Chapter 14

1 0 0
                                    

Thea's POV

Nagising ako sa aking alarm. It's already 5 in the morning. Naihanda ko na naman ang mga gamit ko para sa apat na araw na pamamalagi namin doon.

Nararamdaman ko ang kaba sa mga posibleng mangyari ngayon. I know my parents too well. Siguradong magugulat sila mamayang gabi sa mga mangyayari.

Nacontact ko na din kagabi si Mica para sa party na gagawin mamayang gabi. I'm fuckin' nervous. I want my family to be safe. I called Althea.

"Ano?! Istorbo ng tulog! Ang aga pa kaya! Kung wala kang magawa wag ako! " paos at pasigaw niyang sagot. Alam kong tulog pa siya pero malamang nagising dahil sa tawag. And it's obvious na hindi niya tinignan ang tumatawag batay sa pananalita niya.

"Hey" malamig na boses kong sambit. Agad akong nakarinig ng kaluskos at alam kong napabangon siya sa kanyang kama

"A—ah. Yes M—miss?" mahinahon na niya ngayong sabi. Nanginginig pa ang boses ng putangina.

"We're going to Palawan" maiksi at walang emosyon kong sabi.

"Copy miss. Anything else?" medyo may kaba paring mahahalata sa kanyang pananalita.

"Nothin'. That's all" yun lamang at pinatay ko na ang tawag.

It's about work kung malamig ang tono o way ng pananalita ko sa kanya kapag tumatawag or nagtetext. And she already knows kung bilang kaibigan ako tumawag sa kanya.

Agad akong bumangon upang magbihis na para hindi ako ang mahuli. Baka mamaya andito na sila at ako na lamang ang kulang.

AFTER kong maligo and all, nagblower muna ako ng buhok and hindi na ako naglipstick or what.

I'm wearing a sleeveless shirt and a short shorts paired with my Nike sneakers and a sunglasses to look cool.

Batid kong nasa loob na sila ngayon ng bahay dahil may kakaibang ingay na nagmumula sa labas. Nangingibabaw ang boses ni Stephen.

Agad akong bumaba dala dala ang aking mga gamit. Pababa na ako ng hagdan ng mapansin ako ng barkada.

Napasipol pa sina neon, zan and vin kaya binatukan sila ng kanilang mga nobya. Natawa naman ako sa nasaksihan ko. Hindi na ako nagulat ng biglang may kumuha ng mga gamit ko. At first akala ko si Steph but mali pala ako.

"Ako na" mababa ang boses niya habang nakatungo at kinuha ang mga gamit ko.  Agad namang naghurumentado ang tibok ng puso ko. Hindi nalang ako nakipag pilitan at nag thank you nalang.

Nang tuluyan na akong makababa ay nagpanggap akong hindi apektado sa nangyaring pagkuha niya sa aking gamit. Marahil ay idinala na niya ito sa aming sasakyan patungong airport. I have my own Plane and a pilot of course.

"Hi love" nakangiting bati ni Neon sa akin at sinalubong ako ng mahigpit na yakap. "Are you okay?" bakas ang alala sa kanyang boses nang ibulong sa akin iyon.

"I'm okay love. I will be okay" nakangiting sabi ko bago humiwalay ng yakap. Binati at niyakap din ako ng iba na para namang hindi uli kami nagkita kita ng mga taon.

"Miloveessss!" napatakip kami ng tenga nang biglaang sumigaw si Stephen at dinamba ako ng yakap

"What?" masungit na sabi ko dahilan kung bat humabang muli ang kanyang nguso. Natawa ako

"Good morning Milovesss!" nakangiting anya. Labas ang pantay pantay niyang mga ngipin na mapuputi. Lumilitaw din ang kanyang dimple sa magkabilang pisngi.

"Walang maganda sa umaga kung mukha mo agad ang makikita ko" seryosong sabi ko sa kanya kaya humiwalay siya ng yakap at muling sumimangot. Narinig ko namang natatawa ang barkada na nanonood samin.

Demon AngelWhere stories live. Discover now