Chapter36

213 5 0
                                    

After 3years...

Hope....

An angel came into my life....

Hindi lang isang anghel ang dumating saamin kundi dalawa.Isang biyayang hindi namin inaasahan.

"Ada want ha-dog" Sigaw ni Ashton.

"A-da A-da" Sigaw naman ni Ashpen. Na parehong nakaupo sa high chair.

"Wait little kiddo's" lumapit si Ash sakanila at humalik sa tuktok ng ulo habang may hawak na spatula. At hindi magkaundagaga sa pagluluto.

Habang ako ay binibihisan si Blix, para pumasok sa eskwela. Inayos ko na ang uniform niya at saka ko siya binuhat paupo sa high chair. Lumapit ako kay Ash at tinulungan siyang magluto. Ngunit pinigilan niya ako at pinaupo lang din sa tabi ng tatlong anak ko.

"I'll take care of it." ani niya at gaya kanina ay hinalikan niya din kami ng panganay niyang anak.

"Daddy is weird" blix uttered. Kaya palihim akong natawa dahil totoo naman ang tinuran ng anak ko. Ash hates cooking pero nang makasal kami ay biglang naging bihasa siya sa pagluluto.

Tinitigan ko ang dalawang anak ko na tahimik na pinapanuod si Ash na nagluluto. Nalulungkot ako dahil wala man lang akong naging kahawig sakanilang tatlo. Lalo na si blix na habang tumatagal ay para siyang Xerox copy ng daddy niya. At ganun din ang dalawa.
Isinalansan na ni ash ang mga pagkaing niluto niya at sinumulang tanggalin ang aprong nakasuot sakaniya.

Sinandukan ko na si blix at nilagyan ko naman ng cereal ang dalawa. Pero gaya ng dati ay iiyak sila dahil sawa na sila sa cereal. Kaya wala kaming nagawa ni ash kundi himayan sila ng hatdog.

Hinatid ko na sa labas si blix at Ash na parehong may pasok ngayong araw. Bumalik na si Ash sa opisina at nagsimula na ring mag-aral si blix sa grade-one. Hinalikan ko sa labi si Ash at hahalik din sana ako sa anak ko ngunit iniwas niya ang mukha niya at itinuro ang pisngi niya. Habang tumatagal ay nakukuha niya ang pag ka moody ng ama niya.

Inantay ko muna silang makaalis at saka ko binalikan ang dalawa sa crib. Kinuha ko sila isa-isa at sinuotan ng sapatos, dalawang taon na sila pero mas gusto kong asa crib sila kapag hindi ko sila mabantayan.

Lumabas kami ng bahay habang hawak ko sa magkabilang kamay ko ang dalawang anak ko. Dumiretso kami sa Park na Siyang palaruan ng mga bata dito sa Village.

Pinagmasdan ko silang dalawa. At ganun nalang sila kasaya. Masasabi kong swerte sila na dumating sa buhay ko dahil sila ang tumuldok sa karimlan ng nakaraan namin.

Flashback..

Nang malaman namin ni ash na buntis ako, ay maingat kami sa bawat kilos ko.

Bumababa kami ng kwarto at anduon parin ang mga Laxamana na  silang tumapos sa burial prayer ni daddy.

Naupo muna ako at ganuon din si Ash. Kinuha niya ang atensiyon ng iba at ibinalita ang pagbubuntis ko.

"Everyone, I'm going to be a father again" Sigaw niya ng may galak. Tumakbo naman si blix at nag pabuhat sa daddy niya.

"I'm going to be a kuya po papa?"tanong niya.

" Yes, baby"

Sabay sabay naman silang dumalo saakin at binati ako. Hindi man ito ang magandang oras para, ibalita ito dahil kakaburial lang ni daddy ay hindi na nagpapigil si Ash.

"I know this is not the right time to say this but I have no choice. And I don't want to prolong it anymore." lumapit si Paul sa lamesa at may inilapag na ilang litrato at ibang documento.

He's part of my soul (R-18) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon