Chaptere34

166 4 0
                                    

Happiness.

"Ash... Baka may makakita saat—" bago ko pa matapos ang sasabihin ko ay inilapat niyang muli ang mainit at malambot niyang labi saakin.

"I will not let anyone see you" putol niya sa pag papalitan namin ng halik.
Kaya ganuon nalang ang pagkadismaya ko ng tumayo siya.Pinigilan ko ang braso niya ngunit agad din akong kinain ng hiya ko, dahil ramdam ko ang pagkasabik ko sakaniya.

"Wag muna tayo, bumalik sa apartment. Baka nanduon pa si uncle nick Ash." sushestion ko.

"Who said we would go back to your apartment?" Huminto na muna ako at tinignan siya.

"Saan tayo pupunta kung gayon?" tanong ko.

"As you said, enjoy the moment that will be a memory for us. So I will take you, to where I know that  you will be happy." Napangiti ako sa sinabi niya, kahit kailan ay siya lang, ang nakakagawa saakin nito. "Let's escape in  reality first, baby. Saka nalang naten sila harapin." Hindi na niya, inantay ang sagot ko bagkus hinila niya na, ako palapit sa kotse niyang  nakaparada sa tapat ng apartment ko.Napansin ko ding wala na ang kotse ni uncle nick. Kaya sigurado akong wala narin siya sa loob ng apartment.

Pinagbuks niya ako ng pinto ng kotse, nag aalangang tinignan ko muna siya bago pumasok. Hindi ko maiproseso sa isip ko kung dapat ba namin itong takasan na muna, kung pwedi naman naming haraping dalawa.

"Ash, tama ba na hindi mo na naten sila harapin?"

"I want them to realize the mistake they made"

"Ibig mong sabihin ay, bibigyan muna naten sila ng oras para maisip nila ang pagkakamaling ginawa nila?"tanong ko."Paano kapag  itinanggi nila na hindi naman iyon ang pakay nila na sirain tayong dalawa?" Hindi naman malabong itinanggi nila iyon. Walang taong hindi umaamin sakaniyang kasalanan.

"They can no longer escape, in their sin. Trust me."

Tumango tango nalang ako dahil may tiwala ako sakaniya.

"Take a nap first, I'll just wake you up when we get there" Pigil hinga ang ginawa ko ng lumapit siya saakin at ikinabit  ang seat belt ko.
Iniiwas ko ang tingin ko dahil baka hindi pa kami makapunta sa dapat naming puntahan gayong ganuon nalang katindi ang pagnanasa ko sakaniya.

Ipinikit ko ang mata ko, magtatanghali palang pero ganun nalang ulit kabigat ang talukap ng mata ko. Kaya nilamon na ako ng panaginip ko.

Nagising ako sa matinis na boses ng isang batang lalaki.

"Mama"... "Mama wake up." napangiti ako ng marinig ang boses ng anak ko sa panaginip. Blix.

Ngunit ng Imulat ko ang mga mata ko ay, nakita kong nakatunghay si blix saakin. Kaya ganun nalang kabilis ang pagkakatayo ko. Nakikita ko ang anak ko, nangilid ang luha ko dala ng kasiyahang emosyon ko.

"Blix?" I whispered.

"Ginigising  po kita kanina pa po. But you don't want to wake up. Dad said don't wake you  up but you call my name thlice" itinaas niya ang  tatlong maliit niyang daliri. "I guess you'll  dleaming of me Mama" tuloy tuloy na ingles niya. Natutop niya ang kaniyang sariling bibig, na para bang siya pa ang nagulat. "Wala na po ako
sulplice." Malungkot niyang sabi. Imbes na maawa ako ay natatawa ako dahil gumaling nga siya sa lengwaheng hindi niya maintindihan ngunit ganun pa din ang pagkabulol niya sa letrang r.

Sinapo ko ang mag kabilang pisngi niya at pinangigilan ito. Nakita ko Siyang ngumiwi pero hindi parin nawawala ang ngiti sa mga labi niya.

Natigilan ako ng pumasok si Ash, sa kotse. May kausap siya sa cellphone kaya hindi niya namalayan na gising na ako.

He's part of my soul (R-18) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon