Weeks had past and we never met again. Well, hindi naman na ako nag-eexpect na magkikita pa uli kami. For sure hindi din naman siya dito sa CIS nag-aaral. But yeah, ayoko na siyang pagtuunan ng pansin. My plates and studies needs me the most, lalayo na ako sa mga ganyang eksena. Nandito kami ngayon sa labas ng University. Kumakain kami dito sa may pares sa tapat ng school. Kami lang ni Sabrina at Larissa ang nandito. Si Pat kasi ay may kasama na namang ka-fling kuno, ewan ko ba dun. At si Rhianne, ewan ko kung saan nagsusuot.
"Oh ano? Kamusta ang Accountancy?" Tanong ko kay Sabrina.
"Ayun, tusta ang utak sa bwisit na Accounting 1 and 2 na yan! Di ko tuloy alam kung magsisisi ako na accountancy kinuha ko." Sabi niya at nagroll eyes pa.
"Tsh, ginusto mo yan eh." Usal ko at binalingan ang katabi ko na ngayon ay may kausap sa cellphone. "Ikaw?"
Nilingon niya ako. "Ha?"
"Ha?" Pang-aasar ko, ginaya ang paraan ng pagtatanong niya. "Ikaw, kamusta ang future Pedia?"
"Okay naman, mahirap pero keri naman ng ganda ko. Tignan niyo wala man lang bahid ng stress sa mukha ko, small thing." Nakuha man siyang magbiro ay nakatingin parin siya sa phone niya habang sinasabi iyon.
"Sino ba 'yang kausap mo?" Tanong ko.
Nakangiti siyang bumaling saakin, kinikilig ba 'to? "Wala, Kumain ka nalang."
"Tsh, bahala ka nga dyan." At kumain na lang din gaya ng sabi niya. Wala kaming ginawa kundi ang mag-usap lang tungkol sa courses namin at magvent out sa isa't isa.
Ang totoo niyan, kaya Architecture ang kinuha ko kasi gusto ko makita nila yung mga buildings na gagawin ko. Mababaw man sa iba, para saakin malalim na yun. Kaya lahat ng ginagawa ko, para yun saakin. Maraming nagsasabi na antalino ko daw because part daw ako ng dean's lister. But as for me, I'm not that intelligent as they think. I'm just striving so hard. To beat my family's expectations and for my future.
Kung ako lang naman, mas okay lang saakin na wala sa dean's lister. But that freaking expectation pressures me. Malaki ang tiwala saakin ng parents ko. To the point na they believed that I can do the things that others do. Pero hindi yun totoo, I'm just doing it for the sake of their satisfication.
Kaya naging studious ako na tao. And umabot na sa nakalimutan ko na ang own happiness ko. Na nakalimutan ko na kung saan ako masaya. My entire college life was locked by studying. Na nakalimutan ko na mag-enjoy, and that sucks. Seeing your fellow college students enjoying their life at clubs while me? My college life plays around with sleeping and studying.
Matapos naming kumain ng pares pumunta muna ako sa favorite tambayan ko, sa may cafeteria sa tapat din ng school. Ilang hakbang lang din ang layo nun sa paresan kanina. Pumasok ako sa loob at umorder ng frappuccino at donut. Hindi ko na yun inintay at nagpunta na sa isang table. And just for a couple of minutes dumating na yung order ko.
"Here's your order, Maam. One frappuccino and one donut. Enjoy your eating." Sabi nung babaeng waiter.
"Thank you." Sagot ko at ngumiti dito.
Kinuha ko ang libro ko sa bag ko, well hindi naman ako sobrang bookworm pero pagbored ako, nagbabasa ako. I love stories about love and romance. Well, atleast kahit man lang sa libro kiligin diba. Puro salita bhe ayaw naman ng commitment sus. Lumipas ang mga minuto at nagbabasa parin ako. Wala naman akong ibang gagawin as of now e so I'll spend time reading books nalang. Pero maya maya pa ay napatigil ako sa pagbabasa nang maglapag uli ng isang kape yung babaeng waiter kanina.
BINABASA MO ANG
Captivating My Recondite (Squad Series#1) *UNDER MAJOR EDITING*
RomanceBriella Mayen Ortega, ang matalinong best friend ng barkada. All of her life, she wants to make her parents proud, who wouldn't right? Nasa linya na nila ang achiever and she have to be like them. Ang pagbibigay ng parangal sa pamilya niya ang isa s...