang." Tugon naman ni Synnex, saka hinawakan ang kamay ko.

"Paalala ko lang, nililigawan mo pa lang siya hyung."

"Paala ko lang din, may gagawi-"



"Manahimik ka na nga lang, Jaera. Gagawin ko 'yon mamaya, don't worry." Pamputol ni Synnex sa sinabi ni Jaera at agad akong hinila. Hindi naman ako umalma.

How can this guy look so cool with just his neat white uniform at blue neck tie? I mean, he looks so gorgeous in my eyes. Para bang nakatingin ako sa isa sa mga pinakagwapong taong naisilang sa mundo.

He even looks cooler when his hair tend to get messed up. Nababaliw na nga yata ako. Nakakakilig ang bawat salitang lumalabas sa bibig niya. He defines a gentleman and the one I can trust on.

Ilang minuto ang lumipas at narating na rin namin si Browny. The place where he wanted to hang out kapag palagi siyang napi-pressure. Sinabi niya sa akin 'yon nung mga panahong wala pa akong pakialam sa mundo. He even told me his story kahit pa na hindi kami close nung mga panahong 'yon.

Run To YouWhere stories live. Discover now