252 16 20
                                    

"Why did you brought me here?" Takang tanong ko habang nakatitig sa harap ng isang malaking kahoy. Sa likod na parte lang ito ng eskwelahan at wala masyadong tao.

Kanina lang hinila ako nitong si Synnex habang kinakausap pa siya ni Jonathan at Nero. At heto ako, naguguluhan kung bakit sa dami ng lugar na pwedeng puntahan ay sa kahoy niya lang naisipang magpunta. Liningon ko siya na nakatayo lang sa gilid ko.

May kakaibang pagtibok na naman sa puso ko nang mapansing nakatingin lang din pala siya sa akin habang nakapamulsa. Isang hakbang lang yata ang layo namin kaya hindi ko maiwasan ang mailang. Mabilis kong binawi ang tingin at saka nagsimulang humakbang papalapit sa puno.

Gusto ko mang tumakas sa kanya ay hindi ko magawa kasi gusto ko rin namang magpahinga at forty-five minutes nalang bago magsisimula ang first subject namin. Hindi naman yata siya manggugulo.

Naupo ako sa gilid ng puno at saka isinandal ang likod sa katawan nito. Nakatayo pa rin si Synnex doon sa kinatatayuan niya kanina at para bang ino-obserbahan ang mga gagawin ko. Imbis na guluhin pa ang utak ko sa kaiisip sa kanya ay ikinibit balikat ko nalang ito at pumikit.

Minsan talaga kailangan mo ng peace sa buhay. Palagi naman kasing magulo ang buhay. Palagi itong nag-iiba at walang araw na hindi tayo nakakaranas ng lungkot. Gusto ko ng kapayapaan sa puso at isipan ko, gusto kong maging tahimik ang mundo ko kahit ilang minuto man lang.

Ang boring kong tao. Alam ko na iyon pero hindi ko naman hahayaan na baguhin ng mga salita nila ang tunay na ako. It's better to live under your own guard.

"Siguro kung nakangiti ka lang palagi, lalo kang gaganda." Narinig ko ang mga iyon sa gilid ko. Alam kong si Synnex 'yon dahil siya lang naman ang kasama ko dito. Patuloy ko pa ring ipinikit ang mga mata. Akala siguro ng lalaking ito na natutulog ako.

Natatawa ako sa isipan ko.

"Ano kayang naglalaro sa isip mo sa tuwing nakakunot ang mga noo mo?" Tanong pa nito pero nanatiling nakatikom ang bibig ko.

Naramdaman ko ang presensya niya sa tabi ko. Ang lakas din kasi ng amoy ng perfume niya kaya madaling mahulaan kung sino siya.

"Kanina nong tinanong mo ako. Kung bakit kita dinala dito, sana gising ka pa pero sasabihin ko pa rin sayo kahit na tulog ka." Napasapo nalang ako sa noo, mentally. Tumatawa na rin ako sa isipan ko dahil sa mga kalokohang sinasabi niya. Akala ko pa naman na maangas ang dating niya dahil nga SSG president siya, pero may pagka-nonsense din pala ang lalaking ito.

"Dito kasi ako tumatambay basta masyado akong napepressure sa mga gawain sa SSG. At saka parang comfort zone ko na rin ito, kaya ishi-share ko sayo, para naman kahit papaano ay mawala 'yang busangot sa mukha mo." Saad nito at napatawa ng mahina.

Gusto ko siyang tanungin kung bakit niya ginagawa ito. Kung bakit parang desidido siya na makipaglapit sa akin. Parang ang gulo lang kasi. Noong first sem palang ako lumipat sa school na ito. Hindi naman kami close at hindi rin naman friendly ang atmosphere namin. Kaya nalilito ako kung bakit all of a sudden parang gusto niya akong maging kaibigan.

Narinig ko ang buntong hininga niya kasabay narin ng mahinang pagbulong nito sa sarili. Mas lalo akong naguluhan sa mga inaasta niya. Parang may iba siyang pakay at nais kong malaman kung ano ang mga iyon.


"♪You can count on me like one two three, I'll be there.

And I can't count on you like four three two, and you'll be there

Because that's what friends are supposed to do, oh yeah."


Kinanta niya ang linyang iyon ng isang kanta. Malalim ang boses niya pero ang lamig nito ay parang nagpapakalma sa paligid ko. Hindi ko naman maiwasang mapangiti. Second.

Run To YouWhere stories live. Discover now