Chapter 8

126 3 0
                                    

Nag-uusap usap parin kami dito ngayon. Sa totoo lang, nakakatuwa pala na makipag-usap ng ganito. Yung feeling na malayo ka sa internet at pagsasalita lang talaga yung way ng pakikipag-usap. Ngayon kasi halos sa social media na umiikot yung lahat. It felt so nice to be socialized with real people. Nakikipagtawanan pa ako dito kila Lola at Mommy nang madinig kong tawagin ako ni Tita Gema. Umahon na sila kanina kasi pagod na daw si Tita Gema pero si Mica, wala paring kapaguran at mataas pa ang energy.

"Briella, pwede bang pakisamahan si Mica sa restroom?" Sabi ni Tita Gema.

Tumayo ako at tumango. "Sige po tita Gema."

"Salamat." At uminom si Tita ng tubig.

"Excuse me." Sabi ni Kairus at tumayo. "I'll accompany you."

Umiling ako. "Hindi na. Magkaiba naman yung CR ng girls sa boys eh."

"Just let me accompany you."

Bumuntong hininga naman ako at hindi na pumalag pa. Binalingan ko si Mica at inalok ko ang kamay ko sa kanya at ngumiti. "Let's go?" Tumango siya at inanot ang kamay niyang maliit saakin.

Naglakad na kaming dalawa at hinayaan na si Kairus duon. Bahala siya kung susunod siya, napakaprotective ha! Pero di pa man din kami nakakalayo ni Mica sa paglalakad ay may humawak na sa kaliwang kamay ko. Kukunin ko sana dahil nabigla ako pero hinigpitan niya ang hawak.

Tinignan ko kung sino iyon, Si Kairus. "Tch, you leave me there." Reklamo niya.

"Ano ba, tanggalin mo nga yung kamay mo diyan." Utos ko.

Umiling siya. "Nah, I will not let you go anymore."

Napalunok ako at nag-iwas ng tingin. May double meaning ba yun? Tahimik lang kaming naglalakd na tatlo dito papuntang CR. Si Mica ay sinisipa ang mga buhangin habang naglalakad, ito namang isa sa gilid ko pinaglalaruan yung kamay ko. Marahan niyang hinahaplos gamit ng hinlalaki niya yung kamay ko. Medyo distracted ako sa ginagawa niya pero hindi ko nalang ipinapahalata.

Nang marating namin ang CR ay nagsalita ako. "Dito na kami, dyan ka lang."

Tumango siya. "I'll go to the restroom too."

"Sige. Pagnauna kang matapos, antayin mo nalang kami." Turan ko, tumango lang siya.

Pumasok kami sa loob ng CR ng girls ni Mica. May isang cubicle na walang tao kaya pumasok kami duon. Tinulungan ko na gumamit ng restroom si Mica, hindi niya kasi masyadong kaya. Saglit lang din kami duon at lumabas na kami. Tinulungan ko din muna maghugas ng kamay si Mica bago kami lumabas.

Pagdating namin duon ay wala pa si Kairus. Napakatagal naman ng lalaki na yun. Mag-aantay pa sana kami dun pero hinihila ako ni Mica. Binalingan ko siya, "Yes Baby?"

"Let's swim, Ate." Pangyayaya niya.

"Baby, we're waiting for Kuya Kairus eh." Untag ko.

Ngumuso siya. "You told me that we will make sand castles, but we didn't."

Bumuntong hininga ako. "Baby, let's just wait for him for a minute okay?"

"Ate!" At nagpapadyak si Mica.

"Okay, We'll go ther---"

"Yipieeee!" Masayang usal ni Mica at hinatak nalang ako. Wala tuloy akong nagawa kundi sumunod. Baka kasi pagpinigilan ko siya ay madapa siya.

Nagpatuloy lang kami siya sa paghatak saakin. Medyo malayo na kami dun sa may CR kaya di ko alam kung nasaan na si Kairus. Ngunit napatigil ako sa pagkatianod ng madapa si Mica. "Mica!" Napasigaw tuloy ako at agad na tinulungan siyang tumayo. Pero bago ko pa man din siya tuluyang matayo ay may nagtayo na sa kanya.

Captivating My Recondite (Squad Series#1) *UNDER MAJOR EDITING*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon