じゅうさん

120 11 51
                                    

Weekend ngayon, kaya as usual wala akong magawa. Naalala ko 'yong sinabi ni Synnex kahapon, pero ang tanong kaya ko kaya? Kaya ko kayang patawarin sila?

Life is complicated, pero ikaw lang ang makapipili kung gusto mong sumaya. Maybe, I should try reaching them out once again. Maybe I should take the risk. Patatawarin ko sila, at kakalimutan ang mga masasamang alaala. Yes, yun ang dapat kong gawin.

Napagdesisyunan kong bumaba muna, baka andun pa sila. Wala naman sigurong mawawala. I can do this. I'm Amythest Im kaya makakayanan ko 'to. Ayaw ko na rin kasing itago ang lahat ng hinanakit ko, I wanna voice it out pero I need to take the first step. Malakas kong naibuga ang hanging kanina ko pa pinipigilan. Nagsimula na akong bumaba sa hagdan.

As I took the last step to the living room, rinig na rinig ko ang mga mahihinang tawa mula sa may sofa. So, she's watching 'We Bare Bears' again. Mahina ang bawat yapak ko kaya paniguradong hindi niya ako maririnig palapit.

Siguro isang talampakan nalang ang layo ko sa kanya, and from where I stood, nakikita ko ang side profile niya. Ang ganda nga talaga niya. She's almost perfect, I wonder....Tanggap rin kaya niya ako bilang kapatid niya. I mean, nung una hindi ko talaga siya matanggap. Hindi ko nga siya pinapansin sa school. Una siyang lumipat sa university nung second semester, nakikita ko naman na may kaibigan na siya. Siguro mabait siya. Noon pa man kasi, gusto ko ng magkaroon ng kapatid. Pero hindi ko naman ginusto na sa ibang babae pala ako magka-kapatid. However, maybe its time to accept things.



"Sabrina..."

"Ate Amy, andiyan ka pala. S-Sorry po, kayo nalang po dito. A-Alis na ak-"

"No, please stay." Pagpigil ko sa kanya. Halata sa mukha niya ang kaba nonetheless tumango naman ito at umupo pabalik sa sofa. Nakayuko rin siya ng bahagya.

Nagsimula akong humakbang palapit doon, at umupo tabi niya pero there is still a gap between us. Napatingin siya sa gawi ko at agad din namang umiwas ng tingin. She's wearing a cotton shorts tapos loose gray shirt. Nakatali rin ang buhok niya.

I cleared my throat bago nagsalita. "Okay ka lang?" Tanong ko kasi napapansin kong nanginginig yung kamay niya. Ipinatong ko ang kamay sa balikat niya saka mariin itong tinignan.



"I-I'm sorry, ate."

"Ba't ka nagsosorry?" Takang tanong ko. I was shock when she suddenly cried at hinawakan ang kamay ko while saying sorry all over again. Pakiramdam ko maiiyak na rin ako, so I comforted her like a big sister does.

Alam kong nagulat siya kasi di na siya makagalaw, but I continued hugging her. Hindi naman ako mahilig sa cuddles pero, I guess this is my chance of proving na I'll be a good sister.

"Ate, I-I'm sorry, kasi ako 'yung dahilan kung bakit nasira ang pamilya mo. If I wasn't born siguro buhay pa hanggang ngayon ang mommy mo at masaya kayo ngayon kasama si daddy. I-I'm sorry kung naging hindrance ako sa happiness niyo. I'm really sorry ate." Hinimas ko ang likod niya. She's too fragile pala kahit parang bad girl ang awra niya.

I smiled saka kumalas sa yakap at hinawakan ang balikat niya. She was wiping her tears, she's too cute and pretty, syempre mana sa akin.

"No, hindi mo kasalanan. Kung anumang nangyari noon, siguro kailangan na nating tanggapin lahat 'yon. We should move on, forward. I admit sobrang nagalit ako, sinisi ko kayo noon sa pagkamatay ni mommy. Wala akong paki sa inyo, pero I realized, siguro mas masaya ako kapag nandiyan kayo. Siguro kailangan ko ng kalimutan ang mapapait na alaala. Let's start again nalang, 'yong tayo lang...kasama si dad."


"A-Ate, does this mean pinapatawad mo na kami?"



Tumango ako habang may ngiti sa mga labi. I saw how her face brightens. She was so happy. We both ended up in a warm tight hug. Nakuwentuhan rin kami about sa mga sarili namin. Maybe, we still need to know each other. Nakuwento niya rin kung gaano siya binubully ni Ashton and I was surprise nung alam niyang nililigawan ako ni Synnex.

Run To YouWhere stories live. Discover now