はち

104 10 15
                                    

Alas sais palang ng umaga, nakaready na ako papuntang school. Inayos ko muna ang uniform at tinapalan ng konting lip gloss ang mga labi. Nakatali ang buhok ko, habang may kakaunting buhok sa gilid ng mga tainga. Kinuha ko ang bag sa kama at masiglang itinulak ang pintuan.

Pero parang nag-iba yata ang mood ko nang makita ko si Sabrina na kakalabas lang din ng kwarto niya. To be exact, magkaharap lang ang kwarto namin. Nang nakita niya ako ay agad siyang yumuko at nanatili sa puwesto niya kanina.

Marahan kong isinara ang pinto at hinayaan siya roon. Hindi na ako ganoon ka galit sa kanya, pero mahirap parin para sa akin ang makasama siya sa isang lugar. Siguro may part sakin na nagsasabi na hindi naman talaga siya ang may kasalanan, kundi ang mommy niya at si daddy. Pero may parte rin sa akin na nagsasabing parte parin siya ng naging kasalanan nila.

Pagkalabas ko ay naroon na si Mang Juls at ang sasakyan. Hindi ko na rin madalas nakikita si daddy sa bahay and it's a relief for me.

Ilang minuto lang ang layo ng bahay namin sa school. Wala pa ring mga estudyante sa mga daan kaya mas lalong tahimik ang lugar. Linanghap ko ang sariwang hangin at maliksing naglakad patungo sa field kung saan ako laging nakatambay tuwing umaga.

Nandito na kaya siya?


Aish, ano na ba talagang nangyayari sa akin? Bakit ba lagi kong hinahanap ang lalaking iyon? Totoo kayang nagugustuhan ko na siya?

Napatigil ako sa paglalakad ng maramdamang may sumusunod sa akin. Rinig na rinig ko ang yapak ng taong iyon, at alam kong malapit lang siya sa akin. Ikinibit balikat ko nalang iyon at nagpatuloy sa paglalakad. Nakakaramdam narin ako ng takot.

Kung sakali man na masama ang taong ito, walang tutulong sa akin dahil mukhang mag-isa lang ako dito. Baka naman estudyante lang din siya diba? Baka may ibang gagawin o di kaya'y- Ugh!

Mabilis akong naglakad, halos tumatakbo na ako papunta sa field. Parang tumitibok ng ilang beses ang puso ko, naging mabilis na rin ang paghinga ko.


"Amythest! Wait!"


Nagulantang ako ng marinig na tinawag nito ang pangalan ko. Napahinto ako sa paglalakad at marahang humarap sa taong iyon. Nanlaki ang mga mata ko. Halos atakihin na ako sa kaba dahil sa kanya tapos. Tapos si Nero lang pala ang nasa likuran ko. Sinamaan ko siya ng tingin kaya natawa naman siya ng mahina at papatakbong lumapit sa akin. I must admit na talagang kakaiba ang taglay na kagwapohan ng lalaking ito. Matalino din pala siya. At saka gentleman.

Sinamaan ko pa siya ulit ng tingin nang makalapit na siya sa akin. Pinagkrus ko ang mga braso at tumalikod na sa kanya pero hinigit niya ako pabalik. Nabigla ako doon, paano ba naman kasi ang lapit na namin sa isa't isa. Malapit rin ang mukha niya dahil bahagya siyang nakayuko.

I'm literally paralyzed. Hindi ako makagalaw, I'm stuck on the ground with no chance of opening my mouth to speak. Dahil sa sobrang lapit namin, nararamdaman ko na pati ang paghinga niya.

Nagtagpo ang mga mata namin, nararamdaman ko ang malalalim niyang titig. Hindi ko na maintindihan ang takbo ng isipan niya. Aish, bakit ba ako nagiging ganito?!

"I-I'm sorry, Amythest." Saad niya saka marahan akong binitawan. Tumango nalang ako at bahagyang napayuko. Parang nawawala yata 'yong lakas ko sa lapit naming iyon.

Naiilang ako pero hindi ko dapat maramdaman iyon dahil magkalapit na rin kami ni Nero. Tumingin ako sa kanya saka napangiti. Mahiyain kasi siya sa mga babae, pero parang I'm an exception kasi sa akin lang siya kadalasang lumalapit. Baka siguro gusto niya ng tahimik kasi hindi naman ako masyadong madaldal.

"Maaga ka rin pala. Upo muna tayo." Pagbasag ko sa katahimikan kaya matamis siyang napangiti at tumango. Inilagay niya ang bag sa damuhan saka nag-indian sit. Ganoon na rin ang ginawa ko.

Run To YouWhere stories live. Discover now