Kasalukuyan na kaming palabas ng coffee shop ni Kairus. As usual, he paid for our drinks. Minsan naiisip ko kung gaano kakapal yung wallet niya, sobrang galente! Hindi ko napansin yung oras, ni hindi ko nga namalayan na alas singko na. Paano'y palagi akong inaasar ni Kairus, minsan naman ay bumabawi ako at siya ang susuko. As usual, he paid for our drinks. Minsan naiisip ko kung gaano kakapal yung wallet niya, sobrang galente!
"Where do you want to go?" Tanong saakin ni Kairus.
Napalingon ako sa kanya. "May kasunod pa?"
"Oh, you want to go home? I'll bring you home, then." Usal niya.
"Ikaw ba?" Balik tanong ko sa kanya. It's okay if I'll stay with him for a little longer, wala pa din naman ako sa mood na umuwi.
"Your choice."
I looked at him, masama man kung mag-aassume akompero his eyes are hopeful. "Saan mo gustong pumunta?" Nakangiting tanong ko.
Nilingon niya ako, "You can go home if you want, you have plates to do." at ngumiti, making me sure that he's really fine if I'll leave.
Umiling ako, buo na ang desisyon ko atsaka okay lang naman talaga. "Saan mo gusto pumunta?" I asked him again.
Ngumiti din siya. "You? Where do you want?"
Bakit ako? Napaisip tuloy ako kung saan. I think of some place where we can enjoy. Until I realized something, he'll like it. "Tara!" Yaya ko sa kanya at hinawakan ang kamay niya para hatakin papunta sa isang arcade. Dahil hindi ko alam kung saan yung arcade dito, we looked for it. Kung saan saang floor na kami nakarating until we found it. Buong ngiti akong ngumiti sa kanya. "Charan!"
Pinagkunutan niya ako ng noo. "Here? Really?"
Tumango ako. "Oo! Masaya kaya dito."
"Tch, what a childish." Dinig kong bulong niya, sumimangot naman ako. Tignan mo 'to, siya nagtatanong saakin kanina kung saan ko gusto tapos... Ang saya kaya maging bata, minsan nga hinihiling ko na sana hindi nalang ako tumanda.
"Edi wag." Sabi ko at humalukipkip.
Tinignan niya ako at umayos ng tayo. "Let's go inside." Sabi niya dahilan para mapangiti ako.
Nagpunta muna ako sa counter para lagyan ng load yung card. Luckily, dala ko yung card ko so makakapaglaro kami. Sunod ay binalingan ko siya, nakatingin lang siya saakin at nakahalukipkip. Hindi ko alam kung bored ba siya or what. Lumapit ako sa kanya at naglahad ng kamay. "Tara, laro tayo?"
He looked at my hand before holding it. Now, our hands were intertwined, fingers between fingers, hearts between hearts. Huminto kami sa isang deal or no deal na machine. Ewan ko, ito yung pinakamalapit eh. Atsaka masaya na din dito. Swinipe ko ang card ko para makapaglaro na kami. Nung una, ako yung pumili ng briefcase na bubuksan, tumama naman ako. Sunod ko siyang pinapili ng briefcase pero napakataas ng laman. Salitan kaming namili ng mga briefcase. Madalas ako yung tama, siya naman ang mali. Tuloy ay nagsisihan kami nung dulo ng mali ang mapili niya.
"Ikaw kasi eh, sabi ko sayo yung 8 piliin mo eh." Paninisi ko sa kanya. Suminghal naman siya pero nakangiti parin. "Bahala ka nga diyan." Turan ko at iniwan siya ruon. He followed me habang naghanap naman ako ng iba, at natanaw ko yung basketball machine. "Kairus!"
"What?" Tanong niya.
Tinuro ko yung machine, "Gusto mo dun?"
"You want there?" Tanong niya rin, tumango lang ako. "Okay, then." At naglakad papunta dun. Sumunod ako sa kanya, nag-aabang siya ruon sa machine. Naalala ko nga palang hindi ko naibigay sa kanya yung card kaya di niya pa maswipe.. Tumingin ako sa kanya, he's looking at me too. "Magshoot ka ha, baka mas mataas pa ako sayo." Sabi ko habang nakangiti, nagyayabang
BINABASA MO ANG
Captivating My Recondite (Squad Series#1) *UNDER MAJOR EDITING*
RomanceBriella Mayen Ortega, ang matalinong best friend ng barkada. All of her life, she wants to make her parents proud, who wouldn't right? Nasa linya na nila ang achiever and she have to be like them. Ang pagbibigay ng parangal sa pamilya niya ang isa s...