Chapter 15

128 3 0
                                    

Nagising ako kinabukasan dahil sa magkakasunod na ring. Kinuha ko yung cellphone ko sa ibabaw ng side table ko at saka umupo. Ngunit napahawak lang ako sa ulo ko ng makaramdam ng sakit duon.

Inom pa, Briella! Hangover ka ngayon.

Sinagot ko ang tawag. ["Hello?"]

["Hey, good morning."] Bati ni Kairus.

["Good morning".] Bati ko rin at hinilot ang sentido ko.

["It seems like you just woke up."] Sabi niya.

["Kakagising ko lang nga.] Ani ko.

[Oh?"] Usal niya. ["So you already missed your second subject?"]

Nanlaki ang mata ko at napatingin sa wall clock ko, 12:30PM na. Bumuntong hininga ako at nasapo ang noo ko. ["Hindi na siguro ako papasok, masakit din ulo ko."]

["Tch."] Singhal niya. ["Drink more next time, Mahal."] Pang-aasar niya.

Umirap ako kahit di niya kita. ["Sige na, maliligo na ako baka sakaling mawala."]

["Okay then."] Turan niya. ["I'll go there in your house, I'll check you. If it would be fine,"]

["Ngayon?"] Nabibiglang sabi ko.

Bumungisngis siya kaya sumama ang mukha ko. ["You missed me already, Mahal?"] At tumawa. ["Maybe 1PM, my prof in my last subject was absent. I can go there after my class on 1PM."]

Tumango ako, ["Sige, study well."]

["Take some medicine, It cam soot your headache."] Sabi niya.

["Okay, bye."] Papatayin ko na sana yung tawag pero nagsalita pa siya.

["I love you, Mahal."] Untag niya, napangiti ako sa tinatawag niyang maarte accent.

["I love you too, bye!"] Mabilis na sabi ko at binaba na ang tawag.

Mahal na kita, Kairus. Matapos ang tawag na iyon ay naligo na nga ako. Pero akala ko ay mawawala kahit papano yung sakit pero parang mas sumakit lang ulo ko. Bumaba ako at dumiretso sa may Dining Area. 1:13PM na ngayon kaya paniguradong tapos na silang kumain. Nakita ko nalang duon ay si Mommy na nagpupunas ng mesa.

"Anak, akala ko pumasok ka na?" Tanong ni Mommy.

Umiling ako. "Masakit po ulo ko eh."

Namilog ang bibigni Mommy. "Osige, kumain ka na. Kukuha lang ako ng gamot."

Tumango ako at nagpunta sa lababo para maghugas ng kamay. Kumuha ako ng plato at nagsandok ng pagkain ko. Nang biglang may maramdaman ako sa paa ko, Si Coco pala. Kumahol ito saakin, nangunot naman ang noo ko. "Bakit?" Tanong ko kahit na hindi naman talaga ako sasagutin ni Coco. Maya maya pa ay may narinig akong sasakyan, tinignan ko uli si Coco na siya namang kinahulan ako uli at tumakbo paalis. 

Nilapag ko ang pinggan ko at naglakad papuntang pinto. Nakita ko si Coco na pilit na tinutulak ang pinto kahit na di niya kaya. Binuhat ko siya at binuksan ang pinto, duon ay tanaw ko agad angg sasakyan ni Kairus. Kaya naman pala tumakbo si Coco sa may pinto, nalaman niyang dadating yung daddy niya.

Naglakad ako papuntang gate para pagbuksan siya. Nakita ko siyang may dalang plastic na may styro pack. "Hey beautiful." Bati niya at biglang humalik sa pisngi ko. "Are you alright now?"

Umiling ako, "Hindi pa rin, mas sumakit pa."

Tumango siya, "I brought you some stress reliever," at inabot saakin yung plastic na hawak niya. "Your favorite pares,"

Captivating My Recondite (Squad Series#1) *UNDER MAJOR EDITING*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon