Chapter15

199 4 0
                                    

UNKNOWN POV

Hindi ako makatayo sa kinauupuan ko ngayon, paanong andito siya? Paanong nakabalik ulit siya sa buhay namin.
Mali pala ang desisyon kong pumayag sa paanyaya ng kuya.

Habang masaya silang nag uusap ay nag paalam  na ako kay kuya na may importante akong lalakarin, mabuti nalang at pumayag ito. Kinuha ko ang cellphone ko at idenial ang numero ni caloy. Wala pang ilang segundo ay nasagot na niya ito.

"Good ebning boss,may ipapalakad ba kayo?"

"Magkita tayo,Alam mo na kung saan" at pinatay ko na ang linya.

Nakarating ako sa pribadong basement at nakita kong anduon na ang magtiyuhin na masayang nag iinom. Nang makita nila ako ay sabay silang napatayo.

"Anong saatin boss?"

"Akala ko ba nadespatsa na ang Imperial na yon?!" sigaw ko sakanila"Eh bakit magkasama nanaman sila ng hinayupak kong pamangkin!"

Natigilan sila sa sinabi ko na mas lalong ikinainit ng ulo ko

"Ano walang magsasalita man isa sainyo!" Sinipa ko ang mga boteng pinag-iinuman nila at mga monoblocks na nakahara.

"Malinaw ang usapan naten, caloy anong nangyare?!"

"Hindi ko nagawang despatshahin ang bata dahil nagdadalagang tao siya boss, halang man ang bituka ko ay hindi ko kayang patayin ang sanggol na nasa sinapupunan niya"

"Buntis si Ella?" hindi makapaniwalang tanong ko

"Oo boss, hindi ko naman kayang pumatay ng sanggol, madami na akong kasalanan pero wag naman ang anghel na nasa sinapupunan"

"Umaayon na sa lahat ang plano caloy! Pero dahil lumitaw nanaman ang imperial na yon ay babalik ulit tayo sa panibagong plano!"

"Limang taon na ako nag aantay boss" Mapait nitong sabi "Pero ni isa sa mga taon na yon ay walang kaginhawaan ang nangyare sa buhay ko, sa amin"

"Hindi ba sabi ko naman sayo na bumabagsak na siya, kunting butas nalang caloy tuluyan na siyang tataob sa sarili niyang bangka!"

"Ano ang gagawin naten ngayon boss? Nawala na sa poder ko ang mag iina dahil umalis na sila, hinayaan ko na din naman sila dahil mababaon na sila sa utang" sabay halakhak nito"Hindi ko aakalain na kay laxamana din siya babagsak tsk tsk"

"Tatawagan nalang kita, sa ngayon mag lilow ka muna"

Kung hindi ko sila nagawang saktan noon ay sisiguraduhin kong mas masakit ang magiging katumbas ngayon.

_____

Mhixiea POV

3rd part ng Flashback..

Choose...

"Xiea kailan mo balak sabihin kay blix na anak mo siya?" napalingon ako kay Ash, kasalukayan siyang nagmamaneho pauwi ng bahay.

"I still don't know Ash" I answer" I don't know if he will understand this, I don't know if he will accept me as his mother, he's too young"

"If I were you xiea? Magpapakilala kana bilang ina ng bata, habang Di pa niya naiintindihan, dahil mas magiging mahirap kapag kapareha mo na siya mag isip, Its just an advice from me No bussines, no contract involve, para sa bata gawin mo cause I care for blix"

Nakakaramdam ako ng galit sa sarili ko, ganun na ba ako kasamang ina? Ginawa ko lang ang gustong mangyare ni tyong cario na wag ipakilala ang pagkakailanlan ko sa anak ko dahil kung hindi ay gagawin niya ang lahat para lang mapahamak ang bata.

He's part of my soul (R-18) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon