110 12 20
                                    

The class was really boring. Wala akong buhay na nakikinig sa prof namin sa History. Wala rin akong seatmate kasi nga absent si Jaera. Excuse rin si Synnex dahil may aasikasuhin daw ang SSG para sa papalapit na foundation day ng school.

"Uhm, pwedeng maki-upo?" Nakita ko ang babae kanina na ngayo'y nasa harap ko at nakangiti. Tumango nalang ako saka hindi na siya pinansin pa. "Sorry ha, napalipat ako. 'Yung katabi ko kasing si Ivan Wen, nakakairita, sarap balibagin. Konichiwa, ako nga pala si Shaira. Half filipino and half Japanese." Walang preno niyang sabi kaya nagulat nalang ako sa duration na makakadaldal ang isang tao.

Hindi naman pala siya mataray kagaya ng iba naming mga kaklase. Actually, kilala ko naman lahat ng mga kaklase ko dito sa section namin, but hindi na ako nag-aksaya ng panahon na kilalanin pa sila.

"I'm Amythest Im." Maikling introduction ko at hindi masyadong nagpahalata sa prof baka kasi mapagalitan pa kami. At oo, pinapagalitan pa rin ako kahit silang lahat ay alam na anak ako ng may-ari ng school.

"Oh, so you're the principal's daughter." Ani pa nito sa isang maliit na boses. Napangiti nalang ako sa behavior niya. May pagka-childish kasi ang awra niya.

"Don't you have any friends here?" Tanong ko sa kanya upang hindi masyadong mayamot sa klase. Ngayon ay nakatingin ako sa kanya. She have this floral and metallic headband. Mahaba ang buhok niya at may bangs na umaabot na sa mga mata niya.

"Well, actually meron. Sina Autumn Hirai and Francesca Myoui. If you know them..." Aniya at humagikhik ng tawa. I must admit na she's too cute. Tsk, naalala ko na naman ang half sister ko.

"I know the two of them, pinsan kasi ng kaibigan ko si Cheska. At si Autumn naman naging kaklase ko for a day since pumunta siya pabalik ng Japan." I felt comfortable habang nag-uusap kami. Ito ang first time na nakausap ko ng ganito katagal ang isang tao. Aside naman kay Jaera, Nero at Synnex.

We kept talking habang hindi man lang napapansin ng teacher. Masaya siyang kausap at inimbitahan ako na manood ng basketball practice mamayang hapon. Wala naman din akong gagawin kaya umuo ako.

I'm trying to open myself to other people but that doesn't include my full trust with them. Hindi ko pa sila lubusang kilala kaya hindi ko maaaring pagkatiwalaan sila ng buo.

Then why do you feel like trusting the guy you barely know?

Tsk, nababaliw na yata talaga ako at tinatanong ko na ang sariling isipan. Ipinilig ko ang ulo at isinulat ang mga requirements for next week.

"Class dismissed." Saad ng prof kaya maingay na nagsigawan ang mga kaklase ko. Sobrang gutom na yata nila at para silang mga torong nag-uunahan sa paglabas.

Tumayo na ako mula sa upuan. Saan ko naman kaya hahanapin ang Synnex na iyon? Siya na nga itong magpapalibre, may gana pang magpahanap.

"Sinong kasabay mo kumain, Amythest?" Nagulantang ako at napaigtad pagkatapos na marinig ang tanong na iyon mula kay Shaira. Akala ko ako na lang mag-isa dito.

Kahit na nagulat ako ay sinagot ko pa rin ang tanong niyang iyon. "Wala 'yong kaibigan ko pero may ililibre kasi ako ngayon." Tugon ko na tinanguan naman niya.

"Sige, una na ako. Pero mamaya ah, sa gymnasium. Manonood tayo, okay?" Pahabol nito bago lumabas ng classroom. Napailing nalang ako sa asta ni Shaira. Para siyang isang bata kaya hindi mo rin aakalain na may angking talino. And that's how the quote, 'Don't judge a book by its cover' makes sense.

Iniwan ko na ang bag at tanging ang wallet at cellphone lang ang dala. Inayos ko muna ang buhok at marahang hinila ang palda pababa. Humakbang na ako patungo sa pintuan nang,

Run To YouWhere stories live. Discover now