Parang binibiyak ang puso ko sa tuwing maaalala ko ang mga sinabi ni Nero at sa mga ginawa ni Synnex. Hindi pa nga kami pero ganito na ako nasasaktan.
His sweet gestures, his sweet words. Hindi pala 'yon kusa, kasi utos lang naman 'yon. Everything about us was just part of their stupid order. Ang galing naman niya umarte na parang totoo lahat ng 'yon. Nagtiis pa talaga siya ng ilang buwang panliligaw maisalba lang ang grades niya. Just wow, Synnex.
Sana pala hindi nalang kita pinansin, sana pala hindi ko na hinayaan ang sarili na mapalapit sayo. Kasi ang sakit ng sukli eh, ang sakit. Para akong natabunan ng kung anong emosyon. Gusto ko nalang mapag-isa palagi. Gusto ko nalang na magmukmok.
"Amy, okay ka lang?"
Alam kong si Jaera 'yon. Nandito ako ngayon sa room, nakadukdok ang ulo sa desk at hinahayaan ang mga luha na umagos.
"O-Okay lang ako, Jae. Just leave me alone for the mean time." Malumanay kong sabi at nanatiling ganoon. I heard her sigh pero hinayaan naman din niya ako. Narinig ko ang mga yapak niya palabas.
Sana naman panaginip lang lahat ng 'to. Sana walang Synnex Choi na napadpad sa mundo ko. Sana wala akong nararamdamang sakit ngayon.
Sobrang basa na ng desk ko, I've been crying kagabi, pati narin ngayon. Sabrina and dad wanted to talk to me, pero gusto ko munang mapag-isa. I want to be alone, so that kaya kong umiyak nalang ng paulit-ulit.
Bakit ganoon? Why can't we laugh at the same joke, pero we can cry again and again with the same problem and pain? Ang saklap naman ng buhay ko. Sa ikli ng panahon, I felt secured and happy, pero it was all nothing pala.
Gusto ko siyang tanungin kung pati pa 'yong mga salitang, "I'll run to you" ay kasama lang sa utos na 'yon. Gusto kong tanungin kung biro lang ba lahat ng 'yon. Ang gandang biro naman yata 'yon, imbis na matawa ako, heto ako at umiiyak.
"Ate, hindi ka ba kakain?" Sabrina asked. Nakalock ang pinto ko kaya hindi siya makapasok.
"Mamaya nalang ako, Sab." I answered saka napatitig na naman sa kawalan. I hug my knees saka umiyak sa pagitan ng mga tuhod ko.
"Buwesit naman, Amythest! Kailan ka ba mauubusan ng luha?!" I scolded myself. Gusto ko nalang na sampalin ang sarili ko. Paano ba ako mauubusan ng luha, eh palaging nagrereplay sa utak ko ang mga nangyayari? Paano ako hindi iiyak kung maalala ko na hindi pala totoo lahat?
I promised myself not to cry tomorrow and the following days. I need to be strong, itatago ko nalang siguro muna ang sakit. Kagaya ng ginagawa ko noon. I won't show them how vulnerable I am, kagaya noon. Noon nung hindi pa siya napadpad sa mundo ko.
Mag-iisang linggo na rin na hindi ko siya nakikita. Ilang araw na din na tinatago at kinikimkim ko ang sakit. Pero sa kabila ng lahat ng 'to, bakit parang namimiss ko siya? Namimiss ko parin siya. Galit nga ako eh.
Mag-isa lang akong naglalakad sa corridors ng school. As usual, maaga na naman ako kaya wala masyadong tao. Hinawi ko ang buhok at diretsong tinahak ang floor ng classroom namin. Ang boring tapos ang gloomy pa ng atmosphere ko.
I miss him. Oo, galit ako pero I miss him. Nasasaktan ako pero gusto ko siyang makita kahit ngayon lang.
Nakakabaliw diba?!
Pero ang sakit paring isipin na lahat ng 'yon ay wala lang. Wala lang kasi para lang naman 'yon sa grades niya. Puta, akala ko kasi totoo na eh. Kung hindi ko lang siguro siya pinansin, hindi ako magkakaganito. Hindi ako magiging baliw na namimiss ang isang taong naging dahilan ng pasakit ko.
I released a deep heavy breath. Ang bigat na kasi eh. Ang bigat na ng mga nararamdaman ko. Dahil sa kanya tapos na ang problema ko sa pamilya ko. He was the way for me to forgive them, pero ngayon siya naman ang nagbibigay sa akin ng sakit at problema.
YOU ARE READING
Run To You
Fanfiction"Even if it won't reach you by any chance. Even if I run of breath more, I'll go quickly. So please wait there a little more." ᴛᴡɪᴄᴇᴛᴇᴇɴ sᴇʀɪᴇs #1 ɪᴍ ɴᴀʏᴇᴏɴ-ᴄʜᴏɪ sᴇᴜɴɢᴄʜᴇᴏʟ