"Pero sir, I can't do that..."
"Just this once, Synnex. At saka, it's your benefit too. Kung gagawin mo man ito ay masasagip ang pagiging honor student mo. Remember that you almost failed a subject on the first sem, Synnex."
Ang simple lang ng pinapagawa niya. I just need to get close with Amythest at bantayan siya para sa grades ko. Iyon lang, pero bakit tutol ang isipan ko? Bakit parang may parte sa akin ang umaayaw? Amythest Im. Anak ng principal ng school. Most likely na nakabusangot palagi. Minsan ko lang nakikitang nakangiti at ang cold niyang tignan.
Magagawa ko kaya 'to. Parang ang imposible lang kasi. Base on my observations, walang masyadong nakakalapit kay Amythest, si Jaera lang din ang kaibigan niya. Ano ng gagawin ko?!
"So anong gagawin mo dun?" Nakaupo lang ako sa counter ng cafe namin nang biglang lumapit sina Nero at Nathan sa akin. 'Yung iba nagrerehearse ng kakantahin mamaya, kaya hindi masyadong magulo.
Napatingin ako sa kanila at agad din itong binawi. Pinasadahan ko ng tingin ang mga tao saka malakas na napabuntong hininga. Naguguluhan ako kung bakit ko masyadong bini-big deal 'yon. Kung bakit parang nawawala ang confidence ko tungkol kay Amythest.
"Hindi ako maka-relate. Sino ba pinag-uusapan niyo?" Tanong ni Nero at naupo sa tabi ko. Nakatukod lang ang siko niya sa counter at taas-kilay akong tinignan.
Napailing nalang ako at hinilot ang sentido. I'm so confuse kung bakit ko nararamdaman 'yon. It seemed to be so impossible pero kailangan kong gawin para na rin sa sarili ko. At saka, I just need to monitor her. There's no big deal with that. Pero ang pagmomonitor sa kanya also means kailangan ko ring makipaglapit sa kanya.
"Amythest Im, 'yong anak ng principal."
Tahimik lang akong nakikinig sa usapan ng dalawa. Napapailing ako na parang ewan. Aish. Pero diba nga, I just need to get closer to her. Pakikipagkaibigan lang. I repeat, pakikipagkaibigan lang, wala ng mas hihigit pa dun.
Pero again, that was all wrong. Kasi sa araw na lilipas at sa tuwing kasama ko siya, iba na ang pakiramdam ko. Sa tuwing nakikita ko siyang nakangiti, parang buo na lahat. Parang walang tao sa paligid, kung hindi ako at siya lang. Gusto kong isipin na nababaliw na yata ako, because I fell in love all of a sudden with her genuine smile.
And Nero also did fall for her. He told me before nung nabangga niya si Amythest. He said, it was love at first sight at pakiramdam ko noon parang guguho ang mundo ko. Nagseselos ako na walang tamang dahilan. All I want that time is hindi siya mapunta sa iba kahit na 'di ko naman siya pag-aari in the first place.
Naging malapit ako sa kanya, lagi ko na rin siyang nakikitang nakangiti. I love the way she moves her hair and tuck it behind her ear.
Narinig ko lahat ng mga sakit na dinadala niya. I saw her cry many times. Alam mo yung feeling na nakakadurog din ng puso yung makita mo lang siya na umiiyak. Lagi niyang sinasabi noon na she wants to be alone, pero hindi ko kayang panoorin na nasasaktan siya. So I comforted her kahit na hindi iyon ang tunay na pakay ko. In the first place, ayaw kung gawin ang utos na 'to pero I guess she needs someone right now. At ako bilang kaibigan niya, ang kailangan niya. Yes, I admit na I really want to be her friend hindi dahil sa napag-utusan ako, kung hindi dahil gusto ko.
Gusto ko siya. Gusto kong nandiyan palagi sa tabi niya. I'll be there for her, I'll run every kilometers and miles just so I could be there for her. For the first time, I fell for a girl.
And I'm inlove...Yes, nakakabakla pakinggan pero I felt that way for her.
Lagi akong busy sa SSG, marami akong ini-asikaso. Nakakapressure. Pero siguro kung makikita ko siya, that would lighten up my day. Wala namang pasok ngayon, in-announce na kanina dahil may aasikasuhin ang staffs ng school.
YOU ARE READING
Run To You
Fanfiction"Even if it won't reach you by any chance. Even if I run of breath more, I'll go quickly. So please wait there a little more." ᴛᴡɪᴄᴇᴛᴇᴇɴ sᴇʀɪᴇs #1 ɪᴍ ɴᴀʏᴇᴏɴ-ᴄʜᴏɪ sᴇᴜɴɢᴄʜᴇᴏʟ